• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Smart locker system sa mga istasyon ng LRT-1, ilulunsad ng LRMC ngayong Pebrero

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
January 31, 2023
in Balita, National / Metro
0
Smart locker system sa mga istasyon ng LRT-1, ilulunsad ng LRMC ngayong Pebrero

LRMC/FB

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ilulunsad na ng pamunuan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ngayong Pebrero ang kauna-unahang smart locker system sa mga istasyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1).

Ayon sa LRMC, ang mga naturang smart lockers ay ilalagay sa lahat ng 20 istasyon ng LRT-1 upang makapaghatid ng episyenteng contactless delivery service para sa mga commuters na nais gamitin ang mga istasyon ng LRT-1 bilang pick-up locations para sa kanilang mga items.

Nabatid na lumagda na ang LRMC at ang Airspeed Group of Companies nitong Lunes para sa pagbili ng PopBox na siyang gagamitin sa naturang proyekto, sa pangunguna nina LRMC President at CEO Juan F. Alfonso, LRMC Head of Business Development John Kelly Tan, Airspeed Group Chairperson Rosemarie P. Rafael, at Airspeed International President & CEO Mariz C. Regis.

Anang LRMC, sa tulong ng naturang smart locker system, na ginagamit na rin ngayon sa mga lungsod sa Indonesia at Malaysia, ay makapaghahatid sa mga consumers ng mas madali at mas kumbinyenteng paraan upang makuha ang kanilang mga produkto.

Sinabi ng LRMC na ang Airspeed ang siyang aakto bilang kanilang official logistics partner sa paghahatid sa kanilang mga kostumer, kabilang ang mga e-commerce platforms at small and medium-sized businesses, ng naturang bagong fulfillment alternative.

Sa panig naman ni Alfonso, sinabi nito na ang pagbili ng mga naturang PopBox ay bahagi ng kanilang layuning paghusayin pa ang serbisyong ipinagkakaloob nila sa kanilang mga parokyano.

“The LRMC team is passionate about innovation. Driven by our shared mission to enhance the commuter experience and make it truly world-class, we want to make commuters feel like they are in a station that they might go to in other countries,” ani Alfonso.

“We aim to give our passengers a glimpse into our future, and we’re glad to partner with the Airspeed Group in making part of this vision happen,” dagdag pa niya.

Samantala, nangako naman si Rafael na lilikha ng mas mahusay at mas mabilis na online shopping experience para sa mga Pinoy sa pamamagitan nang pagtugon sa iba’t ibang fulfillment issues ng mga ito.

“We are proud to be part of bringing this new technology which provides convenience and time-efficiency for our clients’ customers. Airspeed always aims to make it happen for our stakeholders – from creating a better online shopping experience (for fulfillment) to faster, more efficient and convenient documents and parcels sending and delivery. This will now help address the different fulfillment issues that we encounter,” aniya. 

Previous Post

2 most wanted person sa Laguna, nakorner sa magkahiwalay na operasyon

Next Post

2 empleyado ng Makati LGU, kasabwat ng mga ito, timbog sa iligal na ‘fixing’

Next Post
Makati gov’t, nag-donate ng COVID-19 vaccines sa ilang lungsod, probinsya

2 empleyado ng Makati LGU, kasabwat ng mga ito, timbog sa iligal na ‘fixing’

Broom Broom Balita

  • ‘Toxic mindset’ na eksena sa Batang Quiapo: ‘Sangla bahay, lupa para sa debut?’
  • Cagayan, niyanig ng magnitude 5.7 na lindol
  • Romnick Sarmenta, wafakels sa pagganap na bakla
  • Lacuna: ‘Kalinga sa Maynila’ mas pinalakas, mas pinalaki, mas pinalawak
  • 60 days suspension, ipinataw ng Kamara kay Teves
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.