• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Basilan, isinailalim sa state of calamity

MJ Salcedo by MJ Salcedo
January 23, 2023
in Balita, National/Probinsya
0
Basilan, isinailalim sa state of calamity

(Larawan mula sa Provincial Government of Basilan FB page)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Isinailalim sa state of calamity ang probinsya ng Basilan nitong Lunes, Enero 23, dahil sa Pestalotiopsis disease na patuloy na nananalanta sa mga taniman ng goma sa lugar.

Inilabas ang nasabing resolusyon kaninang umaga kasunod ng rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction Council na pinangunahan ni Governor Jim S. Salliman.

Ayon kay Provincial Agriculturist Dr. Surhayda Aguisanda, umabot na sa 90% ng rubber areas sa probinsya ang sinalanta ng nasabing peste, habang inaasahang nasa 16,000 rubber tappers ang maaapektuhan nito.

Matatagpuan ang mga naapektuhang puno ng goma sa mga lungsod ng Isabela at Lamitan, at maging sa siyam na munisipalidad ng probinsya.

“Governor Jim urges every Basileno for cooperation and vigilance as we confront another challenge in our agriculture industry,” pahayag ng lokal na pamahalaan ng Basilan.

Sa pagsusuri at pakikipanayam ng Philippine Rubber Research Institute sa lugar, napag-alamang ang nasabing peste ay namataan noong huling tatlong buwan ng taong 2021. Naranasan naman ang malalang epekto nito noong mga huling buwan ng 2022.

Tags: basilanPestalotiopsis disease
Previous Post

OFW sa Kuwait, sinunog, tinapon sa disyerto

Next Post

Robert Bolick, pakakawalan na ng NorthPort?

Next Post
Robert Bolick, pakakawalan na ng NorthPort?

Robert Bolick, pakakawalan na ng NorthPort?

Broom Broom Balita

  • Mga magbababoy, nagpapasaklolo na sa gobyerno vs African swine fever
  • ‘Tita lang po ako!’ Babaeng napagkakamalang ina, naglagay ng ‘disclaimer’ sa likod
  • Guro sa kindergarten, kinaaliwan dahil sa iba’t ibang uri ng palakpak
  • Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol
  • Sparkle artists na isasabak sa bagong Eat Bulaga, lagyan daw ng name plate
Indefinite ban vs karneng baboy, pinalawig pa sa Negros Oriental dahil sa ASF

Mga magbababoy, nagpapasaklolo na sa gobyerno vs African swine fever

June 4, 2023
‘Tita lang po ako!’ Babaeng napagkakamalang ina, naglagay ng ‘disclaimer’ sa likod

‘Tita lang po ako!’ Babaeng napagkakamalang ina, naglagay ng ‘disclaimer’ sa likod

June 4, 2023
Guro sa kindergarten, kinaaliwan dahil sa iba’t ibang uri ng palakpak

Guro sa kindergarten, kinaaliwan dahil sa iba’t ibang uri ng palakpak

June 4, 2023
Cagayan, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

June 4, 2023
Sparkle artists na isasabak sa bagong Eat Bulaga, lagyan daw ng name plate

Sparkle artists na isasabak sa bagong Eat Bulaga, lagyan daw ng name plate

June 4, 2023
‘Mala-tigre na!’ Pusang sinlaki ng Siberian husky, pukaw-atensyon

‘Mala-tigre na!’ Pusang sinlaki ng Siberian husky, pukaw-atensyon

June 4, 2023
PCSO: P29.7M jackpot prize ng Grand Lotto 6/55, napanalunan na rin ng taga-Batangas

2 mananaya, maghahati sa P42.7- M Lotto 6/42 jackpot prize

June 4, 2023
Dagdag P1.10 per liter sa gasolina, asahan sa June 29

Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, asahan sa Martes

June 3, 2023
10 boya, ‘di inaalis sa WPS — PCG

10 boya, ‘di inaalis sa WPS — PCG

June 3, 2023
Crater glow, naobserbahan: 13 rockfall events, pagyanig naitala rin sa Mayon Volcano

Crater glow, naobserbahan: 13 rockfall events, pagyanig naitala rin sa Mayon Volcano

June 3, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.