• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘Mata-mata school of acting!’ Janine Gutierrez, Jennica Garcia, puring-puri dahil sa ‘Dirty Linen’

Richard de Leon by Richard de Leon
January 26, 2023
in Balita, Showbiz atbp.
0
‘Mata-mata school of acting!’ Janine Gutierrez, Jennica Garcia, puring-puri dahil sa ‘Dirty Linen’

Janine Gutierrez at Jennica Garcia (Screengrab mula sa Kapamilya Online LIve)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Puro magaganda at positibong feedback at komento ang natatanggap ngayon nina Janine Gutierrez at bagong Kapamilyang si Jennica Garcia dahil sa kanilang mahusay na pagganap sa bagong ereng teleseryeng “Dirty Linen” ng Dreamscape Entertainment, isa sa mga production unit ng ABS-CBN.

Tatlong episodes pa lamang ang umeere subalit nakuha na ng Dirty Linen ang atensyon ng mga manonood dahil sa maganda at kakaibang cinematography, musical scoring, at aktingan ng cast, lalo’t kasama rito ang mga de-kalibre at mahuhusay na batikang aktor at aktres gaya nina John Arcilla, Janice De Belen, Epy Quizon, Angel Aquino, Joel Torre, at Tessie Tomas.

May cameo role din si Dolly De Leon na kinikilala ngayon sa ibang bansa dahil sa kaniyang markadong pagganap sa Hollywood movie na “Triangle of Sadness.”

Anyway, puring-puri ang mga netizen kina Janine at Jennica dahil mata pa lamang daw nila ay umaarte na.

Panggulat daw si Jennica dahil matapos ang halos pitong taong pamamahinga sa showbiz, pasabog daw ang kaniyang comeback at unang teleserye pa sa ABS-CBN.

Napupuri din ang mga magulang nina Janine at Jennica na sina Lotlot De Leon at Jean Garcia dahil kitang-kita raw sa mga anak kung kanino sila nagmana.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng mga netizen:

“Dirty Linen deserves to be shown on Netflix. The cinematography ang ganda. The powerful ensemble casts were all great in their roles even the special participation casts especially Dolly De Leon. The eyes of @janinegutierrez are already acting without her saying anything.”

“Janine’s eyes were full of vengeance. Maganda ‘tong show na ito. Lahat magaling. May kurot, may galit, may social relevance and pilot episode pa lang marami na pasabog.”

“Yung transition ni Jennica Garcia from shocked to evil smile, ang smooth. Why is the industry sleeping on her. Tama yung nagmessage siya sa isa sa mga ABS-CBN bosses for a role and she didn’t disappoint. So far, galing niya. More projects pa for her.”

“Saan mo natutuhan yung mata-mata school of acting na ‘yan, Janine? Nakakatakot ang facial expressions mo grabe.”

“Nagulat ako kay Jennica Garcia. Yung mata mata acting ni acla!”

Mas lalo pang hinangaan si Jennica matapos niyang aminin sa naganap na media conference na siya mismo ang nagpadala ng mensahe kay Deo Endrinal, head ng Dreamscape, para mapasama sa cast ng serye. Kailangan niya aniya ng trabaho dahil siya mismo ang bumubuhay sa kanilang dalawang anak ng ex-partner na si Alwyn Uytingco.

In fairness din, apat na araw nang trending ang Dirty Linen at pulos magaganda ang mga nasasabi ng viewers dito (kagaya sa Maria Clara at Ibarra ng GMA Network). Sana nga ay magtuloy-tuloy ito!

Tags: Dirty LinenJanine GutierrezJennica Garcia
Previous Post

Kakai Bautista, trending matapos awiting muli ang theme song ng ‘Maynila’

Next Post

Shellfish sa 10 lugar sa Visayas, Mindanao may red tide — BFAR

Next Post
8 lugar sa bansa, apektado ng red tide — BFAR

Shellfish sa 10 lugar sa Visayas, Mindanao may red tide -- BFAR

Broom Broom Balita

  • ‘Barbie transformation’ ni Paolo Ballesteros, pinusuan ng netizens
  • Kahit pangit, basura daw mga pelikula niya: Vice Ganda ibinida award sa FDCP
  • Minimum na pamasahe sa modern, traditional jeepneys tataas ng ₱1
  • Price cap sa bigas, tinanggal na ni Marcos
  • Erik Matti, may sentimyento: ‘Times have changed in movies’
‘Barbie transformation’ ni Paolo Ballesteros, pinusuan ng netizens

‘Barbie transformation’ ni Paolo Ballesteros, pinusuan ng netizens

October 4, 2023
Kahit pangit, basura daw mga pelikula niya: Vice Ganda ibinida award sa FDCP

Kahit pangit, basura daw mga pelikula niya: Vice Ganda ibinida award sa FDCP

October 4, 2023
Minimum na pamasahe sa modern, traditional jeepneys tataas ng ₱1

Minimum na pamasahe sa modern, traditional jeepneys tataas ng ₱1

October 4, 2023
Price cap sa bigas, tinanggal na ni Marcos

Price cap sa bigas, tinanggal na ni Marcos

October 4, 2023
Erik Matti, may sentimyento: ‘Times have changed in movies’

Erik Matti, may sentimyento: ‘Times have changed in movies’

October 4, 2023
Cagayan niyanig ng 5.7-magnitude ng lindol

Cagayan niyanig ng 5.7-magnitude ng lindol

October 4, 2023
Isabelle Daza kay Alex Gonzaga: ‘Ang epal mo’

Isabelle Daza kay Alex Gonzaga: ‘Ang epal mo’

October 4, 2023
Paul Salas, hindi bet ni Mikoy Morales para kay Mikee Quintos

Paul Salas, hindi bet ni Mikoy Morales para kay Mikee Quintos

October 4, 2023
Luis, nakipagbardahan kay Alex: ‘Halatang nangongopya lang sa katabi’

Luis, nakipagbardahan kay Alex: ‘Halatang nangongopya lang sa katabi’

October 4, 2023
DepEd, aminadong kulang sa guidance counselors sa mga paaralan; problema agad daw sosolusyunan

Gurong sangkot umano sa namatay na estudyante, pinag-leave of absence muna ng DepEd

October 4, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.