• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘Ambag ko po, Mommy!’ Aso, inabutan ng bente ang kaniyang fur parent, kinagiliwan!

MJ Salcedo by MJ Salcedo
February 3, 2023
in Balita, Features
0
‘Ambag ko po, Mommy!’ Aso, inabutan ng bente ang kaniyang fur parent, kinagiliwan!

(Larawan mula kina Desza Bobias at John Joshua Manalili)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kinagiliwan ng netizens ang post ni Desza Bobias, 23, mula sa Antipolo City tampok ang aso niyang nag-abot sa kaniya ng bente pesos na parang sinasabing ito ang “ambag” niya sa kaniyang fur parent.

Sa panayam ng Balita Online, ibinahagi ni Bobias na nasa cr daw siya nang mga panahong iyon nang biglang sumunod sa kaniya ang aso niyang si “Spicy Adobo” para iabot ang bente sa kaniya. 

Natawa pa raw siya dahil dahan-dahan itong lumapit sa kaniya at parang proud pa ang mukha nang maiabot ang nasabing paper bill sa fur parent nito.

“Clueless ako kung saan niya nakuha ‘yung pera pero sure akong sa’kin lang din ‘yun kasi kami lang naman nandito sa bahay,” kuwento ni Bobias.

Bagama’t first time daw siyang abutan ni Spicy Adobo ng pera, hindi naman daw ito ang unang pagkakataon na makahawak ito ng paper bills. Mahilig daw nitong laruin noon pa ang paper bills sa tindahan ng ina ni Bobias. 

Gayunpaman, hindi pa raw nakakasira ng pera ang nasabing cute na fur baby.

“Pinaglalaruan niya lang. Tsinelas, linoleum at toys niya ang favorite niyang sirain. Alam niya siguro ‘yung value ng pera kaya di niya sinisira,” natatawang saad pa ni Bobias.

Hindi naman daw inasahan ni Bobias na magva-viral ang post niya tungkol dito.

“Gusto ko lang talagang i-share ‘yung tuwa ko sa kaniya pero sobrang saya sa puso na maraming nakaka-appreciate at naku-cute-an sa baby ko,” ani Bobias.

Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 33,000 reactions, 1,400 comments, at 14,000 shares ang nasabing post ni Bobias.

–

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!

Tags: dogs
Previous Post

Mahigit ₱2/liter, ibabawas sa presyo ng produktong petrolyo next week

Next Post

Maritime Group, kumana! ₱29 milyong smuggled na langis, naharang sa Tawi-Tawi

Next Post
Maritime Group, kumana! ₱29 milyong smuggled na langis, naharang sa Tawi-Tawi

Maritime Group, kumana! ₱29 milyong smuggled na langis, naharang sa Tawi-Tawi

Broom Broom Balita

  • Ginawaran ng posthumous award: Lamay ni Lt. Col. Serna, binisita ng PNP chief
  • Rape suspect, top wanted ng Laguna, arestado
  • Barangay kagawad, patay sa pamamaril sa Bulacan
  • Instant milyonaryo! P39-M, nasolo ng masuwerteng mananaya nang tamaan ang Grand Lotto jackpot
  • Graft vs DA officials, isinampa sa Ombudsman dahil sa ASF sa Cebu
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.