• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Xyriel Manabat bilang Tonet sa ‘Dirty Linen’: ‘She’s more than just her number of followers’

Lance Romae Advincula by Lance Romae Advincula
February 3, 2023
in Balita, Showbiz, Showbiz atbp.
0
Xyriel Manabat bilang Tonet sa ‘Dirty Linen’: ‘She’s more than just her number of followers’
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Eksklusibong nakapanayam ng Balita ang isa sa cast members ng pinakabagong teleserye ng ABS-CBN na “Dirty Linen” at nagbabalik-showbiz na si Xyriel Manabat.

Ginagampanan ni Xyriel ang karakter ni Tonet na kamakailan ay pinuri ng netizens dahil sa tila hindi pagkupas nang husay sa pag-arte nito. Isang netizen pa nga ang nagbahagi na si Xyriel ay dalawang beses nang nanalo ng tropeyo sa FAMAS noong siya ay child star pa lamang.

Xyriel Manabat reminded everyone that she is a two-time FAMAS awardee 👏👏👏 #DLDamageControl pic.twitter.com/sEFiJVvwjd

— ALTStarMagic 💫 (@AltStarMagic) February 1, 2023

Ikinatuwa naman ni Xyriel ang pagtanggap at magagandang komento sa kanya ng netizens.

“To say that I am thankful is an understatement po! Grabe po sobrang nakakataba po sa puso na marami po ang nakaka-appreciate at pumupuri sa mga pinaghirapan po namin. Nakakagana po na mas pag-igihan ko sa lawak ng mga sumusuporta at patuloy na nagtitiwala po sa kakayanan ko. Parang nakakapush po na mas bigyan ko sila ng rason para suportahan at paniwalaan pa po ako,” lahad ng teen star.

Masaya rin si Xyriel na napabilang siya hilera ng mahuhusay na artista sa nasabing teleserye. Isa sa mga pinupuri sa “Dirty Linen” ay ang “mata-mata” acting ng mga karakter dito.

“Sobra po akong nalula sa mga kasamahan ko po. Grabe po nakakatuwa na magsasama-sama po sa isang palabas yung mga iniidolo kong batikan na mga aktor at mas lalo pa pong nakakatuwa na kasama po ako sa pagsasama-sama nilang iyon. Talaga pong nakakagana na magtrabaho at bigyang hustisya bawat eksena at ang karakter po na ginagampanan ko po,” aniya.

Kwelang sinagot naman ng aktres ang tanong kung ano pa ang dapat abangan sa karakter niya bilang Tonet.

“Siyempre kung gaano siya kababaw, bukod sa mga linya niyang maraming nakakarelate, pakiramdam ko po kaabang-abang yung mga hugot o lalim na hindi niya gaano napapakita dahil madalas nangingibabaw yung pagiging OA at dramatic niya. Pero she’s so much more than just her number of followers po.”

Ilang netizens kabilang na ang social media personality na si Esnyr ang tila ginagamit ng punchline ang linya ni “Tonet” patungkol sa bilang ng followers sa social media.

Bakit hindi niyo binigyan ng upuan si Xyriel? Mababawasan siya ng followers!!! https://t.co/sUcUqMLShu

— Esnyr (@esnyrrr) February 1, 2023

Mapapanood ang “Dirty Linen” 9:30 ng gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z Channel 11, TV 5, iWantTFC at TFC

Kaugnay na Balita: https://balita.net.ph/2023/01/29/dirty-linen-patuloy-na-pinag-uusapan-netizens-may-hula-sa-mga-susunod-na-eksena/

Tags: Dirty LinenXyriel Manabat
Previous Post

Binatilyo, patay nang malunod sa isang ilog sa Caloocan

Next Post

Lolit Solis hinggil sa pagsusustento ni Paolo Contis: ‘Maaga pa, puwede ba siyang bumawi…’

Next Post
Lolit Solis hinggil sa pagsusustento ni Paolo Contis: ‘Maaga pa, puwede ba siyang bumawi…’

Lolit Solis hinggil sa pagsusustento ni Paolo Contis: 'Maaga pa, puwede ba siyang bumawi...'

Broom Broom Balita

  • Ginawaran ng posthumous award: Lamay ni Lt. Col. Serna, binisita ng PNP chief
  • Rape suspect, top wanted ng Laguna, arestado
  • Barangay kagawad, patay sa pamamaril sa Bulacan
  • Instant milyonaryo! P39-M, nasolo ng masuwerteng mananaya nang tamaan ang Grand Lotto jackpot
  • Graft vs DA officials, isinampa sa Ombudsman dahil sa ASF sa Cebu
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.