• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Atty. Vince Tañada sa ‘Ako si Ninoy’: ‘Pelikulang tatapos sa lahat ng kasinungalingan!’

Richard de Leon by Richard de Leon
January 23, 2023
in Balita, Showbiz atbp.
0
Atty. Vince Tañada sa ‘Ako si Ninoy’: ‘Pelikulang tatapos sa lahat ng kasinungalingan!’

Mga larawan mula sa FB ni Atty Vince Tañada at Twitter ng Project Gunita

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Sinabi ng direktor at writer ng pelikulang “Ako si Ninoy” na si Atty. Vince Tañada na ang kaniyang pinakabagong pelikulang “Ako si Ninoy” ay maglalantad ng katotohanan at “pelikulang tatapos sa lahat ng kasinungalingan”.

Ayon sa Facebook post ni Atty. Vince bago ilabas ang opisyal na trailer at poster ng pelikula, “KAILANGAN NATIN NG BAYANI, ‘yung totoo, ‘yung hindi gawa-gawa, ‘yung hindi pinorma para mabago ang imahe ng pamilya, ‘yung bunga ng masusing research ng mga akademiko’t iskolastiko, ‘yung pinag-aralan ng mga historians, ‘yung subok ng bawat Pilipino noon at ngayon!”

“Kung gusto niyong malaman ang Katotohanan, sa January 22, sa ganap na 7:00 ng gabi, lalabas sa lahat ng Social Media Platforms ang Grand Reveal ng Title, Trailer at Full Cast ng bagong Pelikulang tatapos sa lahat ng kasinungalingan,” pag-anyaya pa ng direktor sa publiko.

Gaganap na “Ninoy Aquino” sa naturang pelikula ang singer-actor na si Juan Karlos “JK” Labajo, at ang kaniyang awiting “Buwan” ang theme song ng pelikula.

Ikinagulat naman ng mga netizen ang pagkakasama sa cast ni Joaquin Domagoso, anak ni dating Manila City Mayor at presidential candidate Isko Moreno Domagoso, na siyang gaganap namang “Ninoy Aquino” sa “Martyr or Murderer” ni Direk Darryl Yap.

Samantala, hindi lamang “Ako si Ninoy” ang sinasabing tatapat sa MoM ni Direk Darryl, dahil mapapanood din ang “Oras De Peligro” ni Direk Joel Lamangan, na sinasabing iikot naman ang kuwento sa naganap na Martial Law noong pamamahala ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Ngayong 2023, dalawang pelikula ang ipalalabas na tutuligsa sa mga kasinungalingan tungkol sa panahon ng diktadurang Marcos:

“Oras de Peligro,” Joel Lamangan
“Ako Si Ninoy,” @VinceTanada

Suportahan natin sila at patuloy na ipagtanggol ang kasaysayan!#DefendHistoricalTruth pic.twitter.com/uW8kp9CcWR

— Project Gunita (@ProjectGunitaPH) January 22, 2023
Tags: Ako si NinoyAtty. Vince Tañadajoel lamanganOras de Peligro
Previous Post

Mommy Pinty kay Toni: ‘You are truly blessed… keep soaring like an eagle!’

Next Post

Paglabag sa karapatan ng Pinoy nurses, pinaiimbestigahan sa ILO

Next Post
DOH, hirap sa emergency hiring ng medical frontliners

Paglabag sa karapatan ng Pinoy nurses, pinaiimbestigahan sa ILO

Broom Broom Balita

  • Naispatan sa N.Y.C: Selena Gomez, Zayn Malik, in a relationship?
  • Lacson, kinuyog ng netizens dahil sa reaksiyon tungkol sa menstrual leave
  • Hirit na ₱419M para sa suweldo ng mga PhilSys worker, inilabas na ng DBM
  • Hailey Bieber: ‘I want to thank Selena for speaking out’
  • Tropang LOL, babu na sa ere; Face to Face, babalik at si Karla Estrada ang host?
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.