• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

John Prats, sobrang saya sa pagiging ninong sa anak ni Angelica Panganiban

Dante Lagana by Dante Lagana
February 5, 2023
in Balita, Showbiz atbp.
0
John Prats, sobrang saya sa pagiging ninong sa anak ni Angelica Panganiban

Angelica Panganiban, Gregg Homan, John Prats, Isabel Oli, at Baby Amila Sabine (Larawan mula sa IG ni John Prats)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Matibay at tunay talaga ang friendship nina John Prats at Angelica Panganiban dahil sa mga importanteng kaganapan sa buhay nila ay naroon ang isa’t isa.

Kagaya na lamang sa ibinahagi ni John Prats sa kaniyang Instagram account na nagpapakita sa binyagang naganap sa anak nina Angelica at partner nitong si Gregg Homan na si Baby Amila Sabine “Bean” Homan.

Of course ninong si John sa panganay na anak ng dalawa. Kaya naman walang pagsidlan ng tuwa ang aktor-direktor bilang pangalawang magulang ni Baby Bean.

Aniya, “Yahoo!!! May inaanak na ako sa’yo Pets @iamangelicap. Pasensiya na at hindi ka muna importante ngayon. Si bean talaga ang nagpa-excite sakin. Congratulations @gregg_homan and @iamangelicap. Forever nandito ang pamilya ko para sa inyo! Love you guys!”

View this post on Instagram

A post shared by John Paulo Q. Prats (@johnprats)

Biro ni Angelica, “Happy ka diyan sa trip mo eh no?”

Sagot naman ni John ay sobrang happy daw siya bilang ninong ni Baby Bean. Lukso ng damdamin ng pagiging isang ganap na ina ang naramdaman muli ni Angelica sa mismong binyag sa simbahan ng kaniyang baby daughter dahil naging emosyonal daw ang aktres na sinaksihan ng mga ninong at ninang ng kanyang anak.

Naroon din at malamang ninang din ay sina Glaiza De Castro na isa ring close friend ni Angelica kasama ang kaniyang loving husband na si David Rainey, Cherry Pie Picache at iba pa. Kasama naman ni John Prats ang kanyang wife na si Isabel Oli. Sa mga ibinahaging larawan sa socmed ng mga friends ni Angelica kita na naghandog ng awitin si Glaiza sa reception ng binyag.

Samantala, naging matagumpay naman ang pagdidirek ni John Prats sa sold out concert ni Moira na ginanap sa Araneta Coliseum. Sa Instagram post nga ni John ng mga larawan ng concert ay puro papuri at congratulations ang naging komento ng mga netizens.          

Hindi rin pinalagpas ni John na ibahagi sa kanyang IG story ang pagiging fan at pagkakilig nito kay Chito Miranda ng Parokya ni Edgar na naging guest sa concert ni Moira. Ika niya, “Share ko lang, super fan ako ng Parokya ni Edgar. Sobra ang kilig ko na kasama si Kuya @chitomirandajr sa concert ni Moira!

Yun lang!

Tags: angelica panganibanchrsiteningjohn prats
Previous Post

Zambales, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Next Post

Mona Alawi, naiyak sa concert ng ENHYPEN

Next Post
Mona Alawi, naiyak sa concert ng ENHYPEN

Mona Alawi, naiyak sa concert ng ENHYPEN

Broom Broom Balita

  • Ginawaran ng posthumous award: Lamay ni Lt. Col. Serna, binisita ng PNP chief
  • Rape suspect, top wanted ng Laguna, arestado
  • Barangay kagawad, patay sa pamamaril sa Bulacan
  • Instant milyonaryo! P39-M, nasolo ng masuwerteng mananaya nang tamaan ang Grand Lotto jackpot
  • Graft vs DA officials, isinampa sa Ombudsman dahil sa ASF sa Cebu
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.