Magpapatupad ng malakihang bawas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa Pebrero 7.
Inaasahang mula ₱2.40 hanggang ₱2.70 ang tapyas sa presyo ng diesel, aabot naman hanggang ₱2.20 ang ibabawas sa bawat litro ng presyo ng gasolina.
Sinegundahan naman ng Department of Energy (DOE) ang naturang hakbang ng mga oil company.
Ang nakaambang price adjustment ay alinsunod sa 4-day average price nito (mula Enero 30-Pebrero 2) sa pandaigdigang merkado.
Nasa ₱7.20 na ang kabuuang ibinawas sa presyo ng gasolina, ₱3.05 naman sa diesel at ₱4.45 naman sa kerosene ngayong taon.