• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Mga nasawi sa leptospirosis sa Bacolod, umakyat sa 11 noong 2022

Mary Joy Salcedo by Mary Joy Salcedo
January 24, 2023
in Balita, National/Probinsya
0
Mga nasawi sa leptospirosis sa Bacolod, umakyat sa 11 noong 2022

Manila Bulletin file photo

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Itinala ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) nitong Lunes, Enero 23, na umakyat sa 11 ang mga nasawi sa Bacolod City, Negros Occidental, dulot ng leptospirosis noong 2022.

Ayon kay Dr. Grace Tan, CESU head, apat sa mga nasawi ay naitala sa Barangay Singcang-Airport, habang isa naman sa mga barangay ng Mandalagan, Bata, Cabug, Felisa, Taculing, Pahanocoy, at Estefania. 

Tinatayang 24.4% ang naging kaso ng fatality rate o bilang ng mga taong namatay dahil sa impeksyon.

Samantala, nakapagtala ang CESU ng 45 kabuuang kaso ng leptospirosis sa taong 2022, kabilang na ang mga nasabing binawian ng buhay. Tinatayang 80% na mataas ito kumpara sa naitalang 25 kaso sa 2021, kung saan anim naman sa mga ito ang nasawi.

Nasa edad 1 hanggang 68 ang nabiktima ng leptospirosis sa lugar ngunit mayorya sa mga ito ay nasa 21 hanggang 30 taong gulang

Ayon kay Tan, tinatayang 60% sa mga naimpeksyon at binawian ng buhay ay nai-ulat na nakaranas ng paglusong sa kontaminadong tubig, habang mahigit sa 60% ang hindi agad nakapagpakonsulta sa doktor.

“If you cannot avoid wading in flood water, use boots. You can go to the health center for information and for advisory if there is a need for you to take prophylaxis,” ani Tan.

Sinabi rin ni Tan na nagsasagawa na sila ng mga adbokasiya ng pag-aayos ng mga basura at pagbibigay ng antibiotic prophylaxis sa mga health centers. Bukod dito, naatasan din umano ang City Disaster Risk Reduction and Management Office na linisin ang mga kanal o imburnal sa lugar.

Tags: leptospirosis
Previous Post

Rehistradong SIM card, umabot na sa mahgit 24M — NTC

Next Post

Makati gov’t, naglunsad ng libreng pagbabakuna vs rabbies

Next Post
Makati gov’t, naglunsad ng libreng pagbabakuna vs rabbies

Makati gov't, naglunsad ng libreng pagbabakuna vs rabbies

Broom Broom Balita

  • McLisse kumpirmadong nagkabalikan na
  • Kim Chiu, masaya sa pagiging ‘legit host’ niya; sinariwa mga pinagdaanan
  • Kuya Kim, nag-react sa ‘parinig’ ni Vice Ganda
  • QCPD, nakorner ang nasa 17 drug suspek; P2-M halaga ng shabu, nasabat
  • Para iwas-fake news! Capital report ni Lacuna, dinagdagan ng FAQs
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.