• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Willie Revillame, binanatan ang netizens na natutuwa sa nangyayari sa ALLTV

Richard de Leon by Richard de Leon
February 5, 2023
in Balita, Showbiz atbp.
0
Willie Revillame, binanatan ang netizens na natutuwa sa nangyayari sa ALLTV

Willie Revillame at logo ng ALLTV (Larawan mula sa ALLTV via PEP)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nagsalita na ang TV host na si Willie Revillame hinggil sa mga kumakalat na tsikang matitigbak na sa ere ang ilang programa ng bagong bukas na Villar-owned network na ALLTV, na kaka-soft opening pa lamang noong Setyembre 13, 2022.

Ayon sa napaunang ulat ng Balita, nasabihan na umano ang talents ng isang programa na pansamantala muna itong ititigil kaya nag-last taping day na ito. Nangako umano ang pamunuan ng estasyon na babayaran pa rin nila ang talent fee ng mga artistang kasama rito, bilang paggalang sa mga kontratang kanilang napagkasunduan. Lubos naman daw ang pagkaunawa ng mga empleyado tungkol sa kasalukuyang sitwasyon ng kanilang network.

Sa Channel 2 umeere ang ALLTV, ang frequency na dating naka-assign sa ABS-CBN, noong may prangkisa pa.

Huwag nang banggitin ang inilapat na “Wowowin” ni Willie Revillame na nauna nang nagmula sa iba’t ibang network, ang tatlong naiproduce talaga ng ALLTV ay self-titled talk show ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga-Soriano, ang momshie-themed show na “M.O.M (Mhies On a Mission), at ang “Kuha All” ni Anthony Taberna.

Ang ilang mga umeereng serye ay nagmula naman sa mga dating teleserye ng ABS-CBN at TV-5.

Nagsalita si Willie sa pamamagitan ng live telecast ng Wowowin nitong Sabado, Pebrero 4. Binanatan ni Willie ang mga netizen na tila tuwang-tuwa umano sa nangyayari ngayon sa ALLTV, at nagpupukol ng kung ano-anong masasakit na salita laban sa kanila, partikular sa kaniyang programa.

“Ito ang mga ginagawa ng programang ito. Sana hindi mawala ito kasi tumutulong ito sa gobyerno, eh. Hindi nga lang sa gobyerno, tumutulong ito sa ating mga kababayan na nangangailangan,” pahayag ni Willie.

“Tapos madidinig n’yo lang na mawawala, hihinto, natutuwa kayo. Matutuwa ba kayo na may mga kababayan tayong natutulungan, mawawalan? Dapat nga, ipinagdarasal n’yo kami na magtuloy-tuloy yung programa.”

“Ganoon talaga, eh. Ang dami ninyong sinasabi, ‘Buti nga sa inyo, ang yabang-yabang n’yo kasi!’ Anong ipinagyabang namin? Hindi ko ipinagyayabang itong ginawa namin na ‘to. Sinasabi ko lang sa inyo, itong programang ito, it’s not about me. It’s about the program Wowowin.”

Muling iginiit ni Willie na wala siyang intensiyong pumasok sa politika, at sana ay isantabi na ang usaping ito, sa nangyayari ngayon sa ALLTV.

“Wala akong kaintensiyon-intensiyong tumakbo sa pulitika. Wala ho, hindi ko ho buhay ‘yan. Eto lang ako, Wowowin lang ako. Kaya ko lang ito naikukuwento, may lumalabas kasi ngayon na ang mga programa sa ALLTV, mawawala. Eh parang natutuwa pa kayo na mawawala yung mga programa na nagbibigay ng saya at tulong.”

“Sana hindi ganoon. Ako naman, willing tumulong dahil sa sobrang blessed namin. You have to understand, nagsisimula pa lang po ang ALLTV. Nagsisimula pa lang kami, sanggol pa lang ito. Talagang wala pang commercial na papasok dito kasi wala pa kaming reach. Wala pa kaming signal. Sinisimulan pa lang, eh.”

“Ipagdasal n’yo kami. Ipagdasal n’yo kami na maging successful ito para maraming mga istasyon na maraming magawa. Marami kayong marinig na kabutihan. Set aside n’yo yung pulitika.”

Dagdag pa ni Willie, “Marami pa kayong dapat malaman sa katotohanan. It’s about the frequency, kung alam n’yo lang yung totoo. Ayoko lang ho magsalita na pangungunahan ko sila.”

Nagpaliwanag din si Willie tungkol sa pag-alis niya sa GMA Network at paglipat sa ALLTV kasama ang Wowowin upang tulungan ang mga Villar.

“Gusto ko dito ko sabihin sa inyo. Umalis ako ng GMA-7 por delicadeza. Nakasama ko ang mga Villar during the time na sila ay nagkakampanya, nandoon ako.”

“Nagkaroon po ako ng Wil Tower dahil kay Senator (Manny) Villar. Ito pong tatlong lupang ito, pinaghirapan ko. Sila po ang nagpatayo nito.”

“Ayaw n’yo ba na may taong umaasenso? Ganoon talaga ang buhay. Hindi lahat gusto ka. Hindi lahat matutuwa sa’yo.”

Habang isinusulat ang balitang ito, wala pang inilalabas na opsiyal na pahayag ang pamunuan ng ALLTV/AMBS-2 hinggil sa isyu.

‘Inabisuhan na raw ang talents!’ Isang programa ng ALLTV, magbababu na sa ere?
Tags: ALLTVwillie revillame
Previous Post

DOH, nag-ulat ng dagdag na 128 kaso ng Covid-19

Next Post

Zambales, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Next Post
Zambales, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Zambales, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Broom Broom Balita

  • Ginawaran ng posthumous award: Lamay ni Lt. Col. Serna, binisita ng PNP chief
  • Rape suspect, top wanted ng Laguna, arestado
  • Barangay kagawad, patay sa pamamaril sa Bulacan
  • Instant milyonaryo! P39-M, nasolo ng masuwerteng mananaya nang tamaan ang Grand Lotto jackpot
  • Graft vs DA officials, isinampa sa Ombudsman dahil sa ASF sa Cebu
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.