Magdiriwang si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ng Bagong Taon sa Malacañang, kasama ang kanyang pamilya.
Ito ang inihayag ng Office of the Press Secretary (OPS) nitong Sabado.
Ito rin ang unang pagkakataong magdiriwang ng Bagong Taon si Marcos sa Malacañang bilang Pangulo ng bansa.
Matatandaang binuksan ni Marcos sa publiko ang Malacañang para sa pagdaraos ng tradisyunal Simbang Gabi sa layuning maramdaman ng bawat batang Pinoy ang diwa ng Pasko.
Idinagdag pa ng Pangulo na nananatili pa ring pinagpala ang mga Pinoy sa gitna ng sitwasyon ng bansa dulot ng pandemya ng coronavirus disease 2019.