• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

QCPD, sinira ang nasa P800K halaga ng ipinagbabawal na paputok, pyrotechnics

Balita Online by Balita Online
December 31, 2022
in Balita, National / Metro
0
QCPD, sinira ang nasa P800K halaga ng ipinagbabawal na paputok, pyrotechnics

Larawan mula QCPD

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Sinira ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga nakumpiskang paputok at pyrotechnics na nagkakahalaga ng P810,697 sa Camp Karingal, Sikatuna Village, Quezon City nitong Sabado, Disyembre 31.

Nasamsam ang mga paputok at pyrotechnics mula sa 58 operasyong isinagawa ng 16 na istasyon at unit ng pulisya sa Quezon City mula Disyembre 20 hanggang 30.

Sinabi ng QCPD na ang pagkumpiska at pagsira ng paputok ay ginawa ng mga miyembro ng Explosive and Ordnance Division (EOD), QCPD, at Bureau of Fire Protection (BFP) alinsunod sa kampanyang “Ligtas Salubong 2023”.

Nanawagan si QCPD director Brig. Gen. Nicolas D. Torre III sa publiko na makiisa sa kampanya ng Ligtas Salubong 2023 para sa mas ligtas at maayos na pagdiriwang ng kapaskuhan.

Kabilang sa mga nakumpiskang paputok at pyrotechnics ay ang Picollo, Poppop, Five Star, Pla-pla, Ginat Whistle Bomb, Atomic Bomb (Super Lolo), Atomic Triangle (Goodbye Bading), at large Judas Belt (Goodbye Philippines).

Ang mga may-ari ng paputok ay kinasuhan ng paglabag sa Republic Act 7183 (An Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution and Use of Firecrackers and other Pyrotechnic devices) at City Ordinance No. SP 2618, S-2017 na nagbabawal sa paggamit ng paputok at pyrotechnic mga kagamitan sa lahat ng pampublikong lugar sa Quezon City.

“Nagpapasalamat po kami sa ating mamamayan na sumunod sa ating ipinatutupad na batas at regulasyon ngunit mayroon pa rin pong mangilan-ngilan na matitigas ang ulo na halos sa mga public market nagbebenta ay hindi makakalusot sa batas, kung kaya’t hindi kami nag-atubiling kumpiskahin. ang mga nasabing ipinagbabawal na paputok,” ani Torre III.

Alinsunod sa pagdiriwang ng Bagong Taon, pinaalalahanan ni Torre III ang mga pulis na iwasan ang indiscriminate firing.

Ang mga pulis na lalabag sa utos ay kakasuhan ng criminal offense at agad na tatanggalin sa serbisyo, iginiit niya.

Diann Calucin

Tags: paputokQCPD
Previous Post

Kasama pamilya: Marcos, magdiriwang ng Bagong Taon sa Malacañang

Next Post

Jones Bridge, isasara sa pagsalubong ng Bagong Taon ngayong Sabado

Next Post
Jones Bridge, isasara sa pagsalubong ng Bagong Taon ngayong Sabado

Jones Bridge, isasara sa pagsalubong ng Bagong Taon ngayong Sabado

Broom Broom Balita

  • Romualdez, nakiramay sa pagpanaw ni Bayani Fernando
  • 2,000 residente, na-rescue sa pagbaha sa Zamboanga
  • ‘Super Bass’ challenge nina Melai at mga anak, kinaaliwan ng netizens!
  • Cagayan, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol
  • ‘Scubasurero’: PCG, nagsagawa ng coastal clean-up op sa La Union
Romualdez, nakiramay sa pagpanaw ni Bayani Fernando

Romualdez, nakiramay sa pagpanaw ni Bayani Fernando

September 22, 2023
2,000 residente, na-rescue sa pagbaha sa Zamboanga

2,000 residente, na-rescue sa pagbaha sa Zamboanga

September 22, 2023
‘Super Bass’ challenge nina Melai at mga anak, kinaaliwan ng netizens!

‘Super Bass’ challenge nina Melai at mga anak, kinaaliwan ng netizens!

September 22, 2023
Cagayan, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

Cagayan, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

September 22, 2023
‘Scubasurero’: PCG, nagsagawa ng coastal clean-up op sa La Union

‘Scubasurero’: PCG, nagsagawa ng coastal clean-up op sa La Union

September 22, 2023
Mga sakit na posibleng makuha sa volcanic smog

Mga sakit na posibleng makuha sa volcanic smog

September 22, 2023
Ramon Ang: ‘Yung pera hindi yun measurement ng success… huwag mong diyo-diyosin ang pera’

Ramon Ang: ‘Yung pera hindi yun measurement ng success… huwag mong diyo-diyosin ang pera’

September 22, 2023
Dating congressman, MMDA chief Bayani Fernando, pumanaw na

Dating congressman, MMDA chief Bayani Fernando, pumanaw na

September 22, 2023
BOC, nagbabala vs scammer na ’empleyado’ ng ahensya

BOC, nagbabala vs scammer na ’empleyado’ ng ahensya

September 22, 2023
Jackpot prize ng Mega Lotto 6/45, aabot na sa ₱61.5M; Grand Lotto 6/55, ₱58M naman!

Pasigueño wagi sa Lotto 6/42

September 22, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.