• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Angkas rider na suspek sa pagpatay sa motorista, arestado

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
February 8, 2023
in Balita, Metro, National / Metro
0
Angkas rider na suspek sa pagpatay sa motorista, arestado
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nadakip na ng mga otoridad ang isang Angkas rider na suspek sa pamamaril at pagpatay umano sa isang motorista sa Pasig City nitong Linggo matapos umano silang magtalo dahil lamang sa kanselasyon ng booking.

Sa ulat na inilabas ng Pasig City Police nitong Miyerkules, kinilala lamang ang naarestong suspek na si alyas ‘Roy,’ na isang Angkas rider, at residente ng Brgy. Sauyo, Novaliches, Quezon City. 

Si Roy ang itinuturong suspek sa pamamaril at pagpatay sa biktimang si alyas ‘Mark,’ 37, at residente ng Brgy. San Antonio, Parañaque City.

Lumilitaw na bago ang pag-aresto ay pinagbabaril ng isang rider ang biktima sa C6 Road kanto ng Kenneth Road, sa Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City dakong alas-11:25 ng gabi ng Pebrero 5, 2023.

Ang biktima ay sakay umano ng isang puting Toyota Fortuner na may plate no. ZNY 404, kasama ang kanyang mga kaibigan, nang bigla na lang sumulpot ang suspek na lulan ng isang pulang NMAX motorcycle na may plate no. 404 PAX, at kaagad na pinagbabaril ang biktima.

Nang matiyak na napuruhan ang target ay mabilis nang tumakas ang suspek patungo sa C6 Road, Taytay, Rizal.

Isinugod naman ang biktima sa Pasig City General Hospital ngunit dead on arrival na ito.

Sa isinagawang imbestigasyon ng mga tauhan ng Follow-Up Section at Station Intelligence Section ng Pasig CPS, kasama ang mga elemento ng Police Station 3, ng Quezon City Police District (QCPD), ay natunton nila ang pagkakakilanlan ng suspek, na nagresulta sa pagkadakip nito sa isang follow-up operation kinabukasan din.

Ayon kay Pasig City Police chief, PCOL Celerino Sacro Jr., nakakalap ang kanyang mga tauhan ng mga video footage ng pangyayari at nakita ang deskripsiyon ng motorsiklo na ginamit sa krimen.

Sa beripikasyong isinagawa ng Station Investigation and Detective Management Section sa Land Transportation Office (LTO), natukoy nila ang pagkakakilanlan ng may-ari ng naturang motorsiklo kaya’t natukoy rin ang kinaroroonan nito.

Lumitaw rin sa imbestigasyon na bago ang krimen ay nakaalitan ng biktima ang naturang suspek, hinggil sa kanselasyon ng kanilang booking dito.

Nagbanta pa umano ang suspek sa biktima at sinabing, “wag nyo akong sigawan, hindi nyo ako kilala.”

Positibo rin namang kinilala ng isa sa mga testigo ang suspek, na siyang namaril sa biktima.

Narekober rin ng mga otoridad ang motorsiklo na ginamit sa krimen.

Ang suspek ay nakapiit na at nakatakdang sampahan ng kasong murder sa piskalya.

Samantala, pinuri naman ni Sacro ang kanyang mga tauhan sa mabilis na pagresolba sa naturang krimen.

Previous Post

PRC, naka-high alert matapos ang malakas na lindol sa Turkey

Next Post

Death toll sa lindol sa Turkey, umakyat na sa 5,894 — Turkish VP Oktay

Next Post
Death toll sa lindol sa Turkey, umakyat na sa 5,894 — Turkish VP Oktay

Death toll sa lindol sa Turkey, umakyat na sa 5,894 -- Turkish VP Oktay

Broom Broom Balita

  • Romnick Sarmenta, wafakels sa pagganap na bakla
  • Lacuna: ‘Kalinga sa Maynila’ mas pinalakas, mas pinalaki, mas pinalawak
  • 60 days suspension, ipinataw ng Kamara kay Teves
  • 765 alagang hayop sa Maynila: Nabakunahan sa ‘Oplan Alis Rabis’
  • Mga mananampalataya, hinikayat na personal nang dumalo sa banal na misa sa mga simbahan
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.