• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Lolit Solis hinggil sa pagsusustento ni Paolo Contis: ‘Maaga pa, puwede ba siyang bumawi…’

Nicole Therise Marcelo by Nicole Therise Marcelo
February 3, 2023
in Balita, Showbiz, Showbiz atbp.
0
Lolit Solis hinggil sa pagsusustento ni Paolo Contis: ‘Maaga pa, puwede ba siyang bumawi…’

Photo courtesy: Lolit Solis (Instagram)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Dahil naging usap-usapan kamakailan ang tungkol sa umano’y hindi pagsusustento ng Kapuso actor na si Paolo Contis sa kaniyang mga anak, may pahayag ang kaniyang talent manager na si Manay Lolit Solis hinggil dito.

Matatandaang sinabi ni Paolo sa kaniyang interview sa “Fast Talk with Boy Abunda,” totoong hindi siya nakakapagsustento sa mga anak dahil may rason daw siya kung bakit niya ginagawa ito. Pero nilinaw niyang nag-iipon siya ng pera upang siya mismo ang magbibigay nito para sa kaniyang mga anak, pagdating ng tamang panahon.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/01/28/paolo-contis-aminadong-sumasablay-sa-sustento-sa-mga-anak-but-im-saving-for-them/

Sa Instagram post ni Manay Lolit, hindi niya raw masisisi ang mga taong nagsasabing hindi nagbibigay ng suporta at hindi dinadalaw ni Paolo ang mga anak nito. 

“Ngayon yata Salve naging very exciting ang mga issues kay Paolo Contis. I don’t blame the people accusing him na hindi nagbibigay ng suporta, hindi dinadalaw ang mga anak. No amount of apologies ang puwede magbura sa hindi mo pagbibigay ng oras para makita ang mga anak mo,” aniya. 

Suwerte pa rin daw si Paolo dahil maayos ang buhay ng kaniyang mga dating partner at ina ng mga anak na sina Lian Paz at LJ Reyes.

Gayunman, hiling ng talent manager na sana raw ay may maibigay na oras si Paolo sa kaniyang mga anak para hindi umano maputol ang komunikasyon nito sa mga anak. 

“Huwag na iyong pera na suporta, o anuman materyal, sana lang meron siyang ibinigay na oras para hindi maputol ang communication sa mga anak. Pero maaga pa, puwede pang bumawi ni Paolo Contis. Sana nga ay nag mature na siya para makita ang responsibilidad na nasa balikat niya,” ani Lolit.

“Sana nga ay maayos na niya ang napaka salimuot na journey ng buhay niya. Totoo nga sana na may iniipon siyang pera para ibigay sa mga anak niya pagdating ng panahon. Bata pa nasa showbiz na si Paolo Contis. Kung iisipin mo napakarami na sana ng kinita niya at naging investment kung naging maayos ang financial handling niya.

“Huli na ang sisihan, pero dapat doble sipag at swertihin sana si Paolo Contis ngayon para matupad niya pangarap niyang bahay at malaking pera sa banko. Tatlo ang anak niya na dapat niyang pag ipunan, at kahit late niya naisip magpundar ng bahay, medyo hindi ganun kaganda ngayon ang lagay ng showbiz,” lahad pa ni Lolit.

Sa dulong bahagi ng kaniyang post, hiling ni Lolit na maibigay ng aktor ang obligasyon nito para sa mga anak.

“Wish you luck Paolo, likas kang mabait, kaya sana naman matupad ang mga pangarap mo. Huli man bago mo naisip mag pundar sana naman matupad ito. At sana nga pagdating ng araw, maibigay mo ang mga dapat naging obligasyon mo sa iyong mga anak at manatili sana ang respeto at pagmamahal ng mga ito sa kanya kahit hindi sila nagkikita ng madalas,” saad niya.

Hangad din ni Lolit sana raw ay forever na raw sina Paolo at Yen Santos.

“Hindi pa huli para maayos lahat sa buhay ni Paolo Contis. Sana nga si Yen Santos na ang makatulong niya para sa maayos na buhay. We wish them well, sana nga forever na sila. Bongga.” 

View this post on Instagram

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Tags: Manay Lolit SolisPaolo Contis
Previous Post

Xyriel Manabat bilang Tonet sa ‘Dirty Linen’: ‘She’s more than just her number of followers’

Next Post

Mahigit ₱2/liter, ibabawas sa presyo ng produktong petrolyo next week

Next Post
₱1.15, idadagdag sa presyo ng gasolina sa Hulyo 13

Mahigit ₱2/liter, ibabawas sa presyo ng produktong petrolyo next week

Broom Broom Balita

  • David, dedma sa kuda ni Raquel; Morissette, finallow sa IG
  • Tropang LOL, hindi raw titigbakin, pero ‘lilipat-bahay?’
  • Ginawaran ng posthumous award: Lamay ni Lt. Col. Serna, binisita ng PNP chief
  • Rape suspect, top wanted ng Laguna, arestado
  • Barangay kagawad, patay sa pamamaril sa Bulacan
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.