• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘Ano ka, bangkay sa morgue?’ Cristy, ibinuking na nagpapa-make-up si Alex habang nakahiga

Richard de Leon by Richard de Leon
January 25, 2023
in Balita, Showbiz atbp.
0
‘Ano ka, bangkay sa morgue?’ Cristy, ibinuking na nagpapa-make-up si Alex habang nakahiga

Cristy Fermin at Alex Gonzaga (Larawan mula sa Manila Bulletin/Screengrab mula sa Showbiz Now Na)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Usap-usapan ngayon sa TikTok ang naging birada ng showbiz columnist na si Cristy Fermin sa dating nakasama sa showbiz-oriented show na si Alex Gonzaga, sa kasagsagan ng cake issue nito.

Ayon kay Cristy sa isang episode ng “Showbiz Now Na”, bukod sa madalas na late dumating ang aktres-TV host-vlogger sa set at nadedelay ang kanilang taping, nasita rin niya ito matapos maaktuhang nagpapa-make-up ito sa make-up artist habang nakahiga.

Lahat daw ng pisi ng pagpapasensya ay ibinigay na ni Cristy kay Alex, subalit ang pinakamatindi raw ay nang maispatan nga niya itong nagpapa-make-up nang nakahiga, habang ang nag-aayos sa kaniya ay nagkakandahirap-hirap.

Ilang beses raw niyang nakikita itong nakahiga habang nakaluhod naman ang make-up artist na si “Noel”.

‘Kung minsan naman, meron siyang director’s chair at halos ibuyangyang na niya ang kaniyang ulo, siyempre hirap pa rin ang kaniyang make-up artist,” ani Cristy.

Nang minsan ay hindi na raw makatiis, “tinalakan” na ni Cristy si Alex dahil para daw itong bangkay sa morgue na mine-make-upan. Kinausap na ni Cristy ang kanilang executive producer dahil hindi na raw ito tama.

Kaya ang ginawa nina Cristy, sila na mismo ang nagtanggal ng mga higaan at upuan sa set upang hindi na ito magawa ni Alex.

“Sobra na ang ginagawa niya… wala siyang respeto sa mga hindi niya kauri sa palagay niya,” pahayag pa ni Cristy.

“Manipulative siya eh… namimili siya ng kaniyang irerespeto. Pero kapag hindi niya co-equal yung tao, napakababa ng kaniyang pagtingin.”

Naiugnay pa niya ito sa nangyaring pamamahid ng icing sa noo ni Allan Crisostomo na hindi niya aniya “ka-level” kaya puwede niya itong i-bully.

@deidreemonyo

#alexgonzaga #cristyfermin #alexgonzagamorada #alexgonzagavlog #alexgonzagaissue #alexgonzagacake #alexgonzagabirthday

♬ original sound – Deidree – Deidree

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Alex patungkol sa isyung ito.

Tags: Alex Gonzaga-MoradaCristy Ferminmake-up artist
Previous Post

Trainer plane ng PAF, bumagsak sa Bataan

Next Post

2 piloto, patay sa bumagsak na military plane sa Bataan — imbestigador

Next Post
2 piloto, patay sa bumagsak na military plane sa Bataan — imbestigador

2 piloto, patay sa bumagsak na military plane sa Bataan -- imbestigador

Broom Broom Balita

  • Nahulog sa barko? Tripulante, ‘di pa mahanap ng PH Coast Guard sa Batangas
  • Phivolcs, pinaghahanda ang Davao sa aftershocks dala ng nangyaring Magnitude 6 na lindol
  • Nursing student, iniligtas ang fruit vendor na tinaga ng kaniyang kalive-in-partner
  • ‘Starry night pool’: Isang swimming pool, nagmistulang art canvas
  • DOTr: Operasyon at maintenance ng Metro Manila Subway at North-South railway, isasapribado na
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.