• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Netizens, tinalakan si Vice Ganda! Sobra na nga ba ang pando-dogshow kay Karylle?

Lance Romae Advincula by Lance Romae Advincula
February 3, 2023
in Balita, Showbiz, Showbiz atbp.
0
Netizens, tinalakan si Vice Ganda! Sobra na nga ba ang pando-dogshow kay Karylle?

Mga larawan mula sa Twitter ng It's Showtime

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Hindi pinalagpas ng “madlang pipol” ang ‘di umano’y pambabastos ni Vice Ganda sa co-host nitong si Karylle sa “Kantambayan” segment ng It’s Showtime na umere Huwebes, Pebrero 2.

Sa isang video na kumakalat sa Twitter, makikitang isinusumbong ni Karylle ang naging preparasyon ni Vhong Navarro para sa karaoke session ng noontime show, ngunit hindi ito natuloy dahil ibinigay raw ni Vice ang kantang pinraktis ni Vhong sa iba.

“Vice, may request si Vhongskie. Kasi last time nagre-rehearse siya sa umaga, tapos binigay mo sa iba yung kanta niya,” ani Karylle.

“Anong problema natin, Karylle?,” sagot naman ni Vice.

“Hindi, natatawa lang kami kasi isang buwan, pinraktis daw niya,” paliwanag ni Karylle.

“O, e, di sana kinanta mo,” tugon ni Vice kay Vhong.

“Sa bawat sulok daw ng bahay niya pinraktis niya,” dagdag pa ni Karylle.

“O, okay na yan, Karylle,” saad ni Vice sa kanya.

Ate Karylle 🥺 pic.twitter.com/ctK8irYiLT

— vie (@eiaevia) February 2, 2023

Normal na ang asaran at kulitan sa noontime show, ngunit hindi ito nagustuhan ng ilang fans partikular ang fans ni Karylle. Anila, hindi nito deserve ang ganitong pagtrato at tila halos maitsapuwera na sa programa lalo na’t isa raw ito sa mga orihinal at resident host ng “It’s Showtime.”

May mga kumukwestyon din sa kakaunting exposure umano ni Karylle dahil sa pagpasok ng mga bagong host na sina Kim Chiu, Jackie Gonzaga, Cianne Dominguez, mga kaibigan ni Vice na sina MC at Lassy, maging ang partner nito na si Ion Perez.

“I’m sorry but I don’t see the point of adding Cianne, Jackie, Ion, MC, Lassy, Kim Chiu sa Showtime. Like I know ka-close sila ni Vice but giving them MORE exposure than OG showtime hosts like Karylle….that has been on the show for about 13 YEARS just seems so UNFAIR,” lahad ng isang netizen.

Im sorry but i dont see the point of adding cianne jackie ion mc&lassy kim chui sa showtime. Like i know ka close ni vice sila but giving them MORE exposure than the OG showtime hosts like KARYLLE…that has been on the show for about 13 YEARS just seems so UNFAIR @vicegandako https://t.co/S1LEfXh7cH

— ❀JJ❀ (@jeanjaeee) February 2, 2023

Sa gitna ng diskusyon sa Twitter, tila naki-eksena naman ang dating host ng “It’s Showtime” na si Kuya Kim Atienza nang mag-tweet ito.

“@anakarylle is one of the kindest souls I know in showbiz. She will never talk negatively against anyone. I love Karylle,” aniya.

@anakarylle is one of the kindest souls I know in showbiz. She will never talk negatively against anyone. I love Karylle. https://t.co/XnAJremUeR

— kim atienza (@kuyakim_atienza) February 2, 2023

Samantala sa kanyang latest tweet, mukhang natauhan naman ang Unkabogable Superstar sa kanyang mga nagawa at nasabi kay Karylle.

“Oh so I am being called out. Yes I acknowledge sablay ako dun. Potah sablay again. Bawi po ako. Bawi right away,” saad niya.

Oh so i am being called out. Yes i acknowledge sablay ako dun. Potah sablay again. Bawi po ako. Bawi right away.

— jose marie viceral (@vicegandako) February 2, 2023

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Karylle patungkol sa isyu, at inaabangan ng netizens ang magiging eksena sa pag-ere ng noontime show mamaya.

Tags: karyllevice ganda
Previous Post

Boracay, isa sa most instagrammable places sa buong mundo

Next Post

Pinapaasa lang? NorthPort, hihintayin pa rin si Robert Bolick

Next Post
Pinapaasa lang? NorthPort, hihintayin pa rin si Robert Bolick

Pinapaasa lang? NorthPort, hihintayin pa rin si Robert Bolick

Broom Broom Balita

  • Ginawaran ng posthumous award: Lamay ni Lt. Col. Serna, binisita ng PNP chief
  • Rape suspect, top wanted ng Laguna, arestado
  • Barangay kagawad, patay sa pamamaril sa Bulacan
  • Instant milyonaryo! P39-M, nasolo ng masuwerteng mananaya nang tamaan ang Grand Lotto jackpot
  • Graft vs DA officials, isinampa sa Ombudsman dahil sa ASF sa Cebu
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.