• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp. Celebrities

‘Wag kang umiyak’: Ogie Diaz, binara ang pagdadrama ni Kuya Wil para sa ALLTV?

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
February 5, 2023
in Celebrities, Showbiz atbp.
0
‘Wag kang umiyak’: Ogie Diaz, binara ang pagdadrama ni Kuya Wil para sa ALLTV?

Ogie Diaz/Facebook (kaliwa), Willie Revillame/Twitter (kanan)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Tila diretsang banat kay “Wowowin” host Willie Revillame ang makahulugang tweet ni Ogie Diaz ngayong gabi ng Linggo, Pebrero 5, kasunod ng pakiusap nitong ipagdasal na lang sa halip na matuwa pa sa kamakailang balita ng pagsasara ng ilang programa sa ALLTV.

Matatandaang malawakang pambabatikos sa Twitter ang inani ng host kasunod ng kaniyang naunang pagsita sa mga nakikisiya pa umano sa pagtatapos ng ilang programa sa bagong network ng mga Villar.

Basahin: Kuya Wil, tinalakan! ALLTV, na-‘back to you’ daw ngayong magsasara umano ng ilang programa – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Sana hindi ganoon. Ako naman, willing tumulong dahil sa sobrang blessed namin. You have to understand, nagsisimula pa lang po ang ALLTV. Nagsisimula pa lang kami, sanggol pa lang ito. Talagang wala pang commercial na papasok dito kasi wala pa kaming reach. Wala pa kaming signal. Sinisimulan pa lang, eh.”

“Ipagdasal n’yo kami. Ipagdasal n’yo kami na maging successful ito para maraming mga istasyon na maraming magawa. Marami kayong marinig na kabutihan. Set aside n’yo yung pulitika,” bahagi ng pahayag at pakiusap ng host sa kaniyang manunuod kamakailan.

Tila hindi naman nagustuhan ng talent manager na si Ogie ang naging litanayang ito ni Kuya Wil.

Una itong nagpakawala ng tweet ukol sa mga kongresista umanong bomoto para hindi mai-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.

Andami palang congressmen na bumoto sa no to abs-cbn franchise ang na-Lotlot & Friends nitong 2022, no? Wala na yung pinapanginoon nila, pero andiyan pa din yung abs-cbn. Patuloy na pinapanood ng mga nag-no to franchise cong.

— ogie diaz (@ogiediaz) February 5, 2023

“Andami palang congressmen na bumoto sa no to abs-cbn franchise ang na-Lotlot & Friends nitong 2022, no? Wala na yung pinapanginoon nila, pero andiyan pa din yung abs-cbn. Patuloy na pinapanood ng mga nag-no to franchise cong,” sey ni Ogie.

Tila kontrobersyal naman ang sumunod na hirit ng showbiz personality na may isang taong pinatutungkulan.

Wag umiyak. Kung nung araw na kailangan ang luha ng pagdamay mo ay hindi rin naman naramdaman. Bagkus nakitawa ka pa. Kaya wag mamalimos ng simpatya. Kaya mo yan. Wala kang di kinaya. 💪🏻💪🏻

— ogie diaz (@ogiediaz) February 5, 2023

“Wag umiyak. Kung nung araw na kailangan ang luha ng pagdamay mo ay hindi rin naman naramdaman. Bagkus nakitawa ka pa. Kaya wag mamalimos ng simpatya. Kaya mo yan. Wala kang di kinaya,💪🏻💪🏻” ani Ogie.

Para sa ilang netizens na mababasa sa kanilang reply sa talent manager, ang Wowowin host daw ang target ng nasabing tweet.

Wala ba from the congress ang tatayo para makiusap sa all tv na wag munang magpahinga dahil kawawa naman ang mga taong mawawalan ng trabaho?

— ogie diaz (@ogiediaz) February 5, 2023

Sunod niyang sey: “Wala ba from the congress ang tatayo para makiusap sa all tv na wag munang magpahinga dahil kawawa naman ang mga taong mawawalan ng trabaho?”

Ito’y kasunod pa rin sa isyu kaugnay ng nalalapit nang pagkawala sa ere ng ilang programa sa network, bagay na sa pag-uulat ay hindi pa rin kinumpirma ng AMBS-ALLTV.

Samantala, inaabangan ngayon kung bubuwelta nga ba si Kuya Wil kasunod ng trending na pambabatikos sa nauna niyang pahayag.

Tags: ABS-CBNALLTVOgie Diazwillie revillame
Previous Post

Kuya Wil, tinalakan! ALLTV, na-‘back to you’ raw ngayong magsasara umano ng ilang programa

Next Post

Ilang bahagi ng San Juan, Mandaluyong, makararanas ng water interruption mula Peb. 6-10

Next Post
Pagkaantala ng water services, tatama sa ilang bahagi ng QC, San Juan, Mandaluyong, Manila, Antipolo, Taytay

Ilang bahagi ng San Juan, Mandaluyong, makararanas ng water interruption mula Peb. 6-10

Broom Broom Balita

  • Tropang LOL, hindi raw titigbakin, pero ‘lilipat-bahay?’
  • Ginawaran ng posthumous award: Lamay ni Lt. Col. Serna, binisita ng PNP chief
  • Rape suspect, top wanted ng Laguna, arestado
  • Barangay kagawad, patay sa pamamaril sa Bulacan
  • Instant milyonaryo! P39-M, nasolo ng masuwerteng mananaya nang tamaan ang Grand Lotto jackpot
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.