• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Guro, hinamon ng tsokolate ng mga estudyanteng confident maka-perfect sa exam, kinaaliwan!

MJ Salcedo by MJ Salcedo
February 5, 2023
in Balita, Features
0
Guro, hinamon ng tsokolate ng mga estudyanteng confident maka-perfect sa exam, kinaaliwan!

(Larawan mula kay Gelica Reyes Llosala)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kinaaliwan ng netizens ang post ng guro na si Gelica Reyes Llosala mula sa Montalban, Rizal, tampok ang tsokolateng papremyo sana niya sa makaka-perfect sa exam matapos siyang hamunin ng confident at nag-review niyang mga estudyante. 

“Hinamon ako ng isang section na hawak ko. Kapag makaperfect daw sa exam, magbigay ako ng Toblerone. Sige kako, deserve naman nila. Nagcheck kami kanina. Ang galing ng mga bata, nakakatuwa. Ang sarap sa pakiramdam. Ang sarap sa pakiramdam na heto may kakainin akong toblerone,” kwelang saad ni Llosala sa kaniyang post.

Sa panayam ng Balita Online, ibinahagi ni Llosala na nasa Grade 9 ang nasabing mga estudyante. Tinuturuan niya ang mga ito ng TLE subject sa Kasiglahan Village National High School kung saan limang taon na siyang nagtuturo.

“Day before po ng exam, my students challenged me na kapag nakaperfect daw sila sa test, bigyan ko sila ng Toblerone which I agreed,” ani Llosala. “Very confident sila din na maperfect ‘yung exam since nag-review daw sila.”

Nang magbilangan na raw ng mga naitamang sagot sa kanilang 60-item second quarter exam, very excited daw ang mga estudyante niya at may mga tumitili pa. Kaya nga lang, ang ending ay 56 points ang nakuha ng highest nila. Kinapos ng apat na puntos.

“They traded if pwedeng sa highest score na lang [ibigay] but I reminded them about our agreement na as they requested Toblerone para sa makaka-perfect score,” kuwento ng guro. 

Mas na-challenge naman daw dito ang kaniyang mga estudyante at sinabing babawi sila sa 3rd quarter examination.

“Kaya mukhang maraming Toblerone ang need ko sa 3rd quarter exam,” pagbibiro ni Llosala.

Sa ngayon ay umabot na ng mahigit 10,000 reactions, 30 comments, at 2,000 shares ang nasabing post niya sa Facebook.

–

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!

Previous Post

Davao de Oro, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Next Post

Kuya Wil, tinalakan! ALLTV, na-‘back to you’ raw ngayong magsasara umano ng ilang programa

Next Post
Kuya Wil, tinalakan! ALLTV, na-‘back to you’ raw ngayong magsasara umano ng ilang programa

Kuya Wil, tinalakan! ALLTV, na-‘back to you’ raw ngayong magsasara umano ng ilang programa

Broom Broom Balita

  • Revilla, sumailalim sa laparoscopy para tanggalin na ang kaniyang gall bladder
  • Mister, sinalakay sa motel ang nagmimilagrong misis, kaniyang kerida
  • LRTA: West extension project ng LRT-2, target maging operational sa 2026
  • Lider ng NPA, nakorner sa Ilocos Sur
  • Meralco at SPPC, lumagda ng 300-MW emergency power supply deal
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.