• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

9-anyos, nagsauli ng napulot na sobreng may cash; may-ari na isang cancer survivor, naantig

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
January 28, 2023
in Balita, Features
0

Ashnor Cadato, Larawan ng kaniyang inang si Asleah Abbas Cadato/Facebook

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Inspirasyon ang 9-taong gulang na estudyante sa Davao Del Norte matapos magpamalas ng katapatan at isauli nito ang napulot na cash na ilalaan sana ng may-ari para sa gamot nito.

Ito ang kuwento ni Ashnor Cadato, isang Grade 3 student ng Sto. Nino Elementary School sa isang ulat ng GMA Regional TV.

Sa murang edad, ang batang estudyante ay hinangaan na sa kaniyang kabutihang loob nang isauli ang napulot na cash sa isang payment outlet sa kanilang lugar.

Inutusan lamang na magbayad ng bill ng kuryente, nakita ni Ashnor ang isang sobre na naglalaman ng P2,000.

Dito na inuwi ng bata ang halaga ngunit sa halip na gamitin ito sa pansariling benepisyo, napili ni Ashnor, sa tulong ng kaniyang inang si Ashleah, na hanapin ang may-ari ng pera.

Sa tulong ng social media at sa pangalang nakalagay sa sobre, dito natukoy ng mag-ina ang gurong si Olivia Perlias, 55, na siyang nakawaglit pala sa sobre.

Ang cancer survivor at magiting na guro ay recipient pala ng Service Incentive Recognition o SIR ng Department of Education (DepEd) kamakailan kasunod ng danyos ng masamang panahon sa rehiyon.

Ang halaga ay inaasahan din ng guro na maipambibili ng gamot kaya’t abot-abot na lang ang naging pasasalamat niya nang maisauli ang sobre.

Sa huli, personal na nagpasalamat ang guro kay Ashnor na pangarap pa lang maging pulis sa hinaharap. Bilang pasasalamat, isang munting regalo ang kaniyang ibinigay kay Ashnor.

Kasabay nito, kinilala rin ng DepEd ang katapatan ng bata na inaasahang pamamarisan ng kapwa estudyante at kabataan.

Tags: davao del nortegood samaritan
Previous Post

Nanay, flinex ang nakakatawang sagot ng anak sa assignment: ‘May chanak akong kapatid!’

Next Post

Ginaya sina Karen, Lyca kasama si Francine; netizens, nagulat na ‘malaki’ na si Xyriel

Next Post
Ginaya sina Karen, Lyca kasama si Francine; netizens, nagulat na ‘malaki’ na si Xyriel

Ginaya sina Karen, Lyca kasama si Francine; netizens, nagulat na 'malaki' na si Xyriel

Broom Broom Balita

  • Cagayan, niyanig ng magnitude 5.7 na lindol
  • Romnick Sarmenta, wafakels sa pagganap na bakla
  • Lacuna: ‘Kalinga sa Maynila’ mas pinalakas, mas pinalaki, mas pinalawak
  • 60 days suspension, ipinataw ng Kamara kay Teves
  • 765 alagang hayop sa Maynila: Nabakunahan sa ‘Oplan Alis Rabis’
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.