• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp. Celebrities

Ronnie sa mga naisyu sa kaniya habang sila noon ni Loisa: ‘Huwag niyo ibash, kasalanan ko ‘yun’

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
February 7, 2023
in Celebrities, Showbiz atbp.
0
Ronnie sa mga naisyu sa kaniya habang sila noon ni Loisa: ‘Huwag niyo ibash, kasalanan ko ‘yun’

Loisa Andalio at Ronnie Alonte/Instagram

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kasabay ng pag-namin ay inako rin ni Ronnie Alonte ang kasalanang pagtataksil noon sa partner na si Loisa Andalio.

Bagaman anim na taon na sa kanilang relasyon ang kilalang showbiz couple, hindi naging madali para sa dalawa ang mga dumaang pagsubok.

Ito ang highlight sa nabuksang usapan ng LoiNie nitong Martes, Pebrero 7, sa kanilang guesting sa Magandang Buhay.

Dito, inamin ng dalawa ang kapwa naging kasalanan ng isa’t isa sa relasyon, partikular din ang pag-amin ni Ronnie sa mga na-link noong ibang celebrities habang sila pa ni Loisa.

“Alam niya. Nahuli niya ako. So naramdaman ko ‘yung feeling kung gaano kasakit yung ganung pakiramdam,” pagbabahagi ni Ronnie.

Naungkat din ang hindi pinangalanang celebrities na na-link sa aktor noon habang hindi pa alam ng publiko ang relasyon nila Loisa.

“Sa totoo lang, aaminin ko, mali ako. Kasi ‘yung mga nakatrabaho ko dati at ‘yung mga nakasama ko dati, hindi ko nilinaw sa kanila at hindi ko sinabi sa kanila na kami ni Loisa. Tinago ko rin sa mga naging ka-partner ko,” ani Ronnie sa previous love teams noon.

“Yun lang po ang nililinaw ko na ngayon ko lang sinabi, na ako ‘yung may mali doon. Sa mga fans, huwag niyo sisihin, iba-bash ‘yung mga babae na na-link sa akin dati kasi hindi nila alam. Kasalanan ko ‘yun,” pag-ako na ng aktor.

Sa parehong programa, nahingan din ng reaksyon si Ronnie sa naging pagkakamali rin ni Loisa sa kaniya nang masangkot sa isyu ng “cheating.”

“Sobrang sakit pala ‘yung feeling na ganun [pagtaksilan],” anang aktor dahilan para “mawala” aniya siya ng isang isa hanggang dalawang linggo.

“Pero na-realize ko lang sa dulo na baka karma lang din ‘to. Tinake ko ‘yun as karma kasi ang dami kong kasalanan sa kanya before pa mangyari ‘yun,” pagtukoy nga niya sa nauna niya ring pagtataksil sa partner.

“Ang dami niyang nahuli sa akin. Ilang babae ang nahuli mo? Alam niya. Nahuli niya ako. So naramdaman ko ‘yung feeling kung gaano kasakit yung ganung pakiramdam,” anang aktor.

Basahin: LoiNie, layag na layag sa kanilang ikaanim na anibersaryo; Maris Racal, napa-react! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa huli, sinabi ng aktor sa telebisyon na “hundred percent sure” na siya kay Loisa.

“Hindi man kami pa ikasal, alam kong dadating at dadating din doon. Kasi sigurado na ako eh. Sigurado na ako sa kanya,” dagdag niya.

Noong Nobyembre nang ipagdiwang ng celebrity couple ang ikaanim na anibersaryo sa isang beach getaway.

Tags: Loisa AndalioRonnie Alonte.
Previous Post

Palawan, tanging probinsya na lang sa bansa na may kaso ng malaria — DOH

Next Post

Isang grupo ng community pantry, tinutulungang magbenta ang mga magsasaka ng sibuyas

Next Post
Isang grupo ng community pantry, tinutulungang magbenta ang mga magsasaka ng sibuyas

Isang grupo ng community pantry, tinutulungang magbenta ang mga magsasaka ng sibuyas

Broom Broom Balita

  • ₱33.6M jackpot prize ng SuperLotto 6/49, pinaghatian ng dalawang lotto bettors
  • Lamentillo, nagtapos mula sa PSG Training Program; bahagi na ng PSG
  • Cebu governor, naglabas ng EO vs African swine fever
  • Sarah Lahbati, may heartfelt message para sa anak na si Kai
  • San Pedro Bay sa Samar, nagpositibo ulit sa red tide
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.