• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Staff ng NAIA na nag-video sa isinagawang security screening ng K-pop group ENHYPEN, maaaring sibakin

MJ Salcedo by MJ Salcedo
February 7, 2023
in Balita, National
0
Staff ng NAIA na nag-video sa isinagawang security screening ng K-pop group ENHYPEN, maaaring sibakin

(Manila Bulletin file photo; @itsjakeday via Twitter/screengrab)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ibinahagi ni Office of Transportation Security (OTS) administrator Mao Aplasca, nitong Lunes, Pebrero 6, na kapag napatunayang empleyado nila ang kumuha ng nag-viral na video na naglalaman ng isinagawang security screening ng K-pop group na ENHYPEN sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), maaari itong masibak sa serbisyo.

Sa panayam ng DZMM Teleradyo, binigyang-diin ni Aplasca na ang nasabing pagkuha ng video habang ginagawa ang security screening ay maituturing na ‘breach of security’, isang mabigat na paglabag sa kanilang panuntunan.

“Kung i-tolerate po natin ‘yan, pwedeng ang ibang tao na kahit hindi VIP na dumadaan, kung pwedeng kuhanan [ng video] ang mga screening checkpoint activities, that is danger po sa ating traveling public,” ani Aplasca.

Magsasagawa raw sila ng pormal na imbestigasyon para matunton kung sino ang talaga ang kumuha ng video.

Ang nasabing video ay kumalat nitong Lunes, Pebrero 6, kung saan makikita ang tila ‘pagngisi’ ng babaeng security personnel habang tila kinikilig sa  isinagawa niyang security screening sa ENHYPEN.

Basahin: ‘Very unprofessional!’ Staff ng NAIA, trending dahil sa ginawang security screening sa K-pop group ENHYPEN

Ayon pa kay Aplasca, maraming nilabag ang security personnel sa kanilang polisiya habang isinasagawa ang nasabing security screening.

Basahin: Isinagawang screening sa K-pop group ENHYPEN sa NAIA, marami raw nilabag

Previous Post

Isinagawang screening sa K-pop group ENHYPEN sa NAIA, marami raw nilabag

Next Post

Donnalyn Bartolome, sana mabuntis na raw ng kelot na may utak, sey ni Rendon Labador

Next Post
Donnalyn Bartolome, sana mabuntis na raw ng kelot na may utak, sey ni Rendon Labador

Donnalyn Bartolome, sana mabuntis na raw ng kelot na may utak, sey ni Rendon Labador

Broom Broom Balita

  • Reklamo, ipinasasampa vs SUV driver sa viral road rage sa Marikina
  • Thailander, ni-knockout! Eumir Marcial, nakapasok na sa semis sa Asiad sa China
  • ‘Konsyerto sa Palasyo’ na alay sa mga guro, dinaluhan nina Marcos, VP Duterte
  • 3 pang menor de edad sa ‘kulto’ sa Socorro, hawak na ng DSWD
  • Solon, umaasa sa pangako ng DBM na taasan Marawi compensation fund
Reklamo, ipinasasampa vs SUV driver sa viral road rage sa Marikina

Reklamo, ipinasasampa vs SUV driver sa viral road rage sa Marikina

October 2, 2023
Thailander, ni-knockout! Eumir Marcial, nakapasok na sa semis sa Asiad sa China

Thailander, ni-knockout! Eumir Marcial, nakapasok na sa semis sa Asiad sa China

October 2, 2023
‘Konsyerto sa Palasyo’ na alay sa mga guro, dinaluhan nina Marcos, VP Duterte

‘Konsyerto sa Palasyo’ na alay sa mga guro, dinaluhan nina Marcos, VP Duterte

October 1, 2023
3 pang menor de edad sa ‘kulto’ sa Socorro, hawak na ng DSWD

3 pang menor de edad sa ‘kulto’ sa Socorro, hawak na ng DSWD

October 1, 2023
Solon, umaasa sa pangako ng DBM na taasan Marawi compensation fund

Solon, umaasa sa pangako ng DBM na taasan Marawi compensation fund

October 1, 2023
Nalugi sa rice price ceiling: Sari-sari store owners sa Capiz, inayudahan ng DSWD

Nalugi sa rice price ceiling: Sari-sari store owners sa Capiz, inayudahan ng DSWD

October 1, 2023
‘Mahiya raw kay Anne Curtis!’ Arra San Agustin, naokray dahil sa ibinansag

‘Mahiya raw kay Anne Curtis!’ Arra San Agustin, naokray dahil sa ibinansag

October 1, 2023
2 Chinese, timbog sa Comelec gun ban sa Bulacan

2 Chinese, timbog sa Comelec gun ban sa Bulacan

October 1, 2023
Amihan, magpapa-ulan sa Luzon, Visayas

‘Jenny’ bahagyang lumakas; Batanes, itinaas sa Signal No. 1

October 1, 2023
Rendon Labador, lumaki sa kalinga ng ex-convict

Rendon Labador, lumaki sa kalinga ng ex-convict

October 1, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.