• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘I feel fresh!’ Dina, hindi raw nasaktan sa pasaring na ‘artistang matanda’ ni Alex

Richard de Leon by Richard de Leon
February 1, 2023
in Balita, Showbiz atbp.
0
‘I feel fresh!’ Dina, hindi raw nasaktan sa pasaring na ‘artistang matanda’ ni Alex

Dina Bonnevie at Alex Gonzaga (Larawan mula sa YT/Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Bago magtapos ang mahabang buwan ng Enero ay binasag na ng batikang aktres na si Dina Bonnevie ang kaniyang katahimikan hinggil sa hindi mamatay-matay na isyu ng pambabarda niya noon sa isang co-star sa teleserye, na finally ay pinangalanan na niya—si Alex Gonzaga!

Naganap ang diretsahang pag-amin at pagsasalaysay nito sa pamamagitan ng “Fast Talk with Boy Abunda.” Dito ay detalyadong ikinuwento ni Dina kung ano-ano ang mga nangyari noon.

Ekstra detalye naman sa mga marites ang nai-ispluk niyang nagagalit umano si Alex sa co-star nila noon sa seryeng “P.S. I Love You” na si Nadine Lustre kapag nauunahan siya nitong umiyak. Katwiran daw kasi ni Alex ay eksena niya ‘yon kaya huwag sana siyang masapawan.

Anyway, nagbigay rin ng reaksiyon at komento si Dina sa naging podcast naman ni Alex, kaya rin naungkat ang 2018 video niya. Pag-amin ni Dina kay Tito Boy, may mga bumubuyo na raw sa kaniyang patulan ang actress-TV host-vlogger dahil sa “kabastusan” nito.

“‘Yung mga taong nagsasabi, ‘Sagutin mo na, ang bastos, tinawag kang matanda, hindi ako na-offend na tinawag akong matanda,” sey ni Dina.

“It’s true, matanda na ako, I’m 61. But I see people at 61, they’re still looking fresh. Sorry, but I feel fresh, and I think I look fresh. Hindi ako na-offend doon.”

Hindi raw sa deskripsiyong “artistang matanda” na-offend si Dina kundi sa pinalalabas nitong “she’s painted as the bad guy” sa podcast episode nitong “I Am Always The Bad Guy.”

“Kaya ako nagulat na bakit dumating ‘yung parang matandang artista when you’re painted as the bad guy. For me, doon ako nainis. Kasi ‘painting you as a bad guy’ is inventing stories to make you look bad. But I wasn’t inventing stories,” giit pa ni Dina.

Nilinaw naman ng beteranang aktres na nakalipas na iyon at kaya lamang siya sumasagot ngayon ay dahil nauungkat at hindi pa mamatay-matay. Wala rin aniya siyang galit kay Alex. Sa katunayan ay nagkita na ulit sila nang minsang mag-guest siya sa “Lunch Out Loud” (Tropang LOL ngayon). Naging maayos raw ang pakikitungo sa kaniya ni Alex.

“But that’s past. It has changed. Nagbago naman siya bago matapos ang taping. Okay, hindi ako galit sa kaniya,” ani Dina.

Bukas naman daw ang FWTBA para naman sa panig ni Alex kung nais nitong magbigay ng pahayag tungkol dito.

Dina Bonnevie, diretsahan nang pinangalanan si Alex Gonzaga na ‘tinalakan’ noon
Tags: Alex GonzagaDina Bonnevie
Previous Post

‘Kapamilya ng Kapuso!’ Cast ng ‘Unbreak My Heart,’ nagbonding

Next Post

Mula sining, puso, at anibersaryo: Mga ganap ngayong buwan ng Pebrero

Next Post
Mula sining, puso, at anibersaryo: Mga ganap ngayong buwan ng Pebrero

Mula sining, puso, at anibersaryo: Mga ganap ngayong buwan ng Pebrero

Broom Broom Balita

  • Teves, isa sa mga tinitingnang mastermind sa pagpaslang kay Degamo – Sec Remulla
  • ‘Creed’ aktor Jonathan Majors, arestado sa umano’y harassment at assault
  • ‘Harry Potter’ Daniel Radcliffe, magiging daddy na!
  • Minero, nalunod sa Apayao river
  • ‘Simbilis ng weekend’: Bagong bukas na resto ni Rendon, isinara
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.