• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Mall voting para sa BSKE, pinag-aaralan ng Comelec

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
January 25, 2023
in Balita, Eleksyon, National / Metro
0
Voter’s registration, umarangkada na; 1M botante, target maitala

(PHOTO COURTESY: Juan Carlo de Vela/MB FILE PHOTO)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Pinag-aaralan na ng Commission on Elections (Comelec) na payagan ang pagdaraos ng botohan sa malls o mall voting para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, mismong ang mga mall operators ay bukas din sa naturang ideya.

“Patuloy po at napakainit talaga ng pagtanggap po ng mga mall sa atin pong idea na yan, sapagkat sa kasalukuyan po ay binibigyan din po niya tayo ng mga espasyo para sa ating satellite registration at saka registration anywhere project,” ani Garcia, sa panayam sa teleradyo. 

Aniya pa, maaaring magsagawa sila ng pilot test dito at mag-sample sa ilang malls sa Metro Manila muna upang malaman kung maaari ba talaga itong maisagawa sa 2023 BSKE.

Mainam kasi aniya na makapagdaos rin ng halalan sa malls dahil mas maluwag doon, mas kumportable at mas nakatitiyak sa seguridad ng mga botante.

“Baka pupuwede, itong darating na barangay and SK elections magpilot muna tayo, mag-sample tayo ng ilang malls, kahit dito sa Metro Manila, upang makuha natin, kaya ba talaga, pwede ba natin talaga dalhin ang ating mga kababayan sa malls, doon sila boboto,” ani Garcia.

Dagdag pa niya, “At the same time, mas mabibigyan tayo ng malawak na espasyo at mas masisigurado ang seguridad ng mga kababayan natin habang bumoboto.”

Nilinaw naman ni Garcia na tanging ang mga residente ng mga barangay lamang na malapit sa malls ang papayagang bumoto doon, bilang pagtalima sa Omnibus Election Code.

“Ang nakalagay lamang po, kinakailangan yung kung saan sila boboto, ay doon sa kung saan yung pinakamalapit sa lahat,” paliwanag ng poll chief. “So ang gagawin po namin, kung ano yung mga presinto o barangays na nandoon mismo sa vicinity ng mall, yun po yung aming ilalagay na, o ililipat ng botohan sa mall, so meaning to say wala pong maba-violate na batas sapagkat ang tawag po dito ay transfer lang of polling place.”

Kumpiyansa rin naman si Garcia na hindi gagastos ang Comelec ng malaki sa mall voting dahil maaari aniyang pumayag ang mga mall owners na magbigay ng voting spaces ng libre, kapalit ng foot traffic na hatid ng halalan.

“Kahit paano, siguradong-sigurado naman, na yung ating mga kababayan kapagka pumupunta dyan katulad din kapagka pumupunta sa mga paaralan, maaaring mag-softdrinks man lang o uminom, siyempre kahit papaano, ang iba dyan nagwi-window shopping pag katapos bumoto,” aniya pa.

“Sa ating palagay, ganoon din naman po yung effect eh, madami rin naman po tayo kababayan na pag pumunta sa eskwelahan, pagkatapos na pagkatapos pupunta rin sa mall. Ganoon din po. Eh hindi ba mas magandang yung mga kababayan natin nakapila, kahit nakapila komportable, naka-aircon,” dagdag pa ni Garcia. 

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang voter registration para sa 2023 BSKE at magtatapos ito sa Enero 31, 2023. 

Tags: BSKEcomelec
Previous Post

‘Truly special!’ Raymond Gutierrez, nagdiwang ng kaarawan kasama ang afam na jowa

Next Post

Lolit inihambing si Alden kay Eddie Garcia: ‘Anumang generation puwede mong gamitin ang personalidad niya’

Next Post
Lolit inihambing si Alden kay Eddie Garcia: ‘Anumang generation puwede mong gamitin ang personalidad niya’

Lolit inihambing si Alden kay Eddie Garcia: 'Anumang generation puwede mong gamitin ang personalidad niya'

Broom Broom Balita

  • Nahulog sa barko? Tripulante, ‘di pa mahanap ng PH Coast Guard sa Batangas
  • Phivolcs, pinaghahanda ang Davao sa aftershocks dala ng nangyaring Magnitude 6 na lindol
  • Nursing student, iniligtas ang fruit vendor na tinaga ng kaniyang kalive-in-partner
  • ‘Starry night pool’: Isang swimming pool, nagmistulang art canvas
  • DOTr: Operasyon at maintenance ng Metro Manila Subway at North-South railway, isasapribado na
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.