• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Netizen, hinahanap ang may-ari ng napulot na ₱120 na may kasamang sulat ng isang ina

MJ Salcedo by MJ Salcedo
February 4, 2023
in Balita, Features
0
Netizen, hinahanap ang may-ari ng napulot na ₱120 na may kasamang sulat ng isang ina

(Larawan mula kay Ghie Tabinas-Consuelo)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

“Mga anak ko, paghati-hatian ninyo ‘to. Love, Mama.”

Isang liham na may kasamang paper bills na nagkakahalaga ng ₱120 ang napulot ni Ghie Tabinas-Consuelo sa service road ng Quezon Avenue. Kaniya itong pinost sa Facebook sa pag-asang mahahanap niya ang may-ari nito. Ramdam niya na kailangan ito ng may-ari na isa ring ina tulad niya.

Sa panayam ng Balita Online, ibinahagi ni Consuelo na nakalagay sa sulat ang mensaheng “I love mga anak ko. Paghati-hatian ninyo ‘to. Love, Mama” habang nakasulat din doon ang pangalan ng anim niyang anak na sina Justine, Russie, Palo, Ella, Kaylie, at Marvin. Nakalagay rin daw sa sulat ang paghati sa  ₱120 nang pantay-pantay, kung saan bente ang matatanggap ng bawat isa sa kanila. 

“Kinurot po ‘yung puso ko sa mensahe ng nanay. dama ko po kasi sa letter ng nanay na pinaghirapan niya ‘yung maliit na halaga at hinati nang pantay-pantay sa anim niyang anak. Nakakaluha po sobra ‘yung message. Kaya gusto kong maibalik,” aniya.

“Naalala ko rin sa kaniya ang mother namin na nag iiwan din po ng letter sa kapirasong papel at laging mayroon sa dulo ng letter niya -Love Mama. Ansarap ng may nanay,” saad pa ni Consuelo.

Nakita raw ni Consuelo ang nasabing papel na nakabalot sa isang plastic nitong Huwebes, Pebrero 2, bandang alas-2:00 ng hapon sa service road ng Quezon Avenue habang naglalakad siya patungo sa sakayan ng jeep papuntang city hall.

“Out of curiosity, pinulot ko, binuksan at nabasa ko po ang mensahe ng nanay na may kalakip na 120, nakaramdam ako agad ng awa. Wala namang tao po sa area. Mga around 20 mins po akong naghintay pero wala pa rin kaya sumakay na lang po ako ng jeep,” kuwento niya.

Dahil hindi niya alam kung paano sisimulang hanapin ang may-ari ng sulat na may kalakip na pera, naisip na lamang daw niyang i-post ito sa Facebook sa pagbabakasakaling magme-message ang may-ari nito. 

Maraming netizens din ang naantig sa nasabing post ni Consuelo. May mga nag-message na rin daw sa kaniya na kung sakaling kontakin na siya ng nanay na siyang may-ari ng sulat, nais daw nilang dagdagan ang ₱120 nito.

Ayon kay Consuelo, ang sinumang nakakakilala sa may-ari ng sulat o sa mga anak na nakalista rito ay maaaring makipag-uganayan sa kaniyang Facebook account.

–

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!

Previous Post

4.8M turista, dadagsa sa Pilipinas — DOT

Next Post

Naitalang aftershocks bunsod ng magnitude 6 na lindol sa Davao de Oro, umabot na sa 871

Next Post
Naitalang aftershocks bunsod ng magnitude 6 na lindol sa Davao de Oro, umabot na sa 871

Naitalang aftershocks bunsod ng magnitude 6 na lindol sa Davao de Oro, umabot na sa 871

Broom Broom Balita

  • Lacuna: ‘Kalinga sa Maynila’ mas pinalakas, mas pinalaki, mas pinalawak
  • 60 days suspension, ipinataw ng Kamara kay Teves
  • 765 alagang hayop sa Maynila: Nabakunahan sa ‘Oplan Alis Rabis’
  • Mga mananampalataya, hinikayat na personal nang dumalo sa banal na misa sa mga simbahan
  • COC filing para sa BSKE 2023, isasagawa sa Agosto
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.