• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Presyo ng painted dots pajama ni Marian na suot sa pilot episode ng FTWBA, nakalulula!

Richard de Leon by Richard de Leon
January 25, 2023
in Balita, Showbiz atbp.
0
Presyo ng painted dots pajama ni Marian na suot sa pilot episode ng FTWBA, nakalulula!

Marian Rivera (Larawan mula sa IG ni Marian Rivera/PEP)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang buena manong guest ni King of Talk Boy Abunda sa pilot episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” na nagsimula na noong Lunes, Enero 23, sa kaniyang pagbabalik sa orihinal na home network makalipas ang halos dalawang dekada.

Para kay Boy, hinding-hindi niya malilimutan ang pagkakataong makapanayam si Marian, na unang request daw niya na sana’y makapanayam sa unang episode nga ng FWTBA, bagay na na-achieve naman niya.

Bukod sa mga rebelasyon ni Marian patungkol sa kaniyang karera at pagsisimula nila ng mister na si Dingdong Dantes, naging usap-usapan din ang branded painted dots pajama na suot-suot niya sa naturang guesting.

Oo, pajama pala ang suot ni Yan bagay na hindi nahalata sa unang tingin. Take note, hindi lamang basta pajama ito kundi tatak-Louis Vuitton!

Hindi ito nakaligtas sa mapanuring mata ng mga netizen na marunong kumilatis ng isang luxury brand gaya ng LV.

Naging mabilis ang mga netizen sa pagsasaliksik kung anong LV pajama ito. Batay naman sa kanilang paghahanap, ito raw ay “LV X YK painted dots pajama shirt” na nagkakahalagang US$2,320.00 o ₱126,434.20 ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP.

Ayon pa sa ulat, collaboration at collection ng LV at 93-anyos na Japanese contemporary artist na si Yayoi Kusama ang usap-usapang pajama outfit ni Marian, na muling magbabalik-teleserye ngayong 2023, sey niya mismo.

Screengrab mula sa PEP

Komento naman ng mga netizen, kahit pajama raw ang suot ni Marian ay lutang na lutang pa rin ang kaniyang kagandahan.

May ilan pang nagbirong hindi nila kakayaning magsuot ng ganoong pajama; gagalugarin na lamang daw nila ang kalakhang Divisoria o kaya naman ay ukay-ukay para bumili nang ganoon.

Pero kung kasingganda ka naman ni Marian, at afford naman, why not ‘di ba?

Tags: fast Talk with Boy AbundaLouis Vuittonmarian riverapainted dot pajama
Previous Post

Makati gov’t, naglunsad ng libreng pagbabakuna vs rabbies

Next Post

‘Tagal ka naming hinintay!’ Madam Kilay, nanganak na

Next Post
‘Tagal ka naming hinintay!’ Madam Kilay, nanganak na

'Tagal ka naming hinintay!' Madam Kilay, nanganak na

Broom Broom Balita

  • Nahulog sa barko? Tripulante, ‘di pa mahanap ng PH Coast Guard sa Batangas
  • Phivolcs, pinaghahanda ang Davao sa aftershocks dala ng nangyaring Magnitude 6 na lindol
  • Nursing student, iniligtas ang fruit vendor na tinaga ng kaniyang kalive-in-partner
  • ‘Starry night pool’: Isang swimming pool, nagmistulang art canvas
  • DOTr: Operasyon at maintenance ng Metro Manila Subway at North-South railway, isasapribado na
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.