• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Pinakamataas na bilang ng pasahero na napagsilbihan sa loob ng mahigit 2 taon, naitala ng MRT-3

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
January 25, 2023
in Balita, Metro, National / Metro
0
50 sa 72 bagon, na-overhaul na ng MRT-3

Photo courtesy: DOTr MRT-3

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Iniulat ng Department of Transportation (DOTr) nitong Miyerkules na naitala ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang pinakamataas na bilang ng pasahero na kanilang napagsilbihan sa loob ng dalawang taon at pitong buwan.

Ayon sa DOTr, noong Biyernes, Enero 20, 2023, ay nakapagtala sila ng kabuuang 396,345 pasahero na naisakay at naihatid sa kani-kanilang destinasyon.

Ito na anila ang pinakamataas na bilang ng pasahero na kanilang naisakay mula Hunyo 1, 2020 hanggang Enero 20, 2023.

Matatandaang sadyang bumaba ang bilang ng mga mananakay na gumamit ng linya nang isailalim ang Metro Manila sa community quarantine noong umpisa ng Covid-19 pandemic. 

Bago nito, nasa kabuuang 389,036 pasahero ang pinakamataas na naiulat ng MRT-3 na sumakay ng linya, sa kasagsagan ng pagpapatupad ng Libreng Sakay noong Hunyo 2022.

Anang DOTr, ang pagtaas ng bilang ng mga pasaherong nabibigyan serbisyo ng MRT-3 ay bunga ng maayos na pangangalaga at rehabilitasyon ng mga bagon at subsystems ng linya.

Matatandaang natapos ang malawakang rehabilitasyon ng MRT-3 noong Disyembre 2021.

Nagbigay-daan ito upang maibalik ang highest operating speed ng mga tren sa 60 kph mula 30 kph.

Bumaba rin ang headway o oras sa pagitan ng mga tren sa 4-4.5 minuto mula 8-9.5 minuto tuwing peak hours. 

Umiksi rin naman ang travel time ng tren mula North Avenue Station hanggang Taft Avenue Station sa 30-35 minuto mula 1 oras at 15 minuto.

Sa kasalukuyan, 18 hanggang 21 train sets ang tumatakbo sa linya ng MRT-3 tuwing peak hours.

“Patunay po ang patuloy na pagtangkilik ng ating mga pasahero sa mas mabuting serbisyong ating pinupursiging ibigay sa kanila sa araw-araw. Asahan po ninyong patuloy pang pagbubutihin ang serbisyo ng MRT-3 upang mas marami pang pasahero ang makaranas ng ligtas, komportable, at maaasahang biyahe sa ating linya,” ayon kay General Manager Engr. Federico J. Canar, Jr..

Samantala, mahigpit pa ring ipinatutupad loob ng mga tren, ayon sa rekomendasyon ng mga eksperto sa kalusugan, ang (1) palagiang pagsusuot ng face mask, (2) pagbabawal sa pagsasalita at pakikipag-usap sa telepono, (3) pagbabawal kumain, uminom at paninigarilyo, (4) pagpapanatili nang maayos at sapat na ventilation sa mga PUV, (5) laging pagsagawa ng disinfection, (6) pagbawal pagpasakay ng pasaherong may sintomas ng Covid-19 sa pampublikong transportasyon, at (7) Laging pagsunod sa panuntunan ng appropriate physical distancing.

Tags: DOTrMRT3
Previous Post

2 piloto, patay sa bumagsak na military plane sa Bataan — imbestigador

Next Post

‘Truly special!’ Raymond Gutierrez, nagdiwang ng kaarawan kasama ang afam na jowa

Next Post
‘Truly special!’ Raymond Gutierrez, nagdiwang ng kaarawan kasama ang afam na jowa

'Truly special!' Raymond Gutierrez, nagdiwang ng kaarawan kasama ang afam na jowa

Broom Broom Balita

  • Nahulog sa barko? Tripulante, ‘di pa mahanap ng PH Coast Guard sa Batangas
  • Phivolcs, pinaghahanda ang Davao sa aftershocks dala ng nangyaring Magnitude 6 na lindol
  • Nursing student, iniligtas ang fruit vendor na tinaga ng kaniyang kalive-in-partner
  • ‘Starry night pool’: Isang swimming pool, nagmistulang art canvas
  • DOTr: Operasyon at maintenance ng Metro Manila Subway at North-South railway, isasapribado na
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.