• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Deanna Wong, mabait at hindi isnabera, patotoo ng isang delivery rider

Richard de Leon by Richard de Leon
January 17, 2023
in Balita, National/Sports, Showbiz atbp., Sports
0
Deanna Wong, mabait at hindi isnabera, patotoo ng isang delivery rider

Deanna Wong at Eduardo Batara, Jr. (Larawan mula kay Eduardo Batara, Jr. at Twitter ni Deanna Wong)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Isang delivery rider ang nagsabi at nagpatotoong mabait, palangiti, at hindi isnabera si Choco Mucho volleyball star player Deanna Wong, na malayo umano sa mga naging birada rito kamakailan.

Ibinahagi ni Eduardo Batara, Jr., isang delivery rider, ang selfie nila ni Deanna na siya palang customer na nag-book ng kaniyang serbisyo. Makikita ang kaniyang post sa Facebook page na “Homepaslupa Buddies 3.0”.

“Mabait naman siya ewan ko bakit di nagpa-pic sa inyo,” ayon sa caption ni Eduardo.

Deanna Wong at Eduardo Batara, Jr. (Larawan mula kay Eduardo Batara, Jr.)

Sa ngayon ay burado na raw ang post niya sa naturang FB page dahil nag-away-away ang mga netizeng imbyerna kay Deanna at mga tagahanga niya.

Mapalad na nakapanayam ng Balita Online si Batara at ibinahagi niya ang kaniyang engkuwentro kay Deanna.

“For me mukhang mabait naman siya. Ewan ko na lang sa iba. Noong na-pick up ko yung booking, akala ko nagkamali lang ako sa basa ng pangalan, noong tinanong ko yung nagpadala kung yung volleyball player yung mag-receive ayaw pa sabihin pero nang pagdating ko sa drop off area, nagulat na lang ako nang makita ko na siya nag-receive sa padala,” salaysay ni Batara.

“Ngiting-ngiti nga siya kasi mabilis kong nadala sa kaniya yung gamit niya, need niya raw sa training.”

“Napapanood ko na rin kasi ‘yan noong college pa lang siya kaya kilala ko talaga and tapos nag-viral pa nga dahil doon sa pag snob daw. Eh member kasi kami ng sister ko sa Homepaslupa kaya siya nag-udyok na i-share yung pic doon sa group. Hindi ko naman inasahan na ganun karami yung maging reaction ng mga naroon,” aniya pa.

Matatandaang naging isyu ang umano’y pang-iisnab ni Deanna sa isang nagpapa-picture na fan. Ipinagtanggol naman siya ng mga tagahanga niya, gayundin ang co-owner ng tour company na nag-asikaso sa kanila noong nagbakasyon sila sa El Nido, Palawan.

Co-owner ng tour company sa El Nido, ipinagtanggol si Deanna Wong: ‘Hindi siya snobbish!’
Tags: Deanna WongEduardo Batara Jr.
Previous Post

Dalawang LPA, namataan sa PAR

Next Post

‘Buko juice o ako?’ Dyosa Pockoh, ginaya si Ivana Alawi, may pabirong hirit

Next Post
‘Buko juice o ako?’ Dyosa Pockoh, ginaya si Ivana Alawi, may pabirong hirit

'Buko juice o ako?' Dyosa Pockoh, ginaya si Ivana Alawi, may pabirong hirit

Broom Broom Balita

  • Ryzza Mae Dizon, binalikan unang pagtapak sa Eat Bulaga, nagpasalamat sa programa at TVJ
  • Ruby Rodriguez may special message sa TVJ
  • ‘Tahimik lang!’ Alden Richards nagsalita na tungkol sa iniisyung sekswalidad
  • PRRD sa pagbibitiw ni VP Sara sa Lakas-CMD: ‘More to it than meets the eye’
  • Ruby Rodriguez: ‘Eat bulaga will forever be a part of me’
Ryzza Mae Dizon, binalikan unang pagtapak sa Eat Bulaga, nagpasalamat sa programa at TVJ

Ryzza Mae Dizon, binalikan unang pagtapak sa Eat Bulaga, nagpasalamat sa programa at TVJ

June 1, 2023
Ruby Rodriguez may special message sa TVJ

Ruby Rodriguez may special message sa TVJ

June 1, 2023
‘Tahimik lang!’ Alden Richards nagsalita na tungkol sa iniisyung sekswalidad

‘Tahimik lang!’ Alden Richards nagsalita na tungkol sa iniisyung sekswalidad

June 1, 2023
Auto Draft

PRRD sa pagbibitiw ni VP Sara sa Lakas-CMD: ‘More to it than meets the eye’

June 1, 2023
Ruby Rodriguez: ‘Eat bulaga will forever be a part of me’

Ruby Rodriguez: ‘Eat bulaga will forever be a part of me’

June 1, 2023
Auto Draft

PBBM, target ang 97.5% rice sufficiency sa 2028

June 1, 2023
Kauna-unahang high-powered hybrid rocket sa bansa, pinalipad ng student researchers mula sa Cebu!

Kauna-unahang high-powered hybrid rocket sa bansa, pinalipad ng student researchers mula sa Cebu!

June 1, 2023
Ex-Nueva Ecija Rep. Antonino, absuwelto sa graft, malversation case

Ex-Nueva Ecija Rep. Antonino, absuwelto sa graft, malversation case

June 1, 2023
Ice Seguerra sa TVJ: ‘Bakit ka mananatili sa isang relasyong hindi ka naman masaya’

Ice Seguerra sa TVJ: ‘Bakit ka mananatili sa isang relasyong hindi ka naman masaya’

June 1, 2023
PH red Cross, lumampas na sa target sa national COVID-19 vaccination drive

Higit 27,800 indibidwal, napagkalooban ng libreng medical assistance ng PRC

June 1, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.