• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp. Celebrities

Alex G, trending matapos umano’y ‘mambastos’ sa isang server sa kaniyang b-day paandar

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
January 18, 2023
in Celebrities, Showbiz atbp.
0

Screengrab via Twitter

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nahaharap sa kaliwa’t kanang pagkondena ng netizens ang TV personality at vlogger na si Alex Gonzaga matapos ang umano’y “bastos” na pagtrato sa isang server sa naganap na selebrasyon ng kaniyang kaarawan nitong Lunes.

Nagdiriwang ng kaniyang ika-35 kaarawan ang sikat na Gonzaga kasama ang asawa na si Mikee Morada, malalapit na kaibigan, at online personalities base sa kaniyang serye ng mga Facebook at Instagram stories.

Basahin: LOL! Putol si Alex G: Luis Manzano, binati ang kaarawan ng tropang nagdiriwang ng kaarawan – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang dapat sana’y masayang okasyon lang ay nabahiran ngayon ng kontrobersiya dahil sa mabilis na pagkalat ng nasa labintatlong segundong video online.

I guess masama talaga ang ugali nya. That wasn’t funny. Ni hindi nya naman kilala yungs server (he looks like a server). Bastos. pic.twitter.com/REXmeFLZm4

— ricci (@ricci_richy) January 16, 2023

Sobrang bastos. 🤮pic.twitter.com/2kf3SiRUAr

— Vin | money deprived (@vin_cantrophe) January 16, 2023

@Mscathygonzaga pinahid mo sana sa asawa mo 🤦🏻🤢 pic.twitter.com/3J3d11T4r1

— ʍ乇ω⚘゚ (@Shortee3MEW) January 16, 2023

Gaganti ako kung ako kung ako yung pinahiran. pic.twitter.com/wsXwTId0Yz

— 𝙥𝙖𝙪𝙡𝙤𝙞𝙣𝙢𝙖𝙣𝙞𝙡𝙖.𝙤𝙛𝙛𝙞𝙘𝙞𝙖𝙡 (@pauloMDtweets) January 16, 2023

Dito makikita ang aktres, kasama ang mister sa frame, na kinakantahan ng tradisyunal na birthday chant ng kaniyang mga bisita.

Sumunod ang ilang segundo, inihipan ni Alex ang kandila sa kanyang cake, at ang ikinagulat ng lahat—biglang dumakot ng cake ang aktres at walang anu-ano’y ipinahid sa bandang noo ng isang serbidor.

Para sa maraming netizens, “bastos” umano ang naging gawi ni Alex dahilan para kondenahin na siya online. Ilan pa ang nakisimpatya sa anila’y naramdaman ng lalaki sa video sa harap pa ng ilang mga kaibigan ng aktres.

Whenever I start to criticize myself harshly, I simply remind myself that Alex Gonzaga exists and that if someone who has no discernable talent, intelligence, manners, or moral fiber is allowed to waste oxygen then I'm pretty much safe.

— HEPA BABY (@Watdahel_MarceI) January 16, 2023

yung asawa ni alex gonzaga, na-real talk na kaya yon ng mga kaibigan nya? ano ba nakita niya sa babaeng yon na napakabaho ng ugali

— miss scor (@scorsaguin) January 16, 2023

Anong klaseng asal 'to, Alex Gonzaga? Close ba kayo ng lalaking humawak ng cake mo para ganyanin mo siya? Sobrang bastos. Not funny at all. Hindi kasama sa bayad mo sa kanya ang pambabastos!!! pic.twitter.com/szkyaaDS9I

— JULIANA 🌻 (@aryanapequeno) January 16, 2023

alex gonzaga is that type of person who thinks nadadaan lang sa joke ang lahat. she thinks she's being funny when in fact she's actually rude, insensitive, and disrespectful. apaka bastos https://t.co/ogGJb5aApq

— Bonn (@BonnMalbert) January 16, 2023

Maging ang kilalang online digital creator na si Janina Vela ay inilarawan ding hindi katanggap-tanggap ang insidente.

“Siguro mas-acceptable ito kung ka-close mo yung tao, pero dahil sa ‘power dynamics’ dito —Kuya as the server and Ms. Alex as the served— hindi niya magagawa yun,” ani Janina sa tweet kalakip ang viral video.

“Service workers are our equals. It’s their job to serve, but it’s our job to give them the respect they deserve,” pagpupunto niya.

Siguro mas-acceptable ito kung ka-close mo yung tao, pero dahil sa “power dynamics” dito —Kuya as the server and Ms. Alex as the served— hindi niya magagawa yun ☹️

Service workers are our equals. It’s their job to serve, but it’s our job to give them the respect they deserve. https://t.co/6i7wZHDLcQ

— Janina Vela (@janinavela) January 16, 2023

Trending topic sa Twitter ang “bastos,” ang TV personality at kaniyang mister. Kaliwa’t kanang pagkondena ang patuloy na tinatamo ng online vlogger sa ngayon.

Sa pag-uulat, wala pang tugon si Alex, o ang kaniyang mister ukol sa isyu.

Tags: Alex Gonzagatrendingtwitter
Previous Post

Presyo ng produktong petrolyo, may dagdag-bawas sa Enero 17

Next Post

Sandra Cam, anak inabsuwelto ng hukuman sa murder

Next Post
Sandra Cam, anak inabsuwelto ng hukuman sa murder

Sandra Cam, anak inabsuwelto ng hukuman sa murder

Broom Broom Balita

  • Kongreso, ‘wag matakot busisiin ang confidential funds ng OVP — De Lima
  • Donnalyn Bartolome, nominadong ‘Best Content Creator’
  • Viy Cortez, ‘kating-kati’ nang magpakasal kay Cong; Kidlat, na-ospital?
  • ‘Wrong grammar’ instructions sa isang post-nuptial shoot, kinaaliwan
  • Ivana at Andrea, may hugot: ‘Lagi na lang kaming pinaglalaruan’
Leila de Lima sa paggunita ng Ninoy Aquino Day: ‘Di pa tapos ang laban ni Ninoy’

Kongreso, ‘wag matakot busisiin ang confidential funds ng OVP — De Lima

September 27, 2023
Donnalyn Bartolome, nominadong ‘Best Content Creator’

Donnalyn Bartolome, nominadong ‘Best Content Creator’

September 27, 2023
Viy Cortez, ‘kating-kati’ nang magpakasal kay Cong; Kidlat, na-ospital?

Viy Cortez, ‘kating-kati’ nang magpakasal kay Cong; Kidlat, na-ospital?

September 27, 2023
Auto Draft

‘Wrong grammar’ instructions sa isang post-nuptial shoot, kinaaliwan

September 27, 2023
Ivana at Andrea, may hugot: ‘Lagi na lang kaming pinaglalaruan’

Ivana at Andrea, may hugot: ‘Lagi na lang kaming pinaglalaruan’

September 27, 2023
Ryan Bang, sasalang sa ‘Bubble Gang’

Ryan Bang, sasalang sa ‘Bubble Gang’

September 27, 2023
GMA Network, ipinaliwanag ang magiging papel ng AI sportscasters

GMA Network, ipinaliwanag ang magiging papel ng AI sportscasters

September 27, 2023
Mariel, nag-react sa aksidenteng pagbulaga ng ‘alaga’ ni Robin sa live selling

Mariel, nag-react sa aksidenteng pagbulaga ng ‘alaga’ ni Robin sa live selling

September 27, 2023
‘Alaga’ ni Robin nag-hello sa live selling ni Mariel; Ogie, may ‘patotoo’

‘Alaga’ ni Robin nag-hello sa live selling ni Mariel; Ogie, may ‘patotoo’

September 27, 2023
Vice Ganda, ‘namalengke’ ng kotse matapos maaksidente

Vice Ganda, ‘namalengke’ ng kotse matapos maaksidente

September 27, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.