• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

DOH: Higit 580 kaso ng tigdas, naitala sa bansa noong 2022

Balita Online by Balita Online
January 24, 2023
in Balita, National / Metro
0
DOH, nag-iimbestiga na ukol sa spam messages; contract tracing, magpapatuloy

DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire/Manila Bulletin/File Photo

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

May kabuuang 589 na kaso ng tigdas ang naitala sa buong bansa noong 2022, ayon sa datos ng Department of Health (DOH).

Ang bilang na ito ay nagtala ng 186 porsyentong pagtaas kumpara sa taong 2021 kung saan 206 na kaso lamang ang naitala, ayon sa ulat ng DOH.

Ang Calabarzon ang nagtala ng pinakamaraming kaso ng tigdas na may 110, sinabi ng DOH.

Sinundan ito ng National Capital Region na may 77 kaso, Central Visayas na may 69, Central Luzon na may 49, Zamboanga Peninsula na may 47, at Davao Region na may 41.

Isang pagkamatay lamang ang naitala ng DOH dahil sa tigdas noong nakaraang taon. Walang naiulat na pagkamatay noong 2021.

Noong Oktubre 2022, nagbabala ang DOH na maaaring maharap ang bansa sa measles outbreak ngayong taon kung mananatiling mababa ang saklaw ng pagbabakuna. Sunod nito, iniulat ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na hindi bababa sa tatlong milyong bata sa Pilipinas ang madaling kapitan ng tigdas.

Iniulat din ng DOH noong Oktubre ng nakaraang taon na ang lahat ng rehiyon sa bansa ay nasa mataas na panganib para sa posibleng pagsiklab ng tigdas dahil sa mababang saklaw ng bakuna.

Ang huling “wide scale” outbreak ng tigdas sa bansa ay noong 2019, kung saan idineklara ang outbreak sa Metro Manila, Calabarzon, Central Luzon, Western Visayas, at Central Visayas.

Analou de Vera

Tags: department of healthTigdas
Previous Post

Mamang Pokwang, pangarap na sumabak sa Miss Universe ang bunsong si Malia

Next Post

Rehistradong SIM card, umabot na sa mahgit 24M — NTC

Next Post
Rehistradong SIM card, umabot na sa mahgit 24M — NTC

Rehistradong SIM card, umabot na sa mahgit 24M -- NTC

Broom Broom Balita

  • Zack Tabudlo, nag-‘soft launch’ ng jowa; hula ng netizens, si Moira Dela Torre raw?
  • ‘Thank you, Lord. I’m done!’ Netizens, naantig sa retirement video ng isang Pinoy sa US
  • QC hospital, umapela sa kamag-anak ng namatay na si ex-Ginebra player Terry “Plastic Man” Saldaña
  • Isang artista sa ‘Dirty Linen,’ tamad daw umarte, okray ni Ogie Diaz
  • ‘Doppelganger murder’: Babae, pumatay ng kamukha para mapeke ang kaniyang pagkamatay
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.