• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp. Celebrities

Dave Bautista, in-unfriend si Pacquiao matapos ang ‘masahol pa sa hayop’ na pahayag vs LGBTQ+

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
January 7, 2023
in Celebrities, Showbiz atbp.
0
Dave Bautista, in-unfriend si Pacquiao matapos ang ‘masahol pa sa hayop’ na pahayag vs LGBTQ+

Manny Pacquiao/IG (kaliwa), Dave Bautista/IG (kanan)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ito ang isa sa trending na usapan ngayon online matapos ibahagi kamakailan ng wrestler-turned-actor na si Dave Bautista ang pagtakip ng isang burda sa katawan na noo’y laan sa koponan ni People’s Champ Manny Pacquiao.

Sa kamakailang GQ feature, tampok sa panayam sa Hollywood star ang ilang kuwento sa likod ng kaniyang naglalakihang tattoo.

Partikular namang pinag-usapan ng Pinoy netizens ang buradong tattoo ng aktor sa bandang bisig nito na bagaman ay hindi nabanggit ni Dave ang boxing star ay napag-alamang si Pacquiao ang tinutukoy ayon sa isang ulat.

“It used to be a team logo, I was part of a team of a person I considered a friend and someone I really looked up to and then he later came out publicly with some anti-gay statements,” ani Dave sa naturang panayam na ibinahagi sa YouTube, Huwebes.

Sa mga laban noon ng Pinoy boxing champ, matatandaang ilang beses na naispatan sa koponan ni Pacquiao ang wrestling star.

Paliwanag niya, isang personal na isyu ang mabigat na pahayag noon ni Pacquiao lalo’t ang kaniyang ina ay bahagi rin ng LGBTQ+ community.

“[He] turned out to be an extreme homophobe and I had a huge issue with it. It’s a personal issue with me, my mom is a lesbian, and I just could no longer call him a friend,” anang isa ring sports champ.

Matatandaan ang malawakang pagkondena sa pahayag ni Pacquaio laban sa LGBTQ+ noong 2016 nang ilarawan sila ng relihiyusong politiko bilang “mas masahol pa sa hayop.”

Kabilang sa mga hindi natuwa rito si Dave na sinabing “f*cking idiot” ang naturang pahayag ng noo’y kaibigan. “If anyone called my mother an animal, I’d stick my foot in his ass,” aniya pa noon.

Ang “Guardians of the Galaxy” star bagaman dismayado, ay kinilala rin noon ang kaibahan ng personal na pananaw ni Pacquiao kabilang na sa sensitibong usapin sangkot ang sektor ng LGBTQ+.

Wala pang pahayag si Pacquiao ukol sa viral na pahayag ng dating kaibigan.

Tags: Dave BautistaLGBTQIA+ communitymanny pacquiao
Previous Post

Taas-presyo, matutuldukan na? Gov’t, mag-i-import na ng sibuyas — DA

Next Post

Sofia Andres at Daniel Miranda, going strong; Netizens, hindi na raw mag-ooverthink

Next Post
Sofia Andres at Daniel Miranda, going strong; Netizens, hindi na raw mag-ooverthink

Sofia Andres at Daniel Miranda, going strong; Netizens, hindi na raw mag-ooverthink

Broom Broom Balita

  • ‘Sorry Rapunzel, iksi ng buhok mo!’ Vice Ganda, flinex kasweetan ni Ion
  • Pope Francis, nakatakdang ma-discharge sa ospital sa Sabado
  • Madam Inutz, bet banggain sina Rosmar, Glenda
  • Vice Ganda, Anne Curtis, Maja Salvador, at Daniel Padilla magiging hurado sa PGT?
  • ‘Para ‘di mag-abroad’: Zubiri, nanawagang itaas ang sahod ng nurses
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.