• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Tindero ng isdang pang-aquarium, pinuri matapos ibalik sa may-ari ang napulot na cellphone

Richard de Leon by Richard de Leon
January 14, 2023
in Balita, Features
0
Tindero ng isdang pang-aquarium, pinuri matapos ibalik sa may-ari ang napulot na cellphone

Leopoldo Geronimo, Jr. at Dennys Mahinay (larawan mula sa FB/Leopoldo Geronimo, Jr.)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nalugod ang puso ng mga netizen sa ipinakitang katapatan ng isang tindero ng mga isdang pang-aquarium matapos niyang ibalik ang nalaglag na cellphone sa tunay na may-ari nito, na naganap sa PHILCOA, Quezon City nitong Biyernes, Enero 13.

Ayon sa Facebook post ni “Leopoldo V. Geronimo Jr.” mula sa Barangay Tungkong Mangga, San Jose Del Monte, Bulacan, pababa siya sa isang overpass nang mapag-alaman niyang nawawala na ang kaniyang cellphone matapos kapain ang kaniyang bulsa.

Bumalik siya sa kaniyang mga dinaanan upang hanapin ito subalit hindi na niya natagpuan. Maya-maya, nilapitan siya ng tinderong nakilala sa pangalang “Dennys Mahinay”. Walang pag-aalinlangang ibinalik sa kaniya ang cellphone na napulot nito. Nalaglag pala mula sa kaniyang pagkakasukbit sa bulsa ang kaniyang mobile phone.

Narito ang buong post ni Leopoldo:

“Shout-out po kay Kuya DENNYS MAHINAY na nakapulot ng cellphone ko.. Pababa na po sana ako ng overpass sa may Philcoa ng dudukutin ko sana sa aking bulsa ang aking celphone, subalit nawawala pala ito… Tumalikod ako at babalikan ko sana ang aking dinaanan sabay ang sambit na ‘Hala ang cellphone ko nawawala” na narinig pala ni Kuya at walang alinlangang ibinalik sa akin ang cellphone…”

“Maraming salamat po Kuya Dennys at pagpalain Nawa kayo ng ating Dakilang Lumikha…”

Screengrab mula sa FB ni Leopoldo Geronimo, Jr.

Bumuhos naman ang papuri ng mga netizen para kay Dennys.

“Good Samaritan!”

“Ay bait naman ni Kuya. Sa hirap ng buhay ngayon, siguro kung iba lang ang nakapulot niyan, wala na iyan.”

“Mabait at tapat si Kuya. God bless sir!”

“Maraming salamat Denny’s Mahinay pagpalain po kayo. Proud dapat maging tapat na po tayo!!”

“Great job, Kuya!”

“Great job Kuya Dennys you’re a good example to us… GOD bless you more, guide and protect and your family always…”

Ayon sa ekslusibong panayam ng Balita Online kay Leopoldo, labis na nagagalak ang kaniyang puso dahil bukod sa nabalik sa kaniya ang cellphone, pinatunayan ni Kuya Dennys na may mga tao pa ring kagaya niya na may mabubuti at tapat na puso.

“Sobrang saya ko po ng mga sandaling iyon, kasi naisip ko kung tuluyang nawala ang celphone ko, bibili na naman ako ng bago at mababawasan ang ipon ko para sana sa mas mahalagang bagay,” ani Geronimo.

“Kaya sobrang thankful po ako kay Kuya Dennys dahil personal kong karanasan na may mga tao pa palang katulad niya na hindi nag-atubiling ibalik ang hindi niya pag-aari.”

Good job, Dennys!

Tags: cellphoneDennys MahinayhonestyLeopoldo Geronimo Jr.
Previous Post

₱1k polymer banknote na naplantsa ng may-ari, dinala na sa BSP; papalitan kaya?

Next Post

Liza Soberano, nag-ala Miss Universe; sasabak nga ba sa pageant?

Next Post
Liza Soberano, nag-ala Miss Universe; sasabak nga ba sa pageant?

Liza Soberano, nag-ala Miss Universe; sasabak nga ba sa pageant?

Broom Broom Balita

  • ‘Para sa OG balut vendors:’ Isang tindahan ng grilled balut sa Batangas, nag-sign off na
  • Mahigit 10,000 litro ng oily water mixture, nakolekta ng PCG
  • John Riel Casimero, ibinenta ang WBO belt sa halagang ₱1.2M
  • PNR, may 4-araw na tigil-operasyon sa Mahal na Araw
  • Maja Salvador, ‘di lalayas sa Eat Bulaga
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.