• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

John Lapus, may pasaring sa mga artistang lumipat ng network pero may pending show pa

Richard de Leon by Richard de Leon
February 4, 2023
in Balita, Showbiz atbp.
0
John Lapus, may pasaring sa mga artistang lumipat ng network pero may pending show pa

John Lapus (Larawan mula sa IG)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kaniya-kaniyang hula ang mga netizen kung sino-sinong artista ang puwedeng tamaan sa tweet ng komedyante-direktor-scriptwriter na si John “Sweet” Lapus, hinggil sa mga artistang lumilipat ng network ngunit may pending show pa pala sa lalayasang estasyon.

Humantong sa ganitong tweet ang usapan sa social media dahil sa komento ng isang Twitter user na ang mga artistang nanggagaling sa GMA Network ay mas nagniningning at humuhusay pa sa pag-arte kapag nasa ABS-CBN na.

Ginawa nitong halimbawa ang dating Kapuso actress na si Janine Gutierrez, na nasa Kapamilya network na ngayon. Laging trending si Janine dahil sa pinag-uusapang teleseryeng “Dirty Linen” dahil kitang-kita raw ang napakahusay niyang pag-arte.

Nauso na nga ngayon ang terminong “mata-mata school of acting” dahil mga mata pa lamang ni Janine, at maging ng buong cast, ay nangungusap na.

‘Mata-mata school of acting!’ Janine Gutierrez, Jennica Garcia, puring-puri dahil sa ‘Dirty Linen’

Pinagmulan naman ito ng iba’t ibang debate mula sa loyal Kapuso at Kapamilya fans.

Isang tweet naman ang kinomentuhan ni John.

“Totoo. Yung iba magaling na talaga kaya lang lumilipat,” anang netizen.

Niretweet ito ni John at saka kinomentuhan, “Lumilipat lang naman pag nganga. Pero merong lumilipat na may pending show. Mga walang utang na loob.”

Lumilipat lang naman pag nganga. Pero merong lumilipat na may pending show. Mga walang utang na loob. https://t.co/HgLh3kOQWe

— John Lapus (@KorekKaJohn) February 2, 2023

Sundot pa ni John, puwede naman lumipat ng ibang estasyon kung “nganga” o walang nakahain o ginagawang proyekto.

Si John ay isa sa mga artistang malayang nakapagtatrabaho sa alinmang network; kung hindi man bilang artista, ay bilang direktor o manunulat ng isang sitcom o ng isang mini-series.

Sa comment section ng kaniyang tweet ay bumaha ng mga pangalan at inisyal ng mga artista na puwedeng gawing halimbawa sa mga sinabi ni John.

Tags: John Lapusnetwork transfer
Previous Post

Ex-‘bold star’ Sunshine Cruz, pinagsisihan noon ang naging past: ‘Hindi lang ako sexy star’

Next Post

‘Sawsawero daw?’ Kuya Kim, trending pa rin dahil kina Vice Ganda at Karylle

Next Post
‘Sawsawero daw?’ Kuya Kim, trending pa rin dahil kina Vice Ganda at Karylle

'Sawsawero daw?' Kuya Kim, trending pa rin dahil kina Vice Ganda at Karylle

Broom Broom Balita

  • 1 patay, 4 na-rescue sa nasunog na barko sa Basilan
  • Taga-Tondo, wagi ng ₱34.1M jackpot prize ng Grand Lotto 6/55
  • Oil slicks mula sa MT Princess Empress, patungo sa Naujan, Pola sa Oriental Mindoro – UP expert
  • Vice Ganda, may patutsada sa ‘constituents’ ni Yormeme
  • ₱600,000 pabuya, alok vs killer ng DLSU student sa Cavite
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.