• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Sen. Bong Go, isinulong ang free college entrance exams para sa academic achievers

MJ Salcedo by MJ Salcedo
January 29, 2023
in Balita, National
0
Sen. Bong Go, isinulong ang free college entrance exams para sa academic achievers

Manila Bulletin file photo

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Inihain ni Senador Christopher “Bong” Go ang  Senate Bill No. 1708 o ang “Free College Entrance Examinations Act of 2023” na naglalayong gawin nang libre ang college entrance exams ng mahihirap na estudyanteng kasama sa Top 10 academic achievers ng kanilang graduating class.

Ayon sa panukalang batas, gagawing mandato sa private higher education institutions (HEIs) na alisin ang college entrance fees para sa mahihirap na estudyanteng magsisipagtapos o nagtapos sa high school at kasama sa Top 10 ng kanilang klase.

“Let us help widen the opportunities of our underprivileged youth especially the best and the brightest,” ani Go sa isang pahayag.

Upang maging benepisyaryo ng nasabing panukalang batas, kinakailangang ang isang estudyante ay natural-born Filipino citizen.

Siya rin ay dapat isang graduating high school student o kaya naman ay high school graduate na kasama sa top 10 academic achievers ng kanilang graduating class at nagnanais na makapasok sa isa sa private HEIs sa bansa.

Bukod dito, ang kabuuang kita ng pamilya ay dapat na mas mababa sa poverty threshold na pinagpapasiyahan ng National Economic and Development Authority at Department of Social Welfare and Development.

“Ang edukasyon ang tanging puhunan natin sa mundong ito. Ito rin ang susi sa mas maginhawang kinabukasan,” pahayag ni Go. 

“Bigyan natin ng oportunidad at insentibo ang ating kabataan na mag-aral nang mabuti para mailayo sila sa masasamang bisyo at bilang kapalit na rin sa paghihirap ng kanilang mga magulang na pag-aralin sila,” dagdag niya.

Tags: Senate Bill No. 1708
Previous Post

OCTA: 7-day positivity rate ng COVID-19 sa bansa at sa NCR, bahagyang tumaas

Next Post

‘Ungkatan na naman?’ ‘Dina-Alex issue’, nabuhay na naman dahil sa birthday ni Dina Bonnevie

Next Post
‘Ungkatan na naman?’ ‘Dina-Alex issue’, nabuhay na naman dahil sa birthday ni Dina Bonnevie

'Ungkatan na naman?' 'Dina-Alex issue', nabuhay na naman dahil sa birthday ni Dina Bonnevie

Broom Broom Balita

  • Kilalang pinakamatandang Hebrew Bible, isasapubliko sa Israel bago ibenta
  • Hiling na medical, financial assistance tutugunan ng Presidential Help Desk
  • Leni Robredo, bumisita sa Japan para sa Angat Buhay programs
  • Pasahero ng MRT-3, timbog dahil sa bomb joke
  • South Korea, magkakaloob ng tulong sa ‘Pinas para sa oil spill cleanup
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.