• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Video ng pag-ispluk ni Ai Ai Delas Alas tungkol sa isang ‘late comer’ na StarStruck alumnus, usap-usapan

Richard de Leon by Richard de Leon
December 29, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
Video ng pag-ispluk ni Ai Ai Delas Alas tungkol sa isang ‘late comer’ na StarStruck alumnus, usap-usapan

Ai Ai Delas Alas at poster ng StarStruck season 1 (Screengrab mula sa FB ni Nherz Jane)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Gumagawa ng ingay ngayon ang video ng pagbuking ni Comedy Queen Ai Ai Delas Alas sa isang nakatrabahong aktor na produkto ng talent-search na “StarStruck” ng GMA Network, nang kapanayamin siya ng press people tungkol sa mga karanasan niya sa mga co-actors na late nang dumarating sa set.

Sa unang bahagi ng video, makikitang natanong si Ai Ai kung nakaranas na ba siya ng panlalait sa senior stars o celebrities noong nagsisimula pa lamang siya.

Tugon ni Ai Ai, oo naman daw, subalit natatawa lamang daw siya dahil totoo naman ang sinasabi ng mga ito patungkol sa kaniya, dahil wala pa siyang “pangalan” noong mga panahong iyon.

Sey ng Comedy Queen, naloka siya sa isang sikat na sikat na produkto noon ng StarStruck dahil super late daw ang “lolo” sa pagdating sa location ng kanilang shooting ng pelikula. Ibinahagi ito sa Facebook ng showbiz insider na si “Nherz Jane”.

Ayon pa kay Ai Ai, napagsabihan daw niya ang naturang StarStruck alumnus subalit tila dinedma lamang daw siya dahil kasagsagan ng kasikatan nito noon.

Maya-maya, pinangalanan ni Ai Ai ang alumnus ng StarStruck na binabanggit niya.

“Sino nga ‘yon… yung si Smiley… yung smile yung talent niya… si Rainier!” bulalas ni Ai Ai.

Ang tinutukoy ni Ai Ai ay si “Rainier Castillo” na kasabayan nina Jennylyn Mercado, Mark Herras, at Yasmien Kurdi noong season 1 ng StarStruck.

“Nagsho-shooting kami ‘day, ang call time niya 8AM dumating si Lolo mo, 3PM! Wala ng araw! Naloka sa kaniya si Direk…”

“Natatandaan n’yo ba ‘yon? Naloka sa kaniya yung direktor kasi nga wala na yung araw…”

Sikat na sikat at talagang tinitilian daw talaga si Rainier sa kasagsagan ng kaniyang kasikatan noon. Paglalarawan pa ni Ai Ai, nagsasampalan daw ang mga babaeng faney para lang masilayan siya, bagay na nasaksihan niya sa kaniyang mismong harapan.

Sa ngayon ay hindi na aktibo sa showbiz si Rainier. Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang dating aktor patungkol dito.

Tags: Ai Ai delas AlasRainier CastilloStarstruck Season 1
Previous Post

Mag-amang taga-Baguio, nalunod sa La Union beach

Next Post

Ilang mga netizen, tinaasan ng kilay ang ‘Gender Sensitivity’ award ng ‘My Teacher’

Next Post
Ilang mga netizen, tinaasan ng kilay ang ‘Gender Sensitivity’ award ng ‘My Teacher’

Ilang mga netizen, tinaasan ng kilay ang 'Gender Sensitivity' award ng 'My Teacher'

Broom Broom Balita

  • Covid-19 cases sa QC, tumaas ulit
  • Albert Martinez, niligawan dati si Snooky habang jowa pa si Sharon
  • JV Ejercito, nanawagang i-persona non grata ang Chinese envoy sa PH
  • ‘Prison bakery’ sa ancient Pompeii, nadiskubre ng archaeologists
  • Rendon, inusisa si Kathryn tungkol sa ex-partner ng aktres
Covid-19 cases sa QC, tumaas ulit

Covid-19 cases sa QC, tumaas ulit

December 10, 2023
Albert Martinez, niligawan dati si Snooky habang jowa pa si Sharon

Albert Martinez, niligawan dati si Snooky habang jowa pa si Sharon

December 10, 2023
JV Ejercito, nanawagang i-persona non grata ang Chinese envoy sa PH

JV Ejercito, nanawagang i-persona non grata ang Chinese envoy sa PH

December 10, 2023
‘Prison bakery’ sa ancient Pompeii, nadiskubre ng archaeologists

‘Prison bakery’ sa ancient Pompeii, nadiskubre ng archaeologists

December 10, 2023
Rendon, inusisa si Kathryn tungkol sa ex-partner ng aktres

Rendon, inusisa si Kathryn tungkol sa ex-partner ng aktres

December 10, 2023
Mas matinding traffic sa Metro Manila, asahan sa mga susunod na linggo

Mas matinding traffic sa Metro Manila, asahan sa mga susunod na linggo

December 10, 2023
Maja, ibinahagi ang pinapangarap na pamilya

Maja, ibinahagi ang pinapangarap na pamilya

December 10, 2023
Andrea, bawal tanungin sa hiwalayang KathNiel?

Andrea, bawal tanungin sa hiwalayang KathNiel?

December 10, 2023
Phivolcs: Bulkang Taal, 11 beses yumanig

Phivolcs: Bulkang Taal, 11 beses yumanig

December 10, 2023
Easterlies, makaaapekto sa malaking bahagi ng bansa

Easterlies, makaaapekto sa malaking bahagi ng bansa

December 10, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.