• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp. Celebrities

‘It was my fault’: Alden Richards, inaming nakamabutihan, nasaktan noon si Julie Anne San Jose

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
January 25, 2023
in Celebrities, Showbiz atbp.
0
‘It was my fault’: Alden Richards, inaming nakamabutihan, nasaktan noon si Julie Anne San Jose

Julie Anne San Jose/Instagram (kaliwa), Alden Richards/Instagram (kanan)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Isang rebelasyon ang ibinahagi ngayong Miyerkules ni Kapuso star Alden Richards kaugnay ng pagkakamabutihan nila noon ni “Maria Clara at Ibarra” star Julie Anne San Jose.

Ito nga ang highlight sa episode ng “Fast Talk With Boy Abunda” kung saan natanong nga ang aktor sa ilang mga na-link na stars sa kaniya noon na muntikan na niyang makatuluyan.

Isa nga rito ang Kapuso singer, actress, at host na si Julie.

“I decided to mag-focus na lang po talaga sa work. ‘Yun po ‘yung inihingi ko ng sorry sa kanya. It’s a long time [ago]. Parang naiwan ko po siya,” pagsisiwalat ni Alden.

Dito sunod na ibinahagi ng aktor na naging mabigat para sa kaniya ang kinahantungan nila noon ni Julie.

“’Yung part po kasi kay Julie Anne, ‘yun po ‘yung parang pinakamabigat,” anang Kapuso star.

Inabot pa aniya ng anim na taon bago pa muling nakausap ni Alden si Julie, pagbabahagi niya.

“Naniniwala po kasi ako na time heals everything and mahirap po kasing ipilit na gusto mong magkaayos kayo. Pero ‘yung panahon, hindi pa tama, kasi sariwa pa po ‘yung sugat. Hindi po natin madidikta sa puso natin kung kailan gagaling yun. It really depends upon the person,” pagpapatuloy ni Alden.

Kaya noong mabigyan ng pagkakataon, personal na hiningi ni Alden ang kapatawaran kay Julie.

“So Sunday Pinasaya, rehearsal, may green room po tayo sa Studio 7. Nung kami na lang dalawa na lang sa green room, ni-lock ko po yung pinto. And then I talked to her,” kwento ni Alden.

“I’m really sorry for what happened. Iniwan kita. There’s no one to blame but me and sana napatawad mo na ako,” mga nasabi aniya kay Julie nang makausap na ito muli.

“May term po ako na ginamit… ‘I was an assh*le… I was an assh*le and I am very sorry. Sana mapatawad mo na ako,” ani Alden pa sa aktres.

Kahit na inabot ng ilang taon, noon lang din umano naramdaman ni Alden na may kinimkim rin siyang bigat.

“Parang may relief po sa kalooban, na parang for the longest time iniiwasan ko rin po siya pero noong nangyari yung moment na ‘yun, may dala pala rin ako,” pagtatapos ng aktor.

Paglilinaw ni Alden, matalik na magkaibigan sila ngayon ni Julie na ngayo’y nali-link at masaya na kay Kapuso actor-host Rayver Cruz.

Sa parehong panayam, maliban kay Julie ay inamin din ni Alden ang noo’y chika ng pagkakamabutihan din nila ni Wynwyn Marquez.

Wala pang reaksyon ang dalawang Kapuso stars kasunod ng mga pagbubunyag ni Alden.

Tags: Alden RichardsJulie Anne San Jose
Previous Post

Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel, may homecoming sa Pilipinas

Next Post

Ex-NBA player Simmons, nagpakitang-gilas–Blackwater, tinambakan ng NLEX

Next Post
Ex-NBA player Simmons, nagpakitang-gilas–Blackwater, tinambakan ng NLEX

Ex-NBA player Simmons, nagpakitang-gilas--Blackwater, tinambakan ng NLEX

Broom Broom Balita

  • McLisse kumpirmadong nagkabalikan na
  • Kim Chiu, masaya sa pagiging ‘legit host’ niya; sinariwa mga pinagdaanan
  • Kuya Kim, nag-react sa ‘parinig’ ni Vice Ganda
  • QCPD, nakorner ang nasa 17 drug suspek; P2-M halaga ng shabu, nasabat
  • Para iwas-fake news! Capital report ni Lacuna, dinagdagan ng FAQs
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.