• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Dawn Chang, agaw-pansin ang tweet patungkol kay Karylle; napagsabihan ng netizens

Richard de Leon by Richard de Leon
February 4, 2023
in Balita, Showbiz atbp.
0
Dawn Chang, agaw-pansin ang tweet patungkol kay Karylle; napagsabihan ng netizens

Dawn Chang at Karylle (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Bukod sa dating ABS-CBN trivia master-TV host na nasa GMA Network na si Kuya Kim Atienza, isa rin sa mga nagpatunay na isa si singer-actress Karylle sa celebrities na “nice person” sa showbiz, ay ang actress-dancer na si Dawn Chang, na isa sa cast ng “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series.”

Pinakawalan ni Dawn ang tila pagsuporta kay Karylle kaugnay ng isyung ibinabato ngayon sa kanilang dalawa ni Unkabogable Star Vice Ganda, na pawang hosts ng noontime show na “It’s Showtime.”

Sa isang tweet, nilinaw naman ni Vice na walang dapat ipag-alala ang publiko dahil okay sila ni Karylle. Hindi rin umano na-offend ang co-host sa naging pabirong hirit niya rito, subalit minabuti niyang humingi pa rin ng paumanhin.

Anyway, pahayag naman ni Dawn, isa nga sa mga celebrity na nakilala niyang may mabuting puso ay si Karylle.

“Love you ate@anakarylle You are indeed a very nice person. Probably the nicest person I know in Showbiz. I will always cheer for you,” aniya sa kaniyang tweet noong Pebrero 2.

Love you ate @anakarylle You are indeed a very nice person. Probably the nicest person I know in Showbiz. I will always cheer for you. ♥️

— Dawn Chang (@thedawnchang) February 2, 2023

Subalit kagaya ng nangyari kay Kuya Kim, may ilang mga netizen na tila hindi nagustuhan ang “pagsawsaw” umano ng aktres-dancer na unang nadiscover bilang housemate sa “Pinoy Big Brother” at naging miyembro pa ng GirlTrendz sa nabanggit na noontime show.

May ilan pang nag-ungkat sa naging “tensyon” sa pagitan umano nila ni Chie Filomeno, na isa sa mga hurado ngayon ng segment na “Girl on Fire.”

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento:

“Te walang inapi tumatawa pa si @anakarylle porket nasa Showtime si Chie…”

“Sawsaw pa more!”

“Sawsawera, uwe!”

“Wag nang pahabain pa ang issue hayaan natin silang ayusin kung meron man. Maasim ang sawsawan mo.”

“Ay gusto rin mag-trend.”

“Teh puwede magsabi ng ‘I love you’ na di na pinapadaan or pinopost ng social media. Puwede naman thru text or chat kaloka kayo ni @kuyakim_atienza.”

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Dawn o maging si Karylle tungkol dito.

‘Sawsawero daw?’ Kuya Kim, trending pa rin dahil kina Vice Ganda at Karylle
Tags: Dawn ChangIt's Showtimekarylle
Previous Post

Pokwang, nagsalita na hinggil sa hiwalayan nila ni Lee O’Brian: ‘Pakiramdam ko, di niya ako minahal!’

Next Post

‘Inabisuhan na raw ang talents!’ Isang programa ng ALLTV, magbababu na sa ere?

Next Post
‘Inabisuhan na raw ang talents!’ Isang programa ng ALLTV, magbababu na sa ere?

'Inabisuhan na raw ang talents!' Isang programa ng ALLTV, magbababu na sa ere?

Broom Broom Balita

  • Pilipinas, pang-13 sa medal tally sa 19th Asian Games — PSC
  • PBBM sa DSWD: ‘Tulungan ang sari-sari stores na apektado ng rice price caps’
  • China Coast Guard, binira ng PCG dahil sa paglalagay ng boya sa Bajo de Masinloc
  • Hontiveros, binigyang-pugay ang mga Pinoy seafarer
  • Ricci, Leren naispatang magkahawak-kamay; Bea Alonzo, ‘nakaladkad’ ulit
Pilipinas, pang-13 sa medal tally sa 19th Asian Games — PSC

Pilipinas, pang-13 sa medal tally sa 19th Asian Games — PSC

September 24, 2023
PBBM sa ₱20 kada kilo ng bigas: ‘May chance lagi ‘yan’

PBBM sa DSWD: ‘Tulungan ang sari-sari stores na apektado ng rice price caps’

September 24, 2023
China Coast Guard, binira ng PCG dahil sa paglalagay ng boya sa Bajo de Masinloc

China Coast Guard, binira ng PCG dahil sa paglalagay ng boya sa Bajo de Masinloc

September 24, 2023
Hontiveros, binigyang-pugay ang mga Pinoy seafarer

Hontiveros, binigyang-pugay ang mga Pinoy seafarer

September 24, 2023
Ricci, Leren naispatang magkahawak-kamay; Bea Alonzo, ‘nakaladkad’ ulit

Ricci, Leren naispatang magkahawak-kamay; Bea Alonzo, ‘nakaladkad’ ulit

September 24, 2023
Banat ni Joey tungkol sa depresyon noong 2017, inungkat ng netizens

Banat ni Joey tungkol sa depresyon noong 2017, inungkat ng netizens

September 24, 2023
Retired colonel imbyerna sa airport; 2 Chinese nakatambay sa Heroes’ Lounge

Retired colonel imbyerna sa airport; 2 Chinese nakatambay sa Heroes’ Lounge

September 24, 2023
Youngest athlete: 9-anyos na Pinay skater, pasok sa finals sa Asian Games sa China

Youngest athlete: 9-anyos na Pinay skater, pasok sa finals sa Asian Games sa China

September 24, 2023
Toni Fowler di pa ready magdalaga si Tyronia

Toni Fowler di pa ready magdalaga si Tyronia

September 24, 2023
Lala Sotto, muling kinalampag dahil sa ‘lubid’ na banat ni Joey de Leon sa E.A.T.

Lala Sotto, muling kinalampag dahil sa ‘lubid’ na banat ni Joey de Leon sa E.A.T.

September 24, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.