• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Upward trend, hindi nagpatuloy; Covid-19 positivity rate ng bansa at NCR, bumaba ulit

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
January 30, 2023
in Balita, National / Metro
0
DOH: Unang local case ng Lambda variant, 35-anyos na buntis
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Magandang balita dahil hindi nagpatuloy ang upward trend sa Covid-19  positivity rate sa National Capital Region (NCR) at sa buong Pilipinas.

Batay sa datos na ibinahagi ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David nitong Lunes sa kanyang Twitter account, nabatid na kapwa bumaba ang positivity rate ng NCR at ng Pilipinas sa Covid-19 .

Ayon kay David, ang weekly positivity rate ng NCR ay bumaba muli sa 2.3% na lamang noong Enero 28, 2023 matapos na sumikad sa 2.4% noong Enero 27.

“For now, it looks like the spike is just a one off,” tweet pa ni David.

Nagpahayag rin naman si David ng pag-asa na magpapatuloy na ang downward trend ng Covid-19 .

“Hopefully, the positivity rate continues to trend downward. We will continue to monitor the trends,” aniya pa.

Samantala, naitala rin naman ang nationwide positivity rate sa 2.3% nitong Enero 29, 2023, na mas mababa rin sa 2.4% na naitala noong Enero 28, 2023.

Mayroon ring 166 bagong kaso ng sakit na naitala ang Department of Health (DOH) sa nasabing petsa, sanhi upang pumalo na sa 4,072,911 ang total Covid-19 cases sa bansa. 

Sa naturang bilang, 9,982 na lamang ang aktibong kaso o nagpapagaling pa sa karamdaman.

Mayroon din namang 10 pasyente na sinawimpalad na bawian ng buhay dahil sa karamdaman, kaya’t pumalo na sa 65,767 ang total Covid-19  deaths ng bansa.

Umaabot naman na sa 3,997,162 ang total Covid-19  recoveries ng bansa matapos na makapagtala ng karagdagang 113 pang bagong gumaling sa sakit.

Sa pagtaya ni David, maaaring makapagtala ng mula 150 hanggang 200 bagong kaso ng sakit ang bansa ngayong Enero 30, 2023.

“Jan 29 2023 DOH reported 166 new cases 10 deaths (4 in NCR) 113 recoveries 9982 active cases. 2.3% nationwide positivity rate. 51 cases in NCR. Projecting 150-200 new cases on 1.30.23.,” ani David.

Tags: COVID-19ncrOCTA
Previous Post

5K ayuda para sa fresh grads, isinulong sa kongreso

Next Post

Johnny Abarrientos, pinagmulta ng ₱10,000 dahil sa pag-‘dirty finger’

Next Post
Johnny Abarrientos, pagmumultahin: Pag-‘dirty finger’ kay Converge import Jamaal Franklin, nag-viral

Johnny Abarrientos, pinagmulta ng ₱10,000 dahil sa pag-'dirty finger'

Broom Broom Balita

  • ‘Simbilis ng weekend’: Bagong bukas na resto ni Rendon, isinara
  • ‘Gun-runner,’ arestado sa Batangas
  • Lalaking kasama ang pamilyang manikin, may ‘malungkot’ na istorya
  • Chinese, timbog: Mga pulis, sinusuhulan ng ₱100,000 sa Taguig
  • Ironman 70.3, ‘di nagkaroon ng safety lapses – Davao City Sports Dev’t Division
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.