• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘Sey mo, Tom?’ Carla Abellana, prangkang sumagot sa lie detector test ni Bea Alonzo

Richard de Leon by Richard de Leon
February 5, 2023
in Balita, Showbiz atbp.
0
‘Sey mo, Tom?’ Carla Abellana, prangkang sumagot sa lie detector test ni Bea Alonzo

Carla Abellana, Tom Rodriguez, at Bea Alonzo (Screengrab mula sa YT Channel at Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Guest ang Kapuso actress na si Carla Abellana sa vlog ng kapwa Kapusong si Bea Alonzo, kung saan, sumailalim siya sa ginagawang lie detector test nito.

Bago magsimula ang dalawa, natanong muna ni Bea kung may mga tanong bang iniiwasan o kinakabahan si Carla na maitatanong dito.

Sey naman ni Carla, okay lang naman sa kaniya ang mga “uncomfortable questions” dahil honest naman siya.

Nagbato ng madadali at mahihirap na tanong si Bea kay Carla, at isa na rito ang tungkol sa kanila ng estranged husband na si Tom Rodriguez.

Inuntag ni Bea si Carla kung may posibilidad bang magkabalikan sila nito.

Isang diretsahang “No” ang tugon ni Carla.

Bigla namang nag-side comment ang mommy ni Carla na “Yes!” na ikinahalakhak naman ng dalawa.

Pero natanong din ni Bea ang guest-actress kung nagsisisi ba itong pinakasalan nito si Tom.

“No” ang sagot ni Carla subalit nagbigay-hint ang machine na hindi totally nagsasabi ng totoo ang aktres.

Ipinaliwanag naman ito ni Carla.

“Dahil Catholic din ako na parang, ‘Hindi, no regrets dapat kasi part ‘yan ng plan ni God.’ “But then, kung honestly, kung si Carla, tanggalin mo lahat ‘yon, yes, talagang magsisisi ako… nagsisisi ako,” aniya.

Bukod dito, ilan naman sa mga “Yes” na sagot ni Carla ay tungkol naman sa red flags sa isang relasyon. Wala siyang binanggit kung sinong karelasyon ang tinutukoy niya rito.

Aminado si Carla na hindi na niya pinansin noon ang “red flags” sa kaniyang naging karelasyon, at ngayon, nakararamdam siya ng pagsisisi kung bakit niya ito hindi pinansin o inignore.

Sa ngayon daw ay wala pang manliligaw na nagpaparamdam kay Carla.

Hindi na rin nakikita ng aktres ang kaniyang sarili na muling magpapakasal sa ibang lalaki.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Tom tungkol dito.

Tags: bea alonzocarla abellanalie detector testTom Rodriguez
Previous Post

Apat na pagkaing Pinoy, kasama sa ‘100 worst dishes in the world’

Next Post

Alex Gonzaga, nakipag-meet-and-greet sa fans bilang pasasalamat sa suporta

Next Post
Alex Gonzaga, nakipag-meet-and-greet sa fans bilang pasasalamat sa suporta

Alex Gonzaga, nakipag-meet-and-greet sa fans bilang pasasalamat sa suporta

Broom Broom Balita

  • Ginawaran ng posthumous award: Lamay ni Lt. Col. Serna, binisita ng PNP chief
  • Rape suspect, top wanted ng Laguna, arestado
  • Barangay kagawad, patay sa pamamaril sa Bulacan
  • Instant milyonaryo! P39-M, nasolo ng masuwerteng mananaya nang tamaan ang Grand Lotto jackpot
  • Graft vs DA officials, isinampa sa Ombudsman dahil sa ASF sa Cebu
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.