• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘Police asset,’ itinumba ng lalaking katagpo

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
January 18, 2023
in Balita, Metro, National / Metro
0
Itinaon sa Father’s Day: 80 taong gulang na ama, nag-suicide sa Cagayan?
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter


Isang lalaking umano’y asset ng pulis ang patay nang pagbabarilin ng lalaking kinatagpo niya sa tahanan ng isang kaibigan sa Port Area, Manila nitong Martes ng hapon.

Dead on the spot ang biktimang si Joel Graciano, 26, tricycle driver at walang permanenteng tirahan dahil sa tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, nakatakas naman ang suspek na nakilala lang na si alyas ‘Blondie,’ bitbit ang baril na ginamit sa krimen.

Lumilitaw sa isinagawang imbestigasyon ni PSSg Arvy Macarasig, may hawak ng kaso at nakatalaga sa Homicide Section ng Manila Police District (MPD), naganap ang insidente dakong alas-4:00 ng hapon sa bahay ng kaibigan ng biktima, sa 418 Block 15A Baseco Community sa Baseco Compound sa Port Area.

Nauna rito, dumating umano ang biktima sa bahay ng kaibigan nito, na isang saksi sa krimen, dakong alas-3:00 ng hapon at sinabing may hihintayin lamang siya.

Matapos naman ang may isang oras ay dumating na ang suspek at kinausap ang biktima.

Makalipas ang ilang minuto ay narinig na lang umano ng kaibigan ng biktima na sumisigaw ang suspek at sinasabing “T*ng in* ka Joel, asset ka ng pulis!”, kasunod ng mga putok ng baril.

Dahil sa takot na madamay ay nagtago umano ang kaibigan at nang makitang umalis na si Blondie ay pinuntahan niya ang biktima na duguan at patay na.

Tinutugis na ng mga otoridad ang suspek upang panagutin sa krimen. 

Previous Post

‘Power Duo,’ iwawagayway ang Pilipinas sa America’s Got Talent, ibabawi si Celeste Cortesi

Next Post

‘Lagot daw?’ Dani Barretto, nadadawit dahil sa isyung kinasasangkutan ni Alex Gonzaga

Next Post
‘Lagot daw?’ Dani Barretto, nadadawit dahil sa isyung kinasasangkutan ni Alex Gonzaga

'Lagot daw?' Dani Barretto, nadadawit dahil sa isyung kinasasangkutan ni Alex Gonzaga

Broom Broom Balita

  • Julia Montes, todo-suporta kay Kathryn Bernardo
  • Lala Sotto sa It’s Showtime: ‘A lot of people are suggesting to cancel the show’
  • Lala Sotto, ‘di raw makikialam sa MTRCB hinggil sa noontime shows
  • Kathryn baka matulak ulit si Dolly dahil sa sinabi nito
  • MTRCB, ilalabas daw desisyon sa apela ng It’s Showtime ngayong linggo
Julia Montes, todo-suporta kay Kathryn Bernardo

Julia Montes, todo-suporta kay Kathryn Bernardo

September 28, 2023
Lala Sotto sa It’s Showtime: ‘A lot of people are suggesting to cancel the show’

Lala Sotto sa It’s Showtime: ‘A lot of people are suggesting to cancel the show’

September 28, 2023
Lala Sotto, ‘di raw makikialam sa MTRCB hinggil sa noontime shows

Lala Sotto, ‘di raw makikialam sa MTRCB hinggil sa noontime shows

September 28, 2023
Kathryn baka matulak ulit si Dolly dahil sa sinabi nito

Kathryn baka matulak ulit si Dolly dahil sa sinabi nito

September 28, 2023
‘Due process’ ng MTRCB sa suspension ng It’s Showtime, idinetalye

MTRCB, ilalabas daw desisyon sa apela ng It’s Showtime ngayong linggo

September 28, 2023
Willie Revillame, niyaya raw ulit mag-senador

Willie Revillame, niyaya raw ulit mag-senador

September 28, 2023
Willie Revillame, ‘binanatan’; gumagamit daw ng taumbayan para yumaman

Willie Revillame, ‘binanatan’; gumagamit daw ng taumbayan para yumaman

September 28, 2023
Sey ng netizen sa pic nina Andrea, Halle: ‘Dyesebel meets Little Mermaid’

Sey ng netizen sa pic nina Andrea, Halle: ‘Dyesebel meets Little Mermaid’

September 28, 2023
‘Di pa kumakalma! Bulkang Mayon, nakapagtala pa ng 147 rockfall events

Bulkang Mayon, nagbuga pa rin ng mga bato

September 28, 2023
(Manila Bulletin File Photo)

Comelec control sa Socorro, Surigao del Norte ‘di na kailangan — Garcia

September 28, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.