• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘Maiiyak ka sa saya!’ Sibuyas, ginawang giveaways sa isang kasalan

Richard de Leon by Richard de Leon
January 25, 2023
in Balita, Features
0
‘Maiiyak ka sa saya!’ Sibuyas, ginawang giveaways sa isang kasalan

Jayson at Lorellei Saplala (Mga larawan mula kina Jayson at Lorellei Saplala)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nagdulot ng kasiyahan sa mga netizen ang TikTok video ng bagong kasal na mag-asawa na nagpapamahagi ng mga sibuyas sa kanilang mga imbitadong panauhin, bilang giveaways.

Ang naturang TikTok video ay inupload ng mismong wedding coordinator na si “Aldrik Gohel” ng “Moments by Ruffa”, at ang kasal ay ginanap nitong Martes ng Enero 24 sa Aquila Crystal Palace, Tagaytay.

@biyahenidrik

♬ Wildest Dreams – Duomo

Ayon sa eksklusibong panayam ng Balita Online kay Aldrik, ang bagong kasal ay sina “Jayson at Lorellei Saplala.” Aniya, family business umano ng bride ang sibuyas mula sa Ilocos Sur, at upang maiba naman daw at gawing unique ang giveways, naisipan nilang ipamigay ang sibuyas lalo’t mahal ang presyo nito ngayon.

“Para makatulong din sila sa mga guests dahil nga po mahal ang sibuyas,” anang wedding coordinator.

“Hayun, sold-out!” natatawang saad pa niya.

Ayon naman sa panayam ng Balita Online sa bride na si Lorellei, masayang-masaya sila ni Jayson dahil natuwa ang kanilang mga panauhin sa naisip nilang gimmick.

“Nakakatuwa at sobrang saya ng mga bisita sa sibuyas, at yun kasing sibuyas ang madami kami kaya para makatipid, ginawa naming giveaways,” sey ni Lorellei.

Malaki ang pasasalamat ng mag-asawa sa “Parabola Flowers” na nag-set-up ng kanilang sibuyas giveaways sa venue ng kanilang reception.

Jayson at Lorellei Saplala (Mga larawan mula kay Lorellei Saplala)

Matatandaang sa ibang balita, isang bride naman ang gumamit ng sibuyas bilang bouquet niya sa kasal, sa halip na mga bulaklak.

“Onion” kita!: Kumpol ng sibuyas, ginawang bouquet sa isang kasal
Tags: Aldrik GohelJayson at Lorellei Saplalasibuyas giveaways
Previous Post

Lalaki sa US, patay matapos aksidenteng mabaril ng aso

Next Post

Saab Magalona at Jim Bacarro, 8 taon nang kasal; Saab, napa-throwback

Next Post
Saab Magalona at Jim Bacarro, 8 taon nang kasal; Saab, napa-throwback

Saab Magalona at Jim Bacarro, 8 taon nang kasal; Saab, napa-throwback

Broom Broom Balita

  • DOTr: Operasyon at maintenance ng Metro Manila Subway at North-South railway, isasapribado na
  • Babaeng hindi nabiyayaan ng anak, naramdaman ang pagiging nanay sa kaniyang aso
  • DOH, nag-turnover ng MRI machine sa Ilocos Norte Provincial Hospital
  • NorthPort, biktima sa unang panalo ng Phoenix
  • Lalaki, nagpatayo ng dream house para sa future nila ng gf noon, pero niloko lang siya
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.