• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘Pinakamakinang vs. mas pinalakas!’ Glenda at Rosmar, magsasalpukan ng concert

Richard de Leon by Richard de Leon
January 29, 2023
in Balita, Showbiz atbp.
0
‘Pinakamakinang vs. mas pinalakas!’ Glenda at Rosmar, magsasalpukan ng concert

Glenda Victorio at Rosmar Tan Pamulaklakin (Larawan mula sa FB)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Usap-usapan ngayon ng kani-kanilang mga tagasuporta at tagatangkilik ng produkto ang concert na idaraos ng magkaribal na sina Glenda Victorio at Rosmar Tan-Pamulaklakin, na parehong gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.

Ang concerts na ito ay para sa kani-kanilang mga anibersaryo.

Ang “Pinakamakinang” brilliant concert ni Victorio ay magaganap sa Pebrero 7, 2023.

“Registration for #PINAKAMAKINANG : The Brilliant Concert is now closed,” ani Victorio.

“Maraming-maraming salamat sa mga nag-register para makapunta at makapanood ng pangmalakasang concert ngayong 2023! Yayy!!”

“Sisiguraduhin kong worth it ang punta n’yo sa Smart Araneta Coliseum!”

“Yayanigin natin ang buong venue sa mga guest na mapapanood n’yo lalong-lalo na sa mga prizes na matatanggap n’yo,” aniya pa.

Hindi naman nagpahuli si Rosmar at tinawag na “Rosmar Mas Pinalakas” ang kaniyang concert na gaganapin naman sa Pebrero 27.

“Malapit na malapit na!”

“1 MONTH TO GO! Grabe imagine 1st time sa buong SKINCARE INDUSTRY may nakapag-1st anniversary sa ARANETA! Ganun kalakas ang ROSMAR.”

“Papunta palang tayo sa exciting part!,” saad pa ni Rosmar at ibinida pa ang mga bandang inaasahang magtutungo sa concert bilang guests, gaya ng December Avenue, Spongecola, Itchyworms, at Rivermaya.

“Handa na ba kayo? At ito pa ang pasaboooog! Meron tayong palaro kung saan puwede kayo mag-uwi ng MILYONES! Lahat ng pupunta kasali.”

Sino nga kaya ang mas dadagsain?

Tags: anniversary concertsGlenda VictorioRosmar Tan Pamulaklakin
Previous Post

‘Di pa rin pumipirma: Robert Bolick, aalis na sa NorthPort?

Next Post

Mga kabataan sa Isabela, nakagawa ng artwork gamit ang bigas

Next Post
Mga kabataan sa Isabela, nakagawa ng artwork gamit ang bigas

Mga kabataan sa Isabela, nakagawa ng artwork gamit ang bigas

Broom Broom Balita

  • Selena Gomez, nagsalita hinggil sa natatanggap na ‘death threats’ ni Hailey Bieber
  • DSWD: Ayuda para sa mga apektado ng oil spill sa Antique, tuloy pa rin
  • Mayor Vico, binisita ang mga pamilyang nasunugan sa Pasig
  • Pag-aari ni ex-Gov. Teves? 10 baril, mga bala nasamsam sa ni-raid na sugar mill sa Negros Oriental
  • Fire drill na nagdulot ng pagkaospital ng mahigit 100 estudyante, ‘di na-coordinate sa Cabuyao Fire Station – BFP
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.