• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Negosyante na 15 taon nang tumataya sa lotto, kumubra ng napanalunang ₱114-M jackpot prize sa PCSO

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
January 12, 2023
in Balita, National / Metro
0
Jackpot prize ng Mega Lotto 6/45, aabot na sa ₱61.5M; Grand Lotto 6/55, ₱58M naman!

FILE PHOTO BY JANSEN ROMERO (MANILA BULLETIN)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kinubra na ng isang negosyante na mula sa Sto. Domingo, Nueva Ecija ang napanalunan niyang mahigit sa ₱114 milyong jackpot prize ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) MegaLotto 6/45.

Sa isang pahayag ng PCSO nitong Huwebes, nabatid na Enero 3 nang magtungo sa kanilang main office sa Mandaluyong City ang lucky winner upang kubrahin ang napanalunang jackpot prize na ₱114,327,454.00 sa Mega Lotto 6/45 na binola noong Disyembre 23, 2022.

Ibinunyag ng bagong lotto millionaire na may 15 taon na siyang mananaya ng lotto at ang kanyang winning combination ay binubuo ng kanyang mga paboritong numero.

Lubos naman ang pasalamat ng lotto winner sa Panginoon dahil sa kanyang pagkapanalo.

“Lubos akong nagpapasalamat sa PCSO at sa Panginoon sa pagkapanalo ko sa lotto. Di ko po inasahan na sa ganitong panahon ko mapapanalunan ang jackpot, tamang-tama magpapasko pa yun. Hindi ko po maipaliwanag ang aking nararamdaman,” aniya.

Plano umano niyang gamitin ang premyong napanalunan sa pagtulong sa kapwa at pagpapalago ng kanyang negosyo.

Magtatabi rin umano siya para sa kinabukasan ng kanilang pamilya.

“Sa totoo lang po, naging maayos naman po ang naging takbo ng buhay ko. Nakita ko ang pangangailangan ng aking mga kababayan at napagpasyahan ko po na unahing ipantulong ang makukuha kong premyo mula sa lotto. Ipagpapatuloy ko rin at palalaguin ang aking mga negosyo at syempre mag-iipon para sa kinabukasan ng aking pamilya,” aniya.

Pinayuhan rin ng lotto winner ang gaming public na patuloy na tangkilikin ang mga palaro ng PCSO.

“Payo ko lang po sa mga katulad ko na tumatangkilik sa mga palaro ng PCSO ay ipagpatuloy lang ang kanilang pagtaya sa lotto dahil hindi natin alam kung kailan darating ang ating swerte. Ang bawat perang ginagamit natin sa pagtangkilik ng lotto ay napupunta din sa mga programa ng PCSO para sa mga nangangailangan nating kababayan,” aniya pa.

Tags: lottoMegaLotto 6/45.
Previous Post

Game 7 ticket holders, may free rides papuntang Philippine Arena — PBA

Next Post

Piyansa, pinagtibay: Mosyon ni Deniece Cornejo na ikulong ulit si Vhong Navarro, ibinasura ng korte

Next Post
‘Face-off’ nina Vhong Navarro, Deniece Cornejo, itinakda next week

Piyansa, pinagtibay: Mosyon ni Deniece Cornejo na ikulong ulit si Vhong Navarro, ibinasura ng korte

Broom Broom Balita

  • PCSO: Jackpot prizes ng GrandLotto 6/55 at MegaLotto 6/45, sabay napanalunan!
  • LPA na namataan sa silangan ng Eastern Visayas, ganap nang bagyo
  • Kambyo ni Sen. JV: ‘We shouldn’t bash the talents of the new EB’
  • Paglipat ng TVJ, iba pang OG Eat Bulaga hosts sa TV5 hindi pa kasado
  • 74 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon
Jackpot prize ng Mega Lotto 6/45, aabot na sa ₱61.5M; Grand Lotto 6/55, ₱58M naman!

PCSO: Jackpot prizes ng GrandLotto 6/55 at MegaLotto 6/45, sabay napanalunan!

June 6, 2023
LPA na namataan sa silangan ng Eastern Visayas, ganap nang bagyo

LPA na namataan sa silangan ng Eastern Visayas, ganap nang bagyo

June 6, 2023
Kambyo ni Sen. JV: ‘We shouldn’t bash the talents of the new EB’

Kambyo ni Sen. JV: ‘We shouldn’t bash the talents of the new EB’

June 6, 2023
Paglipat ng TVJ, iba pang OG Eat Bulaga hosts sa TV5 hindi pa kasado

Paglipat ng TVJ, iba pang OG Eat Bulaga hosts sa TV5 hindi pa kasado

June 6, 2023
Bulkang Mayon, itinaas sa Alert Level 2

74 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon

June 6, 2023
Alexa Miro, flinex pa-misa ng TAPE, Inc. sa pagbabalik ng Eat Bulaga

Alexa Miro, flinex pa-misa ng TAPE, Inc. sa pagbabalik ng Eat Bulaga

June 6, 2023
Auto Draft

US Embassy in Manila, ‘proud’ na idinisplay Progress Pride Flag

June 6, 2023
Manager ni Kuya Kim, sinagot kung kasama ba ang alaga sa bagong Eat Bulaga

Manager ni Kuya Kim, sinagot kung kasama ba ang alaga sa bagong Eat Bulaga

June 6, 2023
Buking ni Bea Alonzo: isa sa ex niya, pinapag-weighing scale siya

Buking ni Bea Alonzo: isa sa ex niya, pinapag-weighing scale siya

June 6, 2023
Cagayan, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Negros Occidental, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

June 6, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.