• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Sibak na sa PH Army, kinasuhan pa! Ex-PSG chief, mastermind umano sa pagpatay kay Plaza

Balita Online by Balita Online
January 25, 2023
in Balita, National/Probinsya
0
Sibak na sa PH Army, kinasuhan pa! Ex-PSG chief, mastermind umano sa pagpatay kay Plaza
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

DAVAO CITY – Sinampahan na ng kaso si dating Presidential Security Group (PSG) commander Brig. Gen. Jesus Durante kaugnay sa pagiging umano’y mastermind sa pagpaslang isang negosyante at modelong si Yvonnette Chua Plaza sa Green Meadows Subd., Barangay Tugbok sa naturang lungsod noong Disyembre 29, 2022.

Sa isinagawang pulong balitaan, isinapubliko ni Police Maj. Eudisan Gultiano ng Special Investigation Task Group (SITG), kabilang lamang si Durante sa siyam na kinasuhan ng murder sa Office of the City Prosecutor ng Davao City.

Bukod kay Durante, kinasuhan din ang walong may kinalaman umano sa pamamaslang na sina Philippine Army-1001st Infantry Brigade (IB) deputy commander Col. Michael D. Licyayo, Staff Sgt. Gilbert Plaza, Staff Sgt. Delfin Llarenas Sialsa Jr., Corporal Adrian N. Cachero, Private First Class Rolly Cabal, Private First Class Romart Longakit, Noel H. Japitan, at isang alyas “Junior.”

Ipinagharap naman ng kasong obstruction justice ang isang “Master Sergeant” na sinasabing escort ni Durante. 

Ikinatwiran ni Gultiano, itinuro ng isa sa testigo si Sialsa na bumaril kay Plaza habang nagsilbing driver naman ng motorsiklo si Cachero.

Si Licyayo aniya ang nagbigay ng impormasyon upang matunton at paslangin si Plaza.

Matapos ang krimen, tumakas ang dalawang suspek sakay ng motorsiklo.

Umamin aniya ang mga suspek na si Durante ang nag-utos sa kanilang upang paslangin si Plaza.

Sinabi rin Gultiano, narekober sa mga suspek ang ninakaw na mobile phone, handbag, ID, at credit card ni Plaza.

Dahil dito, naghain din ng kasong theft ang mga awtoridad laban kina Plaza at Cachero.

Matatandaang nag-post sa social media si Plaza kung saan inilantad ang mga pasa nito sa mukha na umano’y kagagawan ni Durante. Nag-viral ang mga larawan matapos patayin si Plaza.

Narekober din ng mga awtoridad ang laptop ni Plaza kung saan nakapaloob ang mga larawan at mensahe ni Durante.

“We were able to recover Macbook from house of the victim containing photos and email messages of Gen. Durante,” sabi ni Gultiano.

Dahil sa palitan ng mensahe sa pagitan nina Plaza at Durante, nakumpirma ang relasyon ng mga ito, ayon naman kay Police Regional Office-Davao director, Brig. Gen. Benjamin Silo, Jr.

“Based on the testimony of the witnesses, there were instances that Durante got jealous but we are looking into other factors that led into this senseless killing,” aniya.

Nauna nang itinanggi ni Durante ang alegasyon.

Dahil dito, sinibak na ni PA chief Romeo Brawner, Jr. si Durante sa kanyang puwesto bilang hepe ng 1001st IB dahil na rin sa kaso.

“The Philippine Army will not condone any criminal act committed by its personnel,” pagdidiin ni Brawner.

Antonio Colina IV

Previous Post

Presyo ng gamot sa bansa, ‘stable’ pa rin — DOH

Next Post

Sakripisyo ng mga health worker, kinilala ni Marcos

Next Post
Sakripisyo ng mga health worker, kinilala ni Marcos

Sakripisyo ng mga health worker, kinilala ni Marcos

Broom Broom Balita

  • Nahulog sa barko? Tripulante, ‘di pa mahanap ng PH Coast Guard sa Batangas
  • Phivolcs, pinaghahanda ang Davao sa aftershocks dala ng nangyaring Magnitude 6 na lindol
  • Nursing student, iniligtas ang fruit vendor na tinaga ng kaniyang kalive-in-partner
  • ‘Starry night pool’: Isang swimming pool, nagmistulang art canvas
  • DOTr: Operasyon at maintenance ng Metro Manila Subway at North-South railway, isasapribado na
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.