• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp. Celebrities

‘Di madadala sa langit? Netizens, rambol ang reaksyon sa higit P20-M limited edition bag ni Heart

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
January 7, 2023
in Celebrities, Features, Showbiz atbp.
0
‘Di madadala sa langit? Netizens, rambol ang reaksyon sa higit P20-M limited edition bag ni Heart

Heart Evangelista/Facebook

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

As usual, sari-saring reaksyon muli ang inani ng fashion socialite at tinaguriang “crazy rich Asian” na si Heart Evangelista kasunod ng naispatang milyones na halagang limited edition na luxury handbag.

Bago lumipad ng Japan nitong New Year, nakita na ng milyun-milyong followers ni Heart ang kaniyang Hermes Neige Faubourg Birkin 20 White Matte Alligator Handbag na ikinaloka ng fashion enthusiasts.

Ayon sa luxury fashion store na online fashion store na Maison de Luxe, kumpirmadong ang halaga ng naturang bag ay nasa tumataginting na P20,611,534.29 o higit pa, kagaya ng mga naunang hinuha ng followers ng aktres.

View this post on Instagram

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)

Basahin: Crazy rich Asian: Limited edition Hermes bag ni Heart, tumataginting na P20.6-M ang halaga! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Literal na isang crazy rich Asian lang ang kayang maka-afford nito!

Samantala, matapos umani ng atensyon ang paandar na bag ni Heart, sari-saring komento naman ang tinamo ng aktres mula sa tila bantay-saradong netizens.

Habang ang ilan ay sang-ayon na deserve na deserve ni Heart na ma-spoil ang sarili dahil sa kaliwa’t kanang raket nito sa loob at sa labas ng bansa, ilan pa rin ang nasa posisyon ng panghihinayang sa labis-labis na rangya at halaga umano ng isang pirasong bag na sana’y nailaan na lang sa mas makabuluhan paggasta, anila.

“Wala tayong pakialam kahit ano pa ang bilhin ni heart isa pa pinaghirapan nya yan di naman nakaw ang iba nga dyan panay display ng mamahaling gamit galing naman sa kurapsyon at nakaw, maging masaya na lang tayo para sa kanya kung baga mind ur own bisnis na lang at ang ating sariling buhay ang bantayan lol,” depensa ng isang follower ng Balita sa fashion socialite.

“That’s her way to enjoy her life at pinaghirapan nya din naman ang ipinambili nyan…what a feeling,😍😁” segunda ng isa pa.

“Investment nya talga ang branded bags at alahas. Kasi mas madali to ibenta at sa linya ng trabaho nya. Apaka mo talaga Heart E!”

“Anyone can buy anything she wants as long as she worked hard for it.”

“Expensive or not the thing you buy just to make you happy is what make you most .”

Pag-angal naman ng ilan: isang kahibangan umano ang pagbili ng milyones na halaga ng bag.

“Kung ako may ganyan, sa lupa q i-invest. Kahit bilhin ko lahat ng lupa sa Pinas kesa sa bag,” pagbibigay saloobin ng isang netizen sa parehong istorya ng Balita.

“A fraction of that amount could feed hungry street children. Kahit tuwing pasko lng sana.”

“Malaking kalokohan yan hndi tanga mga tao!”

“Sana itulong na lang sa iba sa mahihirap.”

“Ultimate b*b* at t*ng* lang bibili ng bag na 20M!”

“Very extravagant! An outrageous price of a bag for what?”

“Kahit gaano pa kamahal ‘yan, ‘pag natigok ka, ‘di mo madadala ‘yan [sa langit]!”

Mula noon, kilala at hindi maikakailang kontrobersyal na ang magarbo at pagkahilig ni Heart sa mga mamahalin at branded na mga bag na aniya’y naging investment niya na rin dahil sa kaniyang linya ng trabaho bilang aktres at fashion model.

Tags: Heart Evangelista EscuderoHermes Neige Faubourg Birkin 20 White Matte Alligator Handbagnetizens
Previous Post

Higit ₱2 rollback sa presyo ng diesel sa Enero 10

Next Post

Kabayan Noli De Castro, balik-TV Patrol sa Lunes

Next Post
Kabayan Noli De Castro, balik-TV Patrol sa Lunes

Kabayan Noli De Castro, balik-TV Patrol sa Lunes

Broom Broom Balita

  • Korte Suprema, pinayagan si Ressa na magpunta ng ibang bansa sa Hunyo 4 hanggang 29
  • 2 biktima umano ng trafficking, nasagip sa CIA
  • ‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz
  • Anti-gay bill, nilagdaan na ng Pangulo ng Uganda
  • Carla Abellana, hiniritan nang sumunod sa engagement ni LJ Reyes
CBCP, binati si Maria Ressa sa Nobel Peace Prize award

Korte Suprema, pinayagan si Ressa na magpunta ng ibang bansa sa Hunyo 4 hanggang 29

May 30, 2023
TikTok account, dagdag solusyon ng BI vs human trafficking

2 biktima umano ng trafficking, nasagip sa CIA

May 30, 2023
‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz

‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz

May 30, 2023
Anti-gay bill, nilagdaan na ng Pangulo ng Uganda

Anti-gay bill, nilagdaan na ng Pangulo ng Uganda

May 30, 2023
Carla Abellana, hiniritan nang sumunod sa engagement ni LJ Reyes

Carla Abellana, hiniritan nang sumunod sa engagement ni LJ Reyes

May 30, 2023
Lolit, may pasaring kay Willie: ‘Lahat ng bagay meron siyang complaints’

Lolit, may pasaring kay Willie: ‘Lahat ng bagay meron siyang complaints’

May 30, 2023
Kapamilya singer Elha Nympha, tumalak: ‘Pag cheater, cheater periodt walang echos echos gow!’

Kapamilya singer Elha Nympha, tumalak: ‘Pag cheater, cheater periodt walang echos echos gow!’

May 30, 2023
Listahan ng mga senior citizen sa Maynila, ipinapa-update ni Lacuna

MPD-SMaRT, pinuri ni Lacuna sa muling pagkaaresto sa puganteng Koreano

May 30, 2023
4 na suspek, arestado para sa pagnanakaw ng aabot sa P300K halaga ng construction materials sa Maynila

2 wanted sa carnapping, rape natugis ng otoridad sa Pasay City

May 30, 2023
Hinihinalang biktima ng salvage, lalaki itinapon sa isang sapa sa Batangas

Kasambahay, natagpuang patay sa bahay ng sariling amo sa Sampaloc, Maynila

May 30, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.