• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘1 kilong sibuyas yarn?’ Netizens, napa-hanash sa ₱500 parking fee sa isang resto sa Pasay City

Richard de Leon by Richard de Leon
January 7, 2023
in Balita, Features
0
‘1 kilong sibuyas yarn?’ Netizens, napa-hanash sa ₱500 parking fee sa isang resto sa Pasay City

Larawan mula sa FB ni James Deakin/Pixabay

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nanlaki ang mga mata ng netizens sa ibinahaging litrato ng isang blogger na si “James Deakin” na nagsasaad sa bayad ng parking space sa isang seaside dampa sa Pasay City.

Mababasa sa karatula na ₱500 raw ang bayad sa non-customers na magpa-park ng kanilang sasakyan sa tapat ng kanilang establisyimiento.

Ayon pa sa ulat, napag-alaman din na may dagdag umano itong ₱300 sa bawat oras na magtatatagal ito.

“Rumor has it that they also take onions as payment,” pabirong banat ng blogger-social media personality sa kaniyang Facebook post.

Inulan naman ito ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

“Approved kaya ito ng city and local government units.. Malupet!”

“Kung private company naman ‘yan, allowed naman yata, parang sa mga bangko rin. Nawawalan ng parking area yung mismong mga customers.”

“Ganyan nga sa may seaside na try namin dati, need mo lang magpa validate sa pinagkainan mo sa loob para di ka magbayad ng 500 for parking.”

“Feeling ko badtrip na sila kakasaway ng mga non-customer na nakiki-free park sa kanila wehehehe.”

“It’s their way po para maiwasan na mag-park doon mga non-customer, in short priority nila mga customer which is tama naman, usually kasi mas matagal pa mag-park mga non-customer.”

“Tama lang ‘yan, experience ko ‘yan sa Baclaran hirap maghanap ng parking area kung kumain sa restaurant, wala naman tao sa restaurant pero yong parking area nila puno.”

“Sibuyas na lang i-parking diyan hahahaha.”

Tags: James Deakinparking feepasay cityseaside dampa
Previous Post

‘Sana mahiram ko naman!’ Carlo Aquino, bet nang makita, makasama ulit ang anak

Next Post

Taas-presyo, matutuldukan na? Gov’t, mag-i-import na ng sibuyas — DA

Next Post
Taas-presyo, matutuldukan na? Gov’t, mag-i-import na ng sibuyas — DA

Taas-presyo, matutuldukan na? Gov't, mag-i-import na ng sibuyas -- DA

Broom Broom Balita

  • Gasolina, diesel may dagdag-presyo sa Hunyo 13
  • Jeepney driver, dead on the spot nang barilin sa Batangas
  • Malacañang, kinilala ang LGBTQ+ community ngayong Pride Month
  • Karla, humingi ng paumanhin sa paggamit ng ‘Bagong Hukbong Bayan’
  • DSWD chief, sumugod sa Albay sa gitna ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon
Gasolina, diesel may dagdag-presyo sa Hunyo 13

Gasolina, diesel may dagdag-presyo sa Hunyo 13

June 10, 2023
Itinaon sa Father’s Day: 80 taong gulang na ama, nag-suicide sa Cagayan?

Jeepney driver, dead on the spot nang barilin sa Batangas

June 10, 2023
Malacañang, pinabulaanan kumakalat na memo hinggil sa pagbabawas ng sahod sa govt employees

Malacañang, kinilala ang LGBTQ+ community ngayong Pride Month

June 10, 2023
Karla, humingi ng paumanhin sa paggamit ng ‘Bagong Hukbong Bayan’

Karla, humingi ng paumanhin sa paggamit ng ‘Bagong Hukbong Bayan’

June 10, 2023
DSWD chief, sumugod sa Albay sa gitna ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

DSWD chief, sumugod sa Albay sa gitna ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

June 10, 2023
Artist, gumawa ng 3D artwork ng mga pera sa ‘Pinas

Artist, gumawa ng 3D artwork ng mga pera sa ‘Pinas

June 10, 2023
Karla Estrada ibinidang army reservist na siya: ‘Hindi ako basta mamshie!’

Karla Estrada ibinidang army reservist na siya: ‘Hindi ako basta mamshie!’

June 10, 2023
4 batang nawala sa loob ng 40 araw sa Colombian Amazon, natagpuang buhay

4 batang nawala sa loob ng 40 araw sa Colombian Amazon, natagpuang buhay

June 10, 2023
Bagong lava dome, nadiskubre sa bunganga ng Mayon Volcano

Bagong lava dome, nadiskubre sa bunganga ng Mayon Volcano

June 10, 2023
‘Not true, misleading!’ Maine pinabulaanang itetelevise kasal nila ni Arjo

‘Not true, misleading!’ Maine pinabulaanang itetelevise kasal nila ni Arjo

June 10, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.