• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Artist, ginawang pahinga, kinabiliban ang paggawa ng mini version ng tahanan

MJ Salcedo by MJ Salcedo
February 4, 2023
in Balita, Features
0
Artist, ginawang pahinga, kinabiliban ang paggawa ng mini version ng tahanan

(Larawan mula kay Nhoda Muñoz)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kinabiliban ng netizens ang diorama ni Nhoda Muñoz, 28, mula sa Mabalacat City, Pampanga, tampok ang maliit na version ng tahanan. Ang malikhaing hilig, nagsisilbi niyang pahinga.

Sa panayam ng Balita Online, ibinahagi ni Muñoz na inspirasyon daw ng nasabing obra niya ang mga bahay na nakikita at hinahangaan niya noong nakatira pa sila sa tabi ng riles ng tren sa Mabalacat, Pampanga.

“Yung bahay namin, mas maliit sa ginagawa ko, kasi ang mga ginagawang kong version ng diorama ay ang mga bahay na nakikita ko noon na mas maganda sa bahay na kinalakihan ko,” kuwento niya.

Mula sa pagiging full time tattoo artist, nagsimula raw tahakin ni Muñoz ang mundo ng diorama para maipahinga at mapabuti ang kaniyang mental health noong dumating ang pandemic.

“Ito po ‘yung tinuring kong brain therapy para labanan ang depression ko. Kasi during the lockdown po, tinamaan ako ng matinding depression,” saad niya.

Madalas inaabot daw si Muñoz ng dalawang buwan bago matapos ang isang diorama. Ngunit hindi niya ito alintana. Sa tuwing gumagawa nito, nakapagpapahinga siya at gumagaan ang kaniyang pakiramdam.

Hindi naman daw inaasahan ni Muñoz na marami ang bibilib at magkaka-interes sa mga diorama niya. May mga nagsimulang mag-order at magpagawa raw sa kaniya nito hanggang sa ito na ang naging source of income niya ngayon.

“Blessed ang thankful po ako. Nagpapasalamat po ako sa Panginoon kasi binigyan Niya ako ng ganitong klaseng gawain. Kumbaga para sa akin, ito talaga ‘yung plano niya sakin during the pandemic,” ani Muñoz.

Nagpapasalamat din daw siya sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kaniya at kaniyang mga obra. Sinisigurado rin niyang pagbubutihan pa ang paggawa ng mga diorama sa hinaharap.

Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 5,800 reactions, 100 comments, at 110 shares ang post ni Muñoz tungkol sa nasabing diorama.

–

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!

Previous Post

₱120M shabu mula Qatar, ipupuslit sana sa Pilipinas, naharang sa Cebu airport

Next Post

NLEX, 4-0 na! Phoenix Fuel Masters, pinadapa

Next Post
NLEX, 4-0 na! Phoenix Fuel Masters, pinadapa

NLEX, 4-0 na! Phoenix Fuel Masters, pinadapa

Broom Broom Balita

  • Romnick Sarmenta, wafakels sa pagganap na bakla
  • Lacuna: ‘Kalinga sa Maynila’ mas pinalakas, mas pinalaki, mas pinalawak
  • 60 days suspension, ipinataw ng Kamara kay Teves
  • 765 alagang hayop sa Maynila: Nabakunahan sa ‘Oplan Alis Rabis’
  • Mga mananampalataya, hinikayat na personal nang dumalo sa banal na misa sa mga simbahan
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.