• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Pokwang, tinalakan ang basher; napa-ispluk bakit ‘pinalayas’ si Lee O’Brian

Richard de Leon by Richard de Leon
January 31, 2023
in Balita, Showbiz atbp.
0
Pokwang, tinalakan ang basher; napa-ispluk bakit ‘pinalayas’ si Lee O’Brian

Pokwang at Lee O'brian (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Hindi nakapagtimpi ang Kapuso comedienne na si Pokwang sa isang basher na nagsabing kaya raw siya hiniwalayan ng ex-partner na si American actor Lee O’Brian ay dahil sa pagiging “talakera” niya.

Ang siste, nakatikim tuloy ng talak mula sa kaniya ang naturang basher, subalit iginiit niyang hindi siya hiniwalayan o iniwanan nito kundi siya mismo ang kusang nagpalayas.

Matapos nito ay nakagigimbal na ang ilang mga detalyeng pinakawalan ni Pokwang. Aniya, sa anim na taong pagsasama nila, nagising na lamang siya sa katotohanang “palamunin” niya ito.

“Nagising lang ako sa katotohanan na anim na taon ko na pala siyang palamunin at limang taon walang child support!” pagbubunyag ni Pokwang.

Pokwang (Screengrab mula sa IG)

“And FYI, hindi ako iniwan… Tanungin mo siya bakit ko siya pinalayas!!! Tanungin mo now na!” dagdag pa.

Nagbanta pa ang komedyante na baka idamay niya sa demandahan ang naturang “dalahirang marites” kung hindi ito titigil.

Aniya pa, type ba raw nito ang dating ex-partner kaya todo-tanggol dito?

O kaya naman, kaibigan ng bagong babaeng “nilalandi” nito’t nagwasak daw sa puso ng anak nilang si Malia, na nangarap na mabuo silang muli bilang pamilya?

Screengrab mula sa IG ni Pokwang

Matatandaang sa naging panayam sa kaniya sa “24 Oras,” ipinagdiinan ni Pokwang na walang third party o pera involved sa kanilang paghihiwalay.

Sadyang napagod lamang daw talaga siya sa pakikipagrelasyon dito.

Tags: Lee O'Brianpokwang
Previous Post

‘Todo-effort si sir!’ Pagsusuot ng costume ng isang guro sa klase, kinagiliwan

Next Post

Rosmar, may patikim sa nalalapit na anniversary concert; dedma sa ‘Kagayaku’ memes at bashers

Next Post
Rosmar, may patikim sa nalalapit na anniversary concert; dedma sa ‘Kagayaku’ memes at bashers

Rosmar, may patikim sa nalalapit na anniversary concert; dedma sa ‘Kagayaku’ memes at bashers

Broom Broom Balita

  • Golf ball factory sa Taiwan, nasunog; 6 patay, mahigit 100 sugatan
  • Zubiri, hinikayat PCG na putulin floating barrier ng China sa Panatag Shoal
  • Pilipinas, pang-13 sa medal tally sa 19th Asian Games — PSC
  • PBBM sa DSWD: ‘Tulungan ang sari-sari stores na apektado ng rice price caps’
  • China Coast Guard, binira ng PCG dahil sa paglalagay ng boya sa Bajo de Masinloc
Auto Draft

Golf ball factory sa Taiwan, nasunog; 6 patay, mahigit 100 sugatan

September 24, 2023
Zubiri, hinikayat PCG na putulin floating barrier ng China sa Panatag Shoal

Zubiri, hinikayat PCG na putulin floating barrier ng China sa Panatag Shoal

September 24, 2023
Pilipinas, pang-13 sa medal tally sa 19th Asian Games — PSC

Pilipinas, pang-13 sa medal tally sa 19th Asian Games — PSC

September 24, 2023
PBBM sa ₱20 kada kilo ng bigas: ‘May chance lagi ‘yan’

PBBM sa DSWD: ‘Tulungan ang sari-sari stores na apektado ng rice price caps’

September 24, 2023
China Coast Guard, binira ng PCG dahil sa paglalagay ng boya sa Bajo de Masinloc

China Coast Guard, binira ng PCG dahil sa paglalagay ng boya sa Bajo de Masinloc

September 24, 2023
Hontiveros, binigyang-pugay ang mga Pinoy seafarer

Hontiveros, binigyang-pugay ang mga Pinoy seafarer

September 24, 2023
Ricci, Leren naispatang magkahawak-kamay; Bea Alonzo, ‘nakaladkad’ ulit

Ricci, Leren naispatang magkahawak-kamay; Bea Alonzo, ‘nakaladkad’ ulit

September 24, 2023
Banat ni Joey tungkol sa depresyon noong 2017, inungkat ng netizens

Banat ni Joey tungkol sa depresyon noong 2017, inungkat ng netizens

September 24, 2023
Retired colonel imbyerna sa airport; 2 Chinese nakatambay sa Heroes’ Lounge

Retired colonel imbyerna sa airport; 2 Chinese nakatambay sa Heroes’ Lounge

September 24, 2023
Youngest athlete: 9-anyos na Pinay skater, pasok sa finals sa Asian Games sa China

Youngest athlete: 9-anyos na Pinay skater, pasok sa finals sa Asian Games sa China

September 24, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.