• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Pagkapanalong ‘Best Female TV host’ ni Kim Chiu sa PMPC, inulan ng reaksiyon

Richard de Leon by Richard de Leon
January 30, 2023
in Balita, Showbiz atbp.
0
Pagkapanalong ‘Best Female TV host’ ni Kim Chiu sa PMPC, inulan ng reaksiyon

Kim Chiu (Larawan mula sa FB page ng It's Showtime/Screengrab sa Kapamilya Online Live)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ang Kapamilya actress at isa sa mga TV host ng noontime show na “It’s Showtime” na si Kim Chiu ang itinanghal na “Best Female TV host” sa naganap na 35th PMPC Star Awards for Television noong Sabado, Enero 28, na ginanap sa “Winford Manila Resort and Casino.”

Counterpart naman niya ang Dabarkads host na si Paolo Ballesteros sa katapat at longest-running noontime show na “Eat Bulaga.”

Agad na nagpaabot ng pagbati ang It’s Showtime management kay Kimmy sa pamamagitan ng opisyal na Facebook page nito.

“Congratulations, Kim Chiu!” saad sa caption kalakip ang art card ng pagbati nila sa host.

Sa comment section, maraming netizen ang nagpaabot ng pagbati para sa kaniya.

“You’re the best Kim. Keep up the good work. Congratulations!”

“Kapag totoong mabait talagang pinagpala. Mula noon hanggang ngayon, Congrats Kimmy!”

“Congrats Kimmy! You deserve that! Super natural at jolly in hosting. Congratulations!”

“Best TV host Kimmy congrats!”

Sa kabilang banda, kapansin-pansin din ang ilang netizens na tila nagtataka kung bakit siya ang napiling best female TV host. Lumutang pa ang mga pangalan nina Anne Curtis, Karylle, at Tyang Amy Perez na mas deserving daw sa award. Nabanggit pa si Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda.

“Ngeks… no hater… pero si Anne or Tyang Amy mas deserve pa.”

“Ha paano siya naging main host doon eh si Vice Ganda ang nagdadala ng show na yun. OMG . That award is for Vice.”

“Best Female OA host.”

“Puro tili at pasigaw naman siya?”

“Best in labas ugat sa leeg sa kasisigaw.”

“What? Seriously? Where is Anne and Karylle?”

“Best na yarn? Mga non-sense pinagsasasabi, mali-mali naman. Sorry lang di ako perfect, pero di niya deserve.”

“No choice award.”

Rumesbak naman para sa kaniya ang mga tagahanga at tagasuporta.

“Ohhh di ba madami pa ding bashers dito, but hey! She got the award. Let her cherish this award. Ganiyan naman talaga eh kahit sa workplace n’yo, aminin n’yo kapag may na-promote, meron at meron pa din kayo sasabihing negative about that person. Kapag inggit, pikit. Congrats, Kim Chiu!”

“Try to see her often. She’s good, she’s trying to learn. Please be kind!”

“Congratulations, Kim! Bashers are bitter.”

“Congrats Kimmy proud of you… ignore na lang doon sa mga bitter… inggit lang mga ‘yan…”

“Dami namang bitter dito bakit kaya hindi na lang kayo mag-congrats para everybody happy. Nasa kaniya na yung award di ba may mgagawa pa ba ‘yang mga panlalait ninyo? Ganiyan talaga basta mababait hindi lang sa camera pati sa totoong buhay pinagpapala lagi ni God. Lalo pa ngang gumaganda career niya eh saka tingnan n’yo yung mukha niya hindi halatang 30+ na.”

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Kim Chiu hinggil dito.

Tags: 35th PMPC Star Awards For TelevisionBest Female TV hostKim Chiu
Previous Post

Senador Mark Villar, ginawaran ng honorary Doctor of Laws, Honoris Causa

Next Post

Direk Joel Lamangan, wafakels kahit itapat ang ‘Martyr or Murderer’ sa ‘Oras De Peligro’

Next Post
Direk Joel Lamangan, wafakels kahit itapat ang ‘Martyr or Murderer’ sa ‘Oras De Peligro’

Direk Joel Lamangan, wafakels kahit itapat ang 'Martyr or Murderer' sa 'Oras De Peligro'

Broom Broom Balita

  • Davao de Oro, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol
  • David, dedma sa kuda ni Raquel; Morissette, finallow sa IG
  • Tropang LOL, hindi raw titigbakin, pero ‘lilipat-bahay?’
  • Ginawaran ng posthumous award: Lamay ni Lt. Col. Serna, binisita ng PNP chief
  • Rape suspect, top wanted ng Laguna, arestado
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.