• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘Cuteness Overload!’ Mga pusang tutok sa panonood, kinaaliwan

MJ Salcedo by MJ Salcedo
February 3, 2023
in Balita, Features
0
‘Cuteness Overload!’ Mga pusang tutok sa panonood, kinaaliwan

(Larawan mula kay Abi Ang)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Good vibes ang hatid sa netizens ng post ni Abi Ang tampok ang cute na cute na apat niyang alagang pusa na talagang tutok na tutok sa panonood ng Cartoon na ‘Tom and Jerry’.

“Uuhhmmm excuse me po. pwede na po ba ko mag work? 😅” caption ni Ang sa kaniyang post sa Facebook group na ‘Cats & Kittens Philippines’.

Sa panayam ng Balita Online, ibinahagi ni Ang na may trabaho raw siya nang araw na iyon pero dahil sa maaga pa para sa trabaho, binuksan lamang niya ang kaniyang laptop para mag-check sana ng emails. 

Nang mabuksan ang laptop, isa-isa na raw umakyat sa kaniyang mesa ang apat na pusa na tila nakatitig sa monitor. Kaya naman naisip niyang i-play sa telebisyon ang ‘Tom and Jerry’.

“Natulala na sila lahat. Enjoy na enjoy na sila, binabatukan pa nga nung isa si Jerry.

“Then malapit na ako mag-start mag-work kinakalabit ko na sila isa isa kasi mag lologin na sana ko. Di nila ko pinapansin lahat. basta nanonood lang sila kaya di ako nakapag work agad,” natatawang kuwento ni Ang. 

Dahil sa good vibes ang naging dala nito sa kaniya, naisip daw ni Ang na i-post ito para magbigay rin ng aliw sa mga kapwa niya cat lover. Sa ngayon ay amani na ang nasabing post ng mahigit 4,800 reactions, 400 comments, at 410 shares.

Wika nga ng netizens, cuteness overload ang pagiging tutok sa panonood ng mga pusa ni Ang.

–

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!

Tags: cats
Previous Post

Parak na ‘lover’ ng misis, pinatay! Pulis na suspek, dinakip sa kampo sa Davao

Next Post

Deadline ng application para sa MUPH 2023, extended

Next Post
Deadline ng application para sa MUPH 2023, extended

Deadline ng application para sa MUPH 2023, extended

Broom Broom Balita

  • Romnick Sarmenta, wafakels sa pagganap na bakla
  • Lacuna: ‘Kalinga sa Maynila’ mas pinalakas, mas pinalaki, mas pinalawak
  • 60 days suspension, ipinataw ng Kamara kay Teves
  • 765 alagang hayop sa Maynila: Nabakunahan sa ‘Oplan Alis Rabis’
  • Mga mananampalataya, hinikayat na personal nang dumalo sa banal na misa sa mga simbahan
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.