• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Pokwang, ‘nagsinungaling’ para pagtakpan si Lee O’Brian; nasasayangan sa mga sakripisyo

Richard de Leon by Richard de Leon
February 4, 2023
in Balita, Showbiz atbp.
0
Pokwang, ‘nagsinungaling’ para pagtakpan si Lee O’Brian; nasasayangan sa mga sakripisyo

Pokwang at Lee O'Brian (Larawan mula sa Manila Bulletin/Screengrab mula sa YT Channel ng GMA Network)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Usap-usapan ang pagdetalye ni Kapuso comedy star “Pokwang” tungkol sa paghihiwalay nila ng American actor na si Lee O’Brian, sa Friday episode ng “Fast Talk with Boy Abunda.”

Tahasan at walang menor na tanong ni Tito Boy, bakit daw nagsinungaling si Pokie nang unang mauntag kung bakit sila naghiwalay noong 2022? Sinabi kasi ng komedyana na hindi pera at third party ang dahilan ng kanilang hiwalayan. Ngunit batay sa mga sagot niya sa panayam, pera nga ang puno’t dulo ng lahat.

Sagot ni Pokwang, kinailangan niyang gawin iyon upang pagtakpan pa rin ang ex-partner na ama ng kaniyang anak na si Malia. Dito ay isinalaysay na nga ng komedyante ang puno’t dulo ng kanilang hindi pagkakaunawaan: ang negosyo nilang gourmet food na “PokLee.”

Aniya, ang gusto lang naman daw ni Pokwang ay ma-update sa kung ano na ang lagay ng negosyo, na tila minasama raw ni O’Brian. Dito na napaiyak ang komedyana.

Nabunyag na rin ni Pokwang na matagal na pala silang hindi halos nagkikibuan ng ex-partner. Bago pa man daw ang komprontasyon dahil sa negosyo, inamin ni Pokwang na hindi na sila nag-uusap ni Lee. Parang pakiramdam daw niya ay nawala na ang respeto sa kanilang relasyon. Dumating pa raw sa puntong hindi sila nagkikibuan kapag nagkakasalubong sa hagdanan sa loob ng kanilang tahanan.

Kaya raw nasasaktan si Pokwang ay dahil tila nasayang daw ang pakikipaglaban niya para kay Lee noon. Marami raw kasing kontra dito para sa kaniya, magmula sa kaniyang mga kapamilya, kaibigan, at supporters.

“Sayang lahat… sayang lahat ng mga pagtatakip ko, sayang lahat ng paglaban ko para sa iyo, nawala yung ibang mga kaibigan ko… nag-aaway kami ng mga kamag-anak ko dahil sa pagtatanggol sa kaniya, ang hinihingi ko lang naman eh mabuo tayo ulit…” lumuluhang sabi ni Pokwang.

Kinumpirma rin ng komedyana na talagang pinalayas niya si O’Brian sa kanilang pamamahay dahil ito raw ang pinakamagandang gawin upang hindi na masaksihan ni Malia ang kanilang singhalan sa isa’t isa.

Inamin pa ni Pokwang na talagang minahal niya ang ex-partner, at umaasa siyang aayusin nito ang kanilang pamilya. Subalit tila gumuho na rin ang pag-asa niya matapos niyang malamang may ibang babae na nga itong “nilalandi.”

Pakiramdam niya, hindi raw talaga siya minahal nito at napilitan na lamang na pakisamahan siya dahil may anak na nga sila.

Nag-iwan naman siya ng mensahe para sa ex-partner, kung sakaling nanonood ito nang mga sandaling iyon.

“Minahal kita. Lumaban ako para sa anak natin… lahat ng mga pambabato sa akin, lahat sinasalo ko para sa anak natin. Hindi ko nakita ‘yon sa’yo, hindi ko naramdaman sa’yo… “

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Lee O’Brian tungkol sa isyung ito.

Pokwang, nagsalita na hinggil sa hiwalayan nila ni Lee O’Brian: ‘Pakiramdam ko, di niya ako minahal!’
Tags: fast Talk with Boy AbundaLee O'Brianpokwang
Previous Post

‘Say hello to Bobi!’ Bagong naitalang oldest dog ever, miraculous daw na nabuhay

Next Post

Guanzon sa planong pagbuo ng WRMO: ‘They might pack this Office with incompetent cronies’

Next Post
Guanzon sa planong pagbuo ng WRMO: ‘They might pack this Office with incompetent cronies’

Guanzon sa planong pagbuo ng WRMO: 'They might pack this Office with incompetent cronies'

Broom Broom Balita

  • Ginawaran ng posthumous award: Lamay ni Lt. Col. Serna, binisita ng PNP chief
  • Rape suspect, top wanted ng Laguna, arestado
  • Barangay kagawad, patay sa pamamaril sa Bulacan
  • Instant milyonaryo! P39-M, nasolo ng masuwerteng mananaya nang tamaan ang Grand Lotto jackpot
  • Graft vs DA officials, isinampa sa Ombudsman dahil sa ASF sa Cebu
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.